Saturday, August 27, 2005

(Story) THE WAY YOU LOOK AT ME
by Jacques Cole


CHAPTER 1
"No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to.."
Sa pintuan pa lang ng simbahan, sinisimulan ko ng kantahin ang awitin ni Christian Bautista. Isang simpleng white gown ang suot ko. Spaghetti strap ang aking pang-ibabaw at hapit ang hip line ng damit. Mula sa likod, flowing na ang wedding gown ko papunta sa likod. Mayroon akong mahabang train sa likod. See-through ang likod ng wedding gown ko, at malapit na sa puwit ang pagkaka-see-through na tumitigil ng isang pulgada sa ibabaw ng puwit. Ang aking veil, siyempre, signature na Randy Ortiz na nakapatong lang sa ulo ko. Nakataas ang buhok ko na napapalamutian ng mga Swarovski crystal. Walang beadwork ang wedding dress ko. Nagkalat lang na Swarovski crystal ang kumikinang sa damit ko lalo na’t naiilawan ng mga camera. May nagkalat ring Swarovski crystals sa aking veil. May nakakabit na wireless microphone sa damit ko.
".. I never knew just what a smile is worth
But your eyes just say everything without a single word.."
Nauuna sa pagmartsa ang aking mga flower girls na naka-white gown. White and red ang motif ko, kaya’t puro malalaking red roses ang dala nila. Medyo fantasy rin ang theme ko kung kaya’t I made it a point na flowing ang design ng mga gowns nila. Sa mga bata, merong mga flowing white cloth sa kanilang mga shoulders. Off-shoulder kasi ang design, so, sa dulo e me nakakabit na telang puti. Sa simula rin ng martsa, nagpakalat na ng butterflies sa loob ng simbahan. Ang mga flower girls ko, me butterfly wings pa. May nakakabit ring bulaklak sa kanilang mga buhok. Ang mga flower baskets, may fake butterflies pa na nakasabit, na nakakabit sa manipis na alambre na nagbibigay ng illusion na lumulutang ang mga ito. Ang mga abay kong babae, lahat naka-white gown. Iba’t-iba ang mga design (maaarte kasi) pero lahat, white. Red ang shawl nila, pati na rin yung roses na naka-bracelet sa braso nila. May mga fake na butterflies rin na nakakabit sa kanilang mga damit at buhok. Tuloy-tuloy ang aking pagkanta habang mag-isa akong lumalakad sa aisle ng simbahan. Ang mga parents ko, sa bandang gitna ng simbahan naghihintay para samahan ako papuntang altar. Pagkatapos ng initial na parte ng kantang iyon, biglang kakanta ang UP Singing Ambassadors ng mga susunod na linya ng awitin:
" ‘Cause there’s something in the way you look at me
It’s as if my heart knows you’re the missing piece
You made me believe that there’s nothing in this world I can’t be
I never know what you see
But there’s something in the way you look at me.."
Sa parteng ito, mangiyak-ngiyak na ako. Malapit na ako sa mga parents ko, habang parang isang koro ng mga anghel na tuloy-tuloy na umaawit ang UP Singing Ambassadors. Ang ganda ng acoustic ng simbahan kaya’t parang bell sa pandinig ang pag-awit ng koro. Sabay-sabay. Ang ganda ng combination ng mga tenor, soprano, base at baritone. Sa second floor ng simbahan sila lahat nakapuwesto, sa may bandang likuran, kung kaya’t habang tuloy-tuloy ako sa paglakad, para akong inaalalayan ng magagandang tinig papunta sa altar.
"If I could freeze a moment in my mind
Be the second that you touched your lips to mine
I’d like to stop the clock, make time stand still
‘Cause baby, this is just the way I always wanna feel.."
Ang mga ninong, lahat, naka-barong samantalang ang mga ninang, naka-dress na may kumbinasyon na kulay red at white. May hawak silang mga abaniko na may nakakabit na arrangement ng red roses. Para tuloy silang may hawak ring bouquet. Ang momsy, ang ganda ng suot na red dress. Actually, red na tube na damit na spaghetti strap, na pinatungan ng red na lace na pang-ibabaw, at Grecian ang pagkakatabas. Nag-tube ang momsy for the first time! Si papsy, naka-off white na barong. Si kapatid ang matron of honor ko. Naka-white siyang long gown. Dahil buntis, pinagawa na lang namin na Grecian din ang style ng gown niya para flowing at di masyadong kita ang kanyang lumalaking tiyan. Ang buhok niya ay nakataas rin at napapalamutian ng red roses. Pagdating ko sa altar,dun naghihintay ang aking mapapangasawa. Napakaguwapo niya sa kanyang off-white barong, na gawa pa ni Patis Tesoro. Nagmano siya kina momsy at popsy, bago niya inabot ang kamay ko at dinala ako sa altar. Patapos na ang kanta. At yung huling parte, ako na muli ang kakanta. Medyo nagbe-break na ang boses ko dahil sa sobrang excitement. Maluha-luha ako ng awitin ko yung last chorus ng kanta nung nasa harap na kami ng altar habang nakatingin ako sa aking guwapong-guwapong mapapangasawa.
"..You made me believe that there’s nothing in this world I can’t be
I never know what you see
But there’s something in the way you look at me
The way you look at me.."
-----------------------------
"Angelo.. Angelo.. halika na.." narinig kong aya ng momsy na nakaupo sa tabi ko.
Bigla akong nataranta. Patapos na pala ang kasal ng pinsan ko. Kanina pa kami nakaupo dito sa may bandang gitna ng simbahan. Syet! Napasobra pala ang pag-i-imagine ko ng kasal ko, di ko napansing natapos na pala ang seremonyas at nagpapakuha na ng picture ang mga kamag-anakan namin sa altar, kasama ang bagong kasal. Tinatawag na pala kami para sumama sa pagpapalitrato.
Dali-dali akong lumakad papuntang altar, kasama si momsy at papsy, pati na rin ang mga pinsan ko’t iba pang kamag-anakan. Pumuwesto ako sa me likod, dahil na rin naman sa matangkad ako. Para lalong kita. Naka-barong kaming lahat, since formal yung kasal at dapat, naka-barong ang mga lalaking bisita. Kanina ko pa inii-scan ang mga kasama kong bisita. Siyempre, ang target ko e yung mga lalaking bisita na mula sa angkan nung lalaki (kasi, babae yung pinsan ko). Kaso, mga coƱotic ang mga itsura. Sa reception ko na lang tataymingan.
Pagkatapos ng ilang picture-taking, natatawa akong bumaba ng altar. Tinatawag naman nung wedding coordinator yung mga kamag-anak ng lalaki. Andaming pogi. Pero di ako sigurado kung puwede sila for me. Alam mo na. Sa ganitong okasyon, masarap umamoy ng mga parehas ko, pero nakakahiya kung dito pa ako magkakalat. Ako pa, e, medyo tago ako. Nilingon ko muli ang altar. Tsk. Alam ko naman na kahit kailan, di ako ikakasal. Lumipad na palayoang mga paro-parong ikinalat sa simbahan.. Nagtakbuhan na ang mga flower girls na may butterfly wings pa sa likuran.. Naglaho na sa hangin ang mga koro.. Wala na. At kahit kailan, hindi magkakaroon. Hindi matutupad..
Si Lord kasi e..

CHAPTER 2
"Momsy.. no!"
Gumagawa kami ni Momsy ng polvoron. Oo nga pala, "momsy" ang tawag ko sa nanay ko, samantalang "papsy" ang tawag ko sa tatay ko. Tatlo kaming magkakapatid, at parehas ng nag-asawa ang mga kapatid ko. Ang ate ko, nakapisan na kasama ng asawa niya. May sariling bahay yung napangasawa. Pangalawa ako, samantalang yung bunso naming lalaki, sa Pampanga nakatira kasama rin yung pamilya niya. Ako na lang ang kasama ng mga momsy sa bahay. Kaya naman nakakagiliwan na namin ang mga pagkakataong may ginagawa kami na sama-sama. Katulad ngayon. Hinahalo ko sa pinainit na arina ang peanut butter para magawa kong peanut butter flavor yung polvoron habang si momsy naman ay nagugupit ng cellophane para sa pambalot.
"At bakit hindi? Ayaw mo nun. Guwapo raw si DJ. Bata pa siya nung huli kong makita e. Edukado. May magandang trabaho. May kotse. Bagay sa’yo yun.." tuloy-tuloy na pagsasalita ni momsy. Sa edead kong 30, nakakatuwa na nakakainis na nakikialam na si momsy sa aking mga personal affairs. Nakakatuwa kasi, open na siya sa mga ganitong posibilidad. Nakakainis, kasi mas nae-emphasize na wala pa rin akong lovelife at nagmumukha akong desperado na. Matagal na mula nang huli akong magkarelasyon. Nag-iisa lang iyon. Pagkatapos nun, wala na. Naghahanap pero walang dumarating. May nirereto si momsy sa akin ngayon. Anak ng kumare niya na bading din daw. Matagal ng natanggap ni momsy ang estado ng aking pagkatao. Si papsy, silent na lang, pero alam kong okey na rin siya.
"Momsy! Please! Ayoko ng set-up! And of all people, ikaw pa ang magse-set-up sa akin".
"Okey nga raw si DJ. Available rin tulad mo".
Natawa ako. Siguro, kinakabahan na ang momsy na later on e magiging mag-isa na lang ako kung kaya’t siya na mismo ang naghahanap para sa akin.
"Ma, pinagpasa-Diyos ko na lang yun. Ayokong ipilit. So, silent na tayo, okey..?".
"Tumigil ka nga riyan. Ipapakilala ko sa’yo si DJ. Dapat makilala mo siya. Bagay kayo".
Tumayo ako’y inilagay sa komedor ang natira pang peanut butter. Sinimulan ko ng haluin ang arina, kasama ang pinalambot na butter.
"Teka," sabi ko, "at bakit naman pati kumare mo e nakisawsaw sa kalagayan ng lovelife ko? Momsy ha - pinag-uusapan niyo ba ako sa school?". Teacher sa isang public school si momsy.
"E alam naman ng mga co-teacher ko ang buhay mo e. Diyos ko! E bata ka pa lang, kilala ka na ng mga co-teacher ko e. E minsan, napag-usapan namin nung kumare ko na me isa akong anak na wala pang asawa. Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi ko. Ganun din pala yung anak niya. Malay mo, baka kayo ang itinakda ng tadhana" ani Momsy, talagang nangungulit.
"Tadhana ka diyan, momsy! Dyosko! Nakakahiya!".
"Tumigil ka. Basta, ipapakilala kita".
"Momsy.. tsk. Papsy.. si momsy o.." sumbong ko ke Papsi.
Nagkukudkod ng niyog si papsy para naman sa lulutuing ginatang alimasag. "Bahala kayo diyan. Nagkukudkod lang ako dito".
Kinuha ko na yung hulmahan ng polvoron at sinimulan ko ng kumuha mula sa bowl ng pinaghalong arina, butter at peanut butter, at ilagay yun sa pinggang may bond paper. Plano ko kasing palamigin muna ang polvoron sa ref para matigas na ito bago ko ibalot sa cellophane.
"Bakit ba? Hoy, me kotse pa yun ha.. tsaka guwapo nga.. di ba yun ang gusto mo..." si momsy uli.
Di ko naiwasang umirap. "Ma.. tigilan nga yan. Sige ka, pag nagka-relasyon ako, lagi na akong wala sa bahay. Wala ng mag-aalaga sa inyo.." tukso ko.
"Bakit? Aalis ka ba agad dito? E ikaw nga etong mahilig mag-stay sa bahay e.."
Totoo naman iyon. Kahit buo pa kaming magkakapatid dito sa bahay, ako e talaga namang homebody. Talagang hilig ko na ang mag-stay sa bahay. Kung yung iba e gustong-gusto ang pag-gimik at paglalakwatsa, ako e mahilig mag-ayos sa bahay. Mahilig akong magligpit. Magluto. Mag-ayos ng bahay. Madalas nga e puro Lifestyle Network ang pinapanuod ko dahil kinagigiliwan ko ang pag-aayos ng bahay. Ilang beses ko na bang pininturahan ang banyo namin at kung anu-anong make-over ang pinaggagagawa ko dito.
"Momsy, tigilan nga. Di natin yan kilala.."
"Ang totoo niyan, nagkuwento na sa akin si Tita Elvie mo tungkol ke DJ. Medyo natagalan nga yang maka-graduate e. Andami kasing mga pinagagagawa nung college. Nagkaproblema yata. Pulos boyfriend yata ang inasikaso.."
"Tingnan niyo na? Yan ba ang gusto niyong maging dyowa ko..?"
"Hindi. Nung namang namatay ang tatay niya, dun.. tumino na. Laking pasasalamat nga ng Tita Elvie mo e. Siguro, napag-isip-isip na dapat, responsable na siya dahil nag-iisa lang siyang anak. Lumipat daw ng ibang school, tapos, dun na nakapagtapos na. Ayun. Ngayon, maganda na ang trabaho niya. Puro nga raw trabaho ang inaasikaso e."
Napatingin ako ke momsy. Dyosko, buong buhay yata nung DJ na yun e alam ni momsy!
"Ano ngayon kung maganda ang trabaho? Ayoko nga.."
"Sige na. Gusto mo, magkita kayo sa school..? Papapuntahin daw ng Tita Elvie mo sa school para dun kayo magkakilala.."
"Ma! No. Tama na. Period na. Ayoko po. You talaga, momsy, ang kikay! Basta, tapos na ‘to. Tapusin na natin ito ng maligpit ko na ang lababo.."
"E bagay nga kayo e.."
"Sssshhh.. tama na mudra! Dyosko!" at dun tinapos ko ang usapan namin.

CHAPTER 3
Kinailangan operahan ang momsy nung araw na yun. Madalas na dumadaing ang momsy ng pananakit ang ulo. At nahihirapan siyang makakita. Kaya nagpatingin sila sa St. Luke’s, kung saan magagamit nila ang kanilang health card. At yun nga, catarata raw. Suggestion ng duktor ni momsy, operahan. Nung ibinigay na yung options, mas minabuti namin na laser na lang ang gawin. Nakakaloka kasi kung yung me kasama pang tahi-tahi. Di namin kakayanin. Baka mamutla kami ni papsy sa pagbabantay ke momsy kung me tahi-tahi pa ito sa mata. E takot pa naman kaming pareho ni papsy sa dugo.
Na-set ang operasyon ng Saturday. Para naman makapasok pa si momsy sa school. Ang usapan namin, si papsy ang sasama dahil me kailangan pa akong tapusin sa opisina ng Sabado ng umaga. Si momsy nga, sinabihan na ako na huwag na akong pumunta dun. Okey na daw sila ni papsy. Ang sabi sa amin, 2 hours lang daw yung operasyon. Puwede ng umuwi. Hindi na laser yung gagawing procedure. "Pecol" daw ang tawag sa gagawing operasyon. Mas maliit daw ito kesa sa laser. Umaga ng Sabado gagawin yung operation para yung doktor ni momsy sa mata ang mauunang gumamit ng operating room. So, magha-half day na lang ako sa office, tapos, tutuloy na ako sa St. Luke’s para sabay-sabay kaming umuwi.
Kaso, mag-e-eleven na ng tanghali ng tumawag si papsy. Suggestion daw ng doktor na i-confine si momsy overnight. Medyo tumaas daw ang presyon ni momsy kaya para ma-obserbahan, dapat na siyang i-confine. Dali-dali akong umalis ng opisina at tinungo ang St. Luke’s. Andun si papsy at hinihintay ako. Awa ng Diyos, nakakuha kaagad ng kuwarto (himala!). Pinakuha na lang muna namin ng gamit si papsy sa bahay, at ako na lang muna ang mamamalagi sa ospital para magbantay.
Dalawahan yung kuwarto pero walang umookupa sa kabilang kama kaya’t solo namin ang kuwarto. Bago umalis si papsy, bumili muna ako ng supplies sa malapit na convenient store, pati na rin ng pananghalian ko dun sa Burger King na malapit sa ospital. Hinayaan na lang muna naming matulog si momsy. Pinauwi ko na si papsy para kumuha ng iba pang gamit at pera pambayad namin kinabukasan.
Mga pasado alas-tres ng gumising na si momsy sandali pero muling nakatulog. Nanunuod ako ng TV kaya di ko napansing may tao na pala sa likod ko. Kasi nga e nakatalikod yung upuan ko sa pinto ng kuwarto. Masyado pa naman akong engrossed sa pinapanood ko. Hapon na yun at talaga namang tutok ako sa episode na ito ng "Wish Ko Lang". Me isa na namang nag-wish na makauwi sa pamilya niya sa probinsya. Nakakaiyak yung eksenang nagkita-kita sila ng tatay niya na matagal na niyang hindi nakikita. At sa totoo lang, naiyak talaga ako sa eksena. Ganito talaga ako, madaling maiyak sa mga ganito kasimpleng sitwasyon.
"Excuse me.." sabi ng tao sa likod ko.
Bigla akong napatayo sabay lingon. Shit! Ang pogi!!!! Matangkad etong lalaking kaharap ko ngayon. Naka-longsleeves siya na kulay white na may maninipis na stripes na kulay pink. Naka-white coat siya, kaya nahinuha ko na siguro, doktor siya! At mukhang bata pa. Mabilis na sinilip ko ang kanyang name tag na nakakabit sa pin niya sa coat. ‘Dr. Arcanghel’ ang nakalagay dun. Anghel nga talaga siya, biro ko sa sarili ko.
"Are you okey..?" sabi niya, nakatingin sa akin.
"Ha.. yeah.. yeah okey lang.." sabi ko, sabay singhot. Duon ko naalala na umiiyak pala ako ng maabutan niya ako. "Sorry ha. Madrama etong pinapanuod ko e.." sabi ko, sabay pahid sa mukha ko.
"Akala ko kung ano na ang nangyayari sa’yo. Umm.. are you related to the patient.." sabi nito, sabay turo ke momsy.
"Mother ko po.." sagot ko. Nahiya pa akong mag-po sa kanya, dahil sa totoo lang, mukha kaming magka-edad.
"I see.. Well, you’re mom is okey naman. She just have to rest, kasi, tumaas ang presyon niya kanina. The operation was sucessful. We just have to observe her till tomorrow morning.." tuloy-tuloy na sabi ng duktor, habang sinisilip ang hawak niyang files. Namamangha na lang ako sa katitingin sa kanya. Pero siyempre, ayaw kong ipahalata. Nakaranas na ba kayo na tumingin sa isang pagka-guwapo-guwapong mukha na hindi ka magsasawang titigan. Isa na siya dun!
"Ahh. So thank you doc.." tanging nasabi ko.
"Were you crying..?" tanong niya.
"Ha?! Sorry. Engrossed lang kasi ako sa pinapanuod ko. Mababaw luha ko e.." sabi ko.
"Nakakatuwa ka naman.." sabi nito, nangingiti. Muli siyang lumapit sa kama at tiningnan si momsy.
Ganun?! Anong nakakatuwa dun, bulong ko sa sarili ko. "Kanina ka pa ba nandyan doc..?" tanong ko.
"Medyo. I was checking your mom’s files nung pumasok ako, tapos, I heard someone.. crying.. akala ko kung ano na ang nangyari sa pasyente ko.." sabi nito, nakangiti. Amused ako sa pangiti-ngiti niyang gestures. Di ko tuloy alam kung mapipikon ako o kikiligin.
Di na lang ako ngumiti. At napansin yun nung duktor. Bigla siyang nagpormal. "Hey, sorry for the comment.. it’s not that I thought something happened to your mom.. I was just curious why someone was crying.. I only operated on her eyes.." tuloy-tuloy niyang pagsasalita.
Tumango lang ako. At sinikap ngumiti. "No. Its ok" sagot ko, sabay upo sa upuang nakaharap sa TV. Di ko na siya nilingon, hanggang sa narinig ko ang pagsasara ng pintuan.

CHAPTER 4
Alas-sais ng gabi ng dumating si papsy sa ospital. Kinandado na lang niya ang bahay. Di na rin namin pinapunta ang mga kapatid ko. Bukas na lang sila tutuloy sa bahay para kumustahin si momsy. Panay naman ang text nung dalawa kong kapatid. Di naman marami ang dinalang gamit ni papsy. Mga pagbibihisan lang, tuwalya, at iba pang supplies na di ko nabili kanina. Awa ng Diyos, buti na lang at wala pang umokupa sa kabilang kama kaya’t nasolo namin ang kuwarto.
Pagkatapos kumain ng hapunan, natulog na uli si momsy. Si papsy naman, pagkatapos manuod sandali, humiga na sa mahabang sofa sa gilid ng kama ni momsy. At nakatulog. Nasa loob ako ng banyo ng may marinig akong kumakatok. Paglabas ko, nakasilip na si Dr. Arcanghel.
"Good evening.." bati nito.
"Good evening po.." sabi ko.
"Kukumustahin ko lang ang pasyente ko. Nakakain ba sya ng hapunan..?"
"Opo. Nakatulog nga uli e. Bawal ba yun sa kanya…?" tanong ko.
"As long as we can monitor her blood pressure, ok lang. Andito na rin pala si sir e.." sabi niya sabay tingin kay papsy na nakahiga sa sofa.
"Yeah. Kumuha lang ng gamit. Damit pamalit ng momsy.." sagot ko.
Pagkatapos niyang check-in si momsy, lumakad kami papuntang pinto. Sumabay ako sa kanya, ihahatid ko na siya sa may pintuan. Maya-maya, bigla siyang huminto at hinarap ako.
"Momsy? I hope you don’t mind my asking.. bakit momsy..?" tanong niya, nakangiti.
"Wala po. Nakasanayan lang. Yun ang term of endearment ko sa kanya. Papsy naman para sa tatay.." sabi ko, nahihiyang ngumiti.
"I see. Its nice. I bet close kayo sa isa’t-isa.."
"Yup. Awa ng Diyos. Kahit maraming problema, okay naman po.." sabi ko.
"I hope you don’t get me wrong- again, but you can call me Dave, if that’s ok" sabi niya, nakangiti. Oppps.. nahuhulog ang panty ko.
Nangiti ako. Shucks! First name basis na kami. Teka: "Again..? What’s that supposed to mean?"
Ngumiti siya. "Well, I just had the feeling that you were .. umm.. affected with my comment earlier. It was stupid. And I don’t think I apologized to you for that properly".
"It’s ok. Napa-praning lang ako ke momsy. We thought na makakauwi na kami ngayon, di po ba..?"
"Ako nga rin e. Kaya nga I stayed e. But I assure you, she’s okey. Ummm.. ano nga pala ang name mo..?"
Shucks! How impolite of me. "Ummm.. its Angelo. You can call me Angel" pakaswal kong sagot. Angel Arcanghel. Ang kyut!!!
"Nice to meet you Angel.." sabi niya sabay lahad ng kamay. Napilitan tuloy akong makipagkamay. Puwedeng pa-kiss, isip ko. Ay! Ang lantod!
Katahimikan. Sinikap kong magsalita. "So, nakakahiya naman sa inyo. You have to stay pa para i-check ang momsy.."
"It’s ok. Its no problem. She’s my patient. It’s my job.."
"Its still early naman. Sayang kasi it’s a Saturday - gimik night di ba?" tanong ko.
Ngumiti si Dave. "Ok lang. I seldom go out na. I think I’m over that phase. You? Dapat yata ikaw ang lumalabas..?"
"Di rin. I never enjoyed going out. Well, I go out occassionally. But I prefer to stay home. And I like it that way.." nasabi ko.
"Is that your book..?" tanong niya sabay tingin sa librong nasa upuan malapit sa TV.
Tumingin ako sa libro. "Yeah. ‘Purpose Driven Life’. It was a gift from a friend. It’s good. You should try reading it for yourself.." suggestion ko.
"Why? Do I look like a person na walang purpose..?" tanong niya.
Medyo nataranta ako. Ay! Mali! "No. No.. I mean, it’s a good read. I enjoyed it immensely. Hey, ikaw ha, nagbabalik ka sa akin. Sorry but it was not meant that way..?"
Natawa si Dave. "It’s ok. I get your point. Basta, quits na tayo ha.." sabi niya.
Ngumiti rin ako. "Okay. Kalimutan na natin yun. So, what time kayo aalis. I mean - kasi, is this the last time you’ll be checking on momsy..?"
"Siguro. I’m kinda tired na rin e. I’ve been here since this morning. Tapos, me pinuntahan lang ako sa Capitol. Bumalik lang ako to check on your mom..".
"So, you’re going na.. sabi ko na nga ba, you’re a night person din e. Uyyy.. doc, ha, me date kayo..?" tukso ko. Actually, ‘fishing’ na itong ginagawa ko.
"I said you can call me Dave. And no, wala akong date.." sabi niya, patuloy na nakangiti.
"Is is true that doctors hook up with fellow doctors..?" tanong ko.
"Ano? Saan mo naman napulot yan? It’s not true. I can hook up with anybody. Why..?"
"Wala lang. Talaga? Are you seeing somebody..?" wala sa sarili kong naitanong.
Natawa muli si Dave. "Why..?".
Awkward akong ngumiti. "Kasi, I have many female friends sa office. And I’m hoping to hook you up with some of them. Imagine, a doctor!" suhestiyon ko.
"Angel playing cupid ei? I’m available. Pero baka di mo alam ang type ko?".
Nawala ang ngiti ko sa mukha. Aba’t nagsusuplado pa yata sa akin ang kumag na ito a. ‘Di alam ang type? Ano ang tingin niya sa mga kaibigan ko?! Hmmm.. sounds like..
"So, I better go. I’ll tell the nurse sa station to keep an eye on your mom. Nice meeting you Angel.." sabay lahad muli ng kamay.
Inabot ko ang kamay niya. Napansin ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko. Tama bang mag-interpret ako ng mga bagay-bagay! Ooops! Nahuhulog ang panty ko. Taas-taas..
"Will you be around tomorrow, bago kami umalis?" habol kong tanong.
Lumingon siya. "Why?" tanong niya.
"Wala lang. Para i-check mo sana si momsy.." paliwanang ko. Ano ba ito? Tumitibok ang puso ko ngayong magkaharap kami sa may pinto!
"Bahala na. Baka me lakad ako bukas e. I’m sure she’ll be okay".
"Thanks Dave" nasabi ko na lang.
"It’s my pleasure. Nice meeting you", sabi niya.
Can I get your number? Para sa mga kaibigan ko, I mean. Masyado ba akong pakyut? Mataray? Korni? Magkikita pa ba tayo uli? Can you be mine..? Andami ko sana gusto sabihin pero di ko mailabas. Syeeeeet! Ang hirap naman o. Kahit sa kapwa lalaki, natitiyope pa rin!
"Doc.." habol ko uli.
Nakangiti siya ng lumingon.
"Thank you po.." nahihiyang nasabi ko.
"See you around Angel.." sabi niya, sabay lakad palayo.
---------------------------
Galing ako sa ground floor. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ng momsy, nagulat ako kasi may bisita. Di ko ine-expect na kung kailan nagliligpit na kami, dun pa me bisitang darating. Nakaupo si momsy sa kama smaantalang nakaupo sa upuan yung bisita.
"Angelo, o, si Tita Elvie mo.." bati ni momsy sa akin pagpasok ko ng kuwarto.
"Ay.. good morning po.." sabi ko. Naglahad ng kamay si Tita Elvie kaya ako ay nagmano.
"Eto ba si Angelo? Ang guwapo naman pala ng anak mo e. Kamukhang-kamukha ni pare.." sabi nito. Nasa baba na si papsy, dinala na yung mga gamit namin dito sa kuwarto. Sinamahan ko na rin siyang magbayad sa ospital.
"Aba, binantayan pa niyan ako dito sa ospital. Di ba, ambait.." pagbibida ni momsy.
Ngumiti lang ako.
"Sayang, di nakasama si DJ. Para sana nagkakilala na kayo..?" sabi ni Tita Elvie.
Muli, ngumiti lang ako. "Next time na lang ho siguro.." sagot ko.
Nagkatinginan ang dalawang matanda.

CHAPTER 5
Dalawang Linggo matapos ang operasyon ni momsy, napagkasunduan naming magkakapatid na maghanda para, ikanga e, "thanksgiving" ni momsy. Siyempre, tuwang-tuwa si momsy at ipaghahanda namin siya. Napagkasunduan naming kausapin yung caterer na madalas naming kunin para ito ang maghanda. Plano rin naming magdagdag na lang ng ulam kaya nagpadala na lang kami ng additional trays sa caterer. Maraming bisita ang dumating. Nung umpisa, kasama akong bumabati sa mga dumarating na bisita. Pero ng magtagal, naisipan ko ng sumegunda sa ginagawang preparasyon sa kusina. Tuloy-tuloy na nagluluto ng ibang ulam, pati na rin ang pagliligpit ng kubyertos. Sinilip ko ang kusina at nakita ko kung gaano kaaligaga sa preprasyon ang aking mga tiyahin kaya naisipan ko na ring tumulong. Maraming mga ginamit sa pagluluto ang di pa nahuhugasan, pati na rin yung ibang mga plato at kubyertos namin na sabay na ring inilabas. Di nagkasya yung dala ng caterer. Dahil nahihiya na rin ako, sinabihan ko na ang mga tiyahin ko na tumuloy na sa loob at ako na lang ang bahala sa iba pang lulutuin.
Nagpi-prito ako ng lumpiang shanghai sa likod bahay kung nasaan ang aming dirty kitchen habang hinahayaan kong tumulo ang tubig sa planggana para sa paghuhugas ko ng mga maruruming pinggan at kubyertos. Inutusan ko si Tetay, yung aming kasambahay na tumutulong sa akin dito sa kusina, na tingnan yung mga lalagyan ng ulam na nakahain sa labas at tingnan kung kailangan ng dagdagan ang ulam sa mga trays. Maya-maya, may biglang lumabas sa dirty kitchen na may hawak na magkapatong na maruruming pinggan.
"Saan ‘to puwedeng ilalagay..?" sabi ng lumabas, boses lalaki.
"Pakilagay na lang sa lababo" sabi ko, habang tuloy-tuloy sa pagpipirito ng lumpia. Narinig ko ang pagpatong ng mga pinggan sa lababo. Di pa rin ako lumilingon pero napansin kong nakatingin sa akin ang lalaki. Dun, nilingon ko siya.
"Uy! Ikaw pala!" sabi ko, nabigla. Si Dr. Dave!
"Busy ka yata ah.." sabi nito, nakatingin sa ginagawa ko.
Nahihiya akong ngumiti. "Medyo. Umm.. Sinong kasama mo? Bakit ka nandito? Buti nakarating ka. Nahirapan ka bang pumarito? .." sunod-sunod kong tanong.
"Teka. Isa-isa lang. Andami mo tanong.." nakangiti nitong sagot.
Alanganin akong ngumiti. Ang engot ko talaga o. "Nagulat lang ako. Inimbita ka pala ni momsy, di ko alam.."
"Oo naman. Buti pa nga si Tita, inimbita ako e."
Ngumiti ako. Aktingero! "Buti naman nakapunta ka. Hoy ha, baka maningil ka pa ng professional fee sa pagpunta mo dito.." biro ko.
"Sobra ka naman. Di naman ako naningil sa ospital e".
"Buti di ka naligaw. Probinsiya na itong amin e.. " sabi ko.
Lumakad palapit sa akin si Dave. Syet! Ang guwapo talaga ng lalaking ito. Nakapolo-shirt siya na dark blue, na lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian. Ang tangkad niya talaga. Tiningnan niya ang aking piniprito. Kinuha niya yung isa pang shanse.
"Tulungan na kita.."
"Hindi. Wag na. Nakakahiya naman sayo doc! Bisita ka namin".
"Ok lang. E wala naman akong makausap sa labas e. Nandito ka e".
Di ko alam kung nakita niyang may star na nag-twinkle sa aking mata. ‘Love you!’ gusto ko na sanang isigaw.
"Sige. Mapilit ka e" sabi ko na lang. "Oy, buti hindi ka naligaw doc..?"
"Alam naman ito ni mama e", sagot niya.
"Mama? Sinong mama..?" tanong ko. Tumingin ako sa kanya, naghihintay ng sagot.
"Yung mama ko.."
"Sino ngang mama? Kilala ni momsy ang mama mo?"
"Oo. Kumare nga niya e. Elvie Arcanghel.." sabi niya.
"Elvie..? Si Tita Elvie..?" tanong ko uli.
"Oo. Di mo ba alam na anak ako ni Elvie Arcanghel? Magco-teacher sila sa school a. Kaya nga sa akin nagpatingin ang mama mo e. Sakin ni-refer ni mama.."
"Hindi" matipid kong sagot.
TING! PUTANGINA! Ito si DJ!!! Napatitig ako sa mukha niya. Ito si David! Shit! Sayang!!! "So.. ehem.. ikaw pala si DJ..?"
Ngumiti siya. At muling pinagbalingan ang shanghai na nakasalang. "Yup. David Joseph Arcanghel Jr.".
"Hindi rin. Dr. David Joseph Arcanghel Jr." paglilinaw ko.
Sinimulan na niyang hanguin yung shanghai at ilipat sa colander. "Sure. Whatever you want. You’re my boss.." sabi nito.
Kinuha ko yung colander na pinaglagyan niya ng shanghai para patuluin sa paper towel. Inabot ko sa kanya yung mga di pa nalulutong shanghai. Pagkatapos, hinarap ko na yung paghuhugas sa mga pinggan.
"Sure kang okay ka lang na nagluluto diyan? Baka hinahanap ka na sa loob. Iwan mo na yan. Ako na bahala diyan.."
"Pinagtatabuyan mo ba ako? Sabi ko naman sayo na ok lang ako".
"Doc, nakakahiya po sa inyo. Bisita namin kayo.." tugon ko. Syet! Pakyut!
"Okay nga lang e."
"Baka matilamsikan ng mantika damit niyo.. Wala kaming pamalit diyan.."
Lumingon siya sa akin. Lumapit. "Pag di ka pa tumigil, ikaw pipirituhin ko dito".
Nangiti ako. Ang sweet naman namin. Syeeeet!!!
"Ikaw, dapat nasa labas ka rin. Handaan niyo ‘to, ikaw ang nagliligpit. Ano ka, katulong?"
"Okay lang ako dito noh. Ganito naman talaga ang gusto ko e. Magluto. Asikasuhin yung pagkain, yung supplies sa mesa.. kubyertos, pinggan, table napkin.. I’m a good hostess e" pagbibida ko.
"Good hostess? Dapat, ang good hostess, ine-entertain ang guests.."
"Doc, andyan na po ang momsy. Kaya na niyang dalhin ang lahat ng bisita. Bisita niya yan at celebration niya ‘to no."
"Uyyy.. para ka namang good housewife niyan.."
Napatingin ako sa direksyon niya. "Sana.."
"Bakit naman hindi? Malay mo..?" sagot niya, nakangisi.
"Malay mo mukha mo! Teka, ako na yata gino-good time mo e.. Bumalik ka na nga dun.." sabi ko sa kanya, pakunwaring nagtataray.
"Joke lang. Eto naman, di na mabiro.."
"Joke lang.. utot! Kiss kita diyan e.." biro ko.
"Sige. Saan..?" balik niyang tugon.
Natigilan ako. Ang landi. Ang kikay! Kinikilig ako na kinakabahan! Itinuloy ko ang aking paghuhugas ng kubyertos. Dedma. Kausapin mo sarili mo, bulong ko.
"Kuya.." bungad ni Tetay. May dala-dala pa siyang maruruming pinggan at kubyertos. Nagulat siya ng makita si David na nagluluto. Napahinto. "Ampogi.." walang kagatol-gatol na sabi nito. At hindi yun pabulong ha. Ang lintek, di na talaga nahiya.
Napatingin ako ke Tetay. Ang puta, di nakapagpigil sa sarili. "Ano?!" tanong ko sa kanya para mabaling sa akin ang tingin niya. "Me laman pa ba yung mga lalagyan ng ulam sa labas" tanong ko. Gusto ko sanang tumigil siya sa pagtitig ke David. Tumingin lang si David sa kanya, ngumiti, at muling bumaling sa mga susunod niyang isasalang na shanghai.
"A.. e.. opo. Me laman pa". Lumapit siya kay David at inabot yung shanse na kanina ko ginagamit. "Ako na po kuya.." sabi nito ke David, nagpapakyut.
"No. Its ok. I don’t mind. It’s my pleasure to help" pakaswal nitong sagot.
Natawa ako, kasi, nakanganga lang si Tetay sa kanya. Ang putah, nalunod sa konting English.
"Tetay, dalhin mo na nga itong shanghai sa mesa sa labas. Kesa naman lumamig na ito dito" sabi ko, sabay abot ng kaaahon pa lang na lumpiang shanghai. Di tumitinag ang gaga kaya di ko napigilang ilapit sa braso niya ang plato ng lumpia.
"Ay! ang init!" sabi nito.
"Dalhin mo na ito sa labas" sabi ko, nanlalaki ang mata.
Dali-dali namang inabot ni Tetay ang plato at pumasok sa loob. Nangiti ako sa inasal ni Tetay. Dinaig pa ako. Paglingon ko, nakita kong nakatingin sa akin si David.
"Yes…? Bakit po?" tanong ko.
"Nakangiti ka e. Kaya nangiti na rin ako".
"Tse! Sabihin mo, gusto mo lang yung tinititigan ka at obvious yung admiration sa’yo ng mga natutulala sa itsura mo.." sabi ko.
"Bakit? Ano ba ang itsura ko.."
"Asus! Eklatero.."
"No. Di nga. Ano ba itsura ko..?"
"Ang yabang! Pogi. Okey ka na? Kaya amused ka pag me tumitingin sa’yo".
"Di rin ah. Oy, unfair ha. You’re judging me.."
"As if na di ka tinitingnan ng mga tao. You’re a looker and you know it- na tinitingnan ka at natutulala ang mga taong kaharap mo because you look good.."
"E bakit ikaw, di ka natulala..?"
Arrgghhh… Syet talaga to! "E sa hindi e".
"So, ibig sabihin, hindi totoo yang sinasabi mo".
"Ok. Suko na ako doc! Give up na. Tama na po".
Muli kong tinuloy ang paghuhugas ko ng pinggan. Narinig ko yung paghango ni David ng lumpia, at yung muli niyang pagsalang ng mga pipirituhin.
"Shit!" narining kong sigaw niya. Bigla akong lumingon sa kanyang direksyon. Hawak-hawak niya ang braso niya, na sa wari ko e napilansikan ng mantika. Dali-dali akong humangos sa tabi niya, habang patapik-tapik niyang pinupunasan ng paper towel ang kanyang braso.
"Okey ka lang, doc..?" tanong ko. Nakakahiya naman ito, siya na yung tumulong, siya pa itong napahamak. Kinuha ko yung Colgate na nasa lababo para ipahid sa napaso niyang braso.
"Ano yan..?" tanong niya.
"Colgate. Okey to para di masakit. Matatalo yung lamig. Pasensya ka na, wala kaming ibang first aid para diyan", sagot ko. Pinahiran ko ng Colgate ang paso niya. Magkalapit kami. Halos magkadikit. Naaamoy ko yung kanyang pabango. Anak ng putsa, ambango! Ang sarap kainin. Hinihipan ko pa yung nilalagyan ko ng toothpaste para malamig sa pakiramdam. Hawak ng isa kong kamay yung kanyang braso habang yung isa e nagpapahid ng toothpaste. Bigla ko na lang napansin na nasa balikat ko pala yung isa niyang kamay.
"Okey na", sabi ko, sabay layo.
Para rin siyang nabigla. "Yeah. Thanks".
"Pumasok ka na kaya sa loob. Napapahamak ka pa sa pagtulong sa akin. Ako tuloy ang nahihiya", sabi ko sabay abot ng shanse. "Ako na ‘to".
"Ayaw mo lang yata akong kausap e".
"Ayan ka na naman. Sige na. Ako na bahala".
"Okey lang naman ako e", sabi niya sabay kuha ng isang shanse.
"Ano ba? Ako na nga e. Pumasok ka na sa loob" sabi ko, inaabot yung shanse na hinawakan niya.
"Bakit ba ang kulit mo? Okey lang ako. I prefer to be here", sabi nito, itinaas ang shanse, iniiwas na maabot ko.
"Akin na nga.." sabi ko, tuloy-tuloy pa rin sa pagsisikap abutin ang shanse. Magkadikit na naman muli ang aming mga katawan. Sa pagliyad niya, nagdidikit ang aming mga dibdib dahil halos dambahin ko na siya. Bigla, hinawakan niya ako sa likuran, sabay halik!
Malalakas ang tawanan sa paligid. Dinig na dinig ko ang malulutong na halakhak ng mga bisita mula sa kusina. Pati na rin ang wala sa tonong pagkanta ng ilang bisita sa videoke. Pero sa maliit naming kusina, parang umikot ang mundo ko. Di ako makagalaw. Ni hindi ko nagawang yumakap. Basta, ang natatandaan ko, nakatayo lang ako, pikit ang mata pero tuloy ang pagtugon sa kanyang mga halik. Para akong nasa ulap. At isang mala-anghel na binata ang kahalikan sa gitna ng mga alapaap. Teka, ulap ba ito? Biglang meron akong naamoy. Sunog!
"Shit!" sabi ko,. Sabay tingin sa kawali. Natutusta na ang lumpia! Dali-dali kong pinatay ang kalan. Mausok na sa kusina. Kinuha ko ang mga tustadong lumpia at nilagay sa colander. Inalis ko rin sa kalan ang kawali at nilagay sa mesang katabi ng gas range. Binuksan ko na rin ng todo ang pinto para lumabas ang usok. Sa kaabalahan ko sa pangyayari, di ko na napansin si Dave. Paglingon ko, wala na siya. Sayang. Gusto ko pa naman ng part two.

CHAPTER 6
Tinawag ko na si Tetay para ituloy ang pagluluto at paglilinis sa kusina. Nung pumasok ako ng bahay, andaming mga bisita na bumati sa akin. Di raw nila ako nakikita. Sinabi kong tumulong ako sa pagluluto ng mga dagdag na pagkain, bukod pa sa inihain ng caterer. Siyempre, niyakag naman ako ni momsy at tuloy sa pagpapakilala sa akin sa mga bisita.
"Eto yung pangalawa ko, si Angelo.."
"Kumusta na? Uyy.. ang laki na niyan ah."
"Naku, ang guwapo.."
"Saan ka nagtatrabaho..?"
Siyempre, di mawawala yung ibang pagbati na tulad ng:
"Me asawa na ba yan.."
"Nasan girlfriend mo..?"
"Kelan mo naman bibigyan ng apo ang nanay mo?"
Siyempre, ngiti na lang ang isinasagot ko sa mga tanong. Nakakapagod mag-explain.
"Angelo, o, eto ang Tita Elvie mo.." si momsy, katabi si Tita Elvie.
Nagmano ako. Ngumiti. "Kumain na po ba kayo?" tanong ko.
"Ay oo. Naku, ikaw pala yung nagluto ng ibang pagkain. Ang sipag mo naman.." sabi nito.
Ngumiti lang ako. Patingin-tingin. Hinahanap ko si Dave pero di ko makita. Baka nasa labas. Kaya lumabas na rin ako para kunwari, titingnan ko yung mga pagkaing nakahain sa labas. Marami pa ring bisita. Mga kamag-anak. Mga kaibigan. Mga kapitbahay. Wala si Dave. Di ko makita.
"Papalit lang po ako ng damit. Amoy kusina po ako e," magalang kong paalam kay momsy, pati na sa bisitang nakaharap. Pumasok ako ng kuwarto. Nagpalit ako ng t-shirt. Nagpunas ng alcohol sa katawan para mapreskuhan. Humiga muna ako sa kama dahil medyo masakit na ang likod ko.
Tok.Tok. Tok.
Natatamad akong tumayo para buksan ang pinto. Kakainis naman o. Pagbukas ko ng pinto, si Dave.
"Doc…" tanging nasabi ko.
"Sabi ni Tita, andito ka raw. Hihiram sana ako ng shirt e. Basa na ng pawis etong shirt ko e."
Di ko alam kung papapasukin ko siya sa kuwarto ko. Tama ba yun? Baka mag-isip ng masama ang makakaalam. Etchos! "Halika, pasok ka muna.." anyaya ko. Pumasok si Dave. Naupo sa sofa sa kuwarto. "Ummm.. shirt no.. ano gusto mo, t-shirt lang, o yung me collar..?" tanong ko.
"Kahit ano" sagot niya.
Sinipat ko ang kuwarto. Malinis naman ang kuwarto ko. Sa totoo lang, ito ang pinakamagandang kuwarto sa bahay namin. Alaga ko e. Tinungo ko ang cabinet at naghanap ng shirt.
"Andami mo palang cd..?" sabi ni Dave. Naramdaman ko na lang na tumayo siya at lumapit sa cd rack ko sa kuwarto. Ngumiti lang ako. "Andaming Regine ah.. MP3, mga cd.. pati VCD ng movies.."
"Fan e.." sagot ko. Actually, di ako maka-concentrate sa paghahanap ng shirt. May kaba akong nararamdaman habang patuloy siya sa paggalaw sa likuran ko.
"Actually, I prefer Lani Misalucha than Regine.." sabi niya.
Tumigil ako sa paghahanap ng shirt. Nilingon ko siya. "Makikipagpatayan ako for Regine.. so, tumigil ka na.." mataray kong sagot.
Ngumiti siya. Patuloy sa pagtingin-tingin sa mga cds ko. Bigla, "Uyy.. bold ba ‘to.." narinig kong sabi niya.
Natigilan ako, hinatak ko yung isang shirt na nahawakan ko, at nagmamadaling lumapit sa kanya. "Ano..? Tingnan ko nga.." sabi ko sabay abot nung hawak niyang cd case.
Bumalanghit siya ng tawa. "Ha! Ha! Ha! Kinabahan ka naman! Joke lang.." sabi niya, sabay kuha ng shirt na hawak ko. "Eto ba?".
Kinuha ko yung cd case, at muling ibinalik sa cd rack. "Ang sama mo talaga..". Di ko na natuloy ang sasabihin ko. E bigla ba naman siyang nagtanggal ng polo shirt sa harap ko. Putangina! Ang ganda ng katawan niya. Flawless!!! Kung hindi lang nakakahiya, ni-reyp ko na siya sa kuwarto ko.
"O, nakatitig ka..?"
Nagulat ako. Syet! Napatitig ako ng di ko napapansin. Umirap na lang ako to save face. Gago ‘to ha! "Yabang mo.." tanging nasabi ko.
"Atleast ngayon, tumitig ka na rin sa akin.." sabi niya, nakangisi.
"Magbihis ka na nga. Baka hinahanap ka na sa labas".
"Lagi mo akong pinagtatabuyan. Siguro, crush mo ‘ko noh?" tukso niya. Di ako humaharap. Patuloy ako sa pag-aayos ng cd rack ko. Syet! Syet! Syet talaga! "O, di ka na sumagot..?".
"Mapipikon na yata ako sa’yo doc e.." sabi ko.
Bigla niya akong hinarap sa kanya. In fairness, naka-t-shirt na siya. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ko, sabay halik sa aking labi. Anak ng..! Di ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya sa leeg. This is it! Maya-maya, bigla siyang bumitaw. Sa katangahan ko, nanatili akong nakapikit kahit lumayo na siya sa akin.
"Sabi ko na nga ba, crush mo ako e.." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"Tse!" sabi ko sabay layo. Umupo ako sa kama. Nakayuko. Pero nakangiti.
"Ok ka lang..?" tanong niya, sabay upo sa tabi ko.
"E gago ka kasi e.." sabi ko, sabay palo sa braso niya.
"Gusto mo ba ako o hindi..?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay. Ano? "Gusto mo ba ako o hindi? Kasi ako, gusto kita".
Napatitig ako sa kanya. "Gusto.." mahina kong sagot.
"Ano..?" tanong niya.
"Gusto" sagot ko.
"Dapat lang. Sa guwapo kong ito, di mo ako magugustuhan.."
"Ano?! Okey ka lang?" sabi ko sabay tayo.
"Ha! Ha! Ha! Joke lang. Eto naman o.." sabi niya, at biglang kinabig ang braso ko paupo. "Pero, ayaw mo sa akin nun di ba..?" Tumingin ako sa kanya. "Di ba? Ayaw mong makipagkita sa akin. Ayaw mo kasi sa akin."
"Ayoko kasi ng set-up. Tsaka ayokong ma-jeopardize ang relationship ni momsy at ni Tita Elvie. Pa’no kung maging gago ka? Uli?"
"Uli? Ano ibig sabihin nun?" tanong niya.
"Basta. Alam mo na yun. Na gago ka nun. E ako pa. Sa edad kong ito, virgin pa ang puso ko sa mga walanghiyang katulad mo".
"Aray! Parang di yata ako makahinga sa dami ng judgements mo against me". Hinawakan niya ang kanyang dibdib, at umarteng inaatake sa puso. Humiga siya sa kama.
"Umayos ka nga diyan. Baka akala ng mga bisita, me ginagawa tayong kung ano dito" sabi ko.
Nakahiga pa rin siya sa kama. "Love you.." sabi nito, nakangisi, nakatingin sa akin.
"Don’t say that especially if you don’t mean it. And don’t say that na parang ang value niya e katulad ng ‘good morning’ o ‘ingat’. May feelings na kasama yung words na yun! At di yun basta-basta sinasabi.." litanya ko.
Muli siyang umupo. Tumingin sa akin. "Love you..".
"Tarantado. Nangwa-walang hiya ka na naman! Ayoko ng ganyan!" sabi ko, sabay tayo.
Nagmamadali siyang tumayo at niyakap ako mula sa likuran. "I love you the first time I saw you - crying sa panunuod ng ‘Wish ko lang’. Ang cute-cute. Imagine - crying over other people's woes".
"Shut up. Basta, don’t say that. Yet. Next time na lang. Ok?" sabi ko.
"Ano gusto mo gawin natin ngayon? Andito na tayo sa kuwarto mo. Tayo lang dalawa. Intimate".
Tok. Tok. Tok.
"Kuya.." si Tetay, kumakatok.
Tumingin ako ke Dave. Ngumisi. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Nye-nye-nye-nye-nyee.." sabay hatak sa kanya papunta sa pinto.

CHAPTER 7
"No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile is worth
But your eyes say everything without a single word
Sa restaurant ang reception ng kasal. Katatapos pa lang kumain ng mga bisita at sinisimulan pa lang ang program. Pinag-speech na ang mga magulang ng bagong kasal. Nakakatawa pa nga kasi umiyak pa yung tatay nung babae. Pagkatapos ng speech ng mga magulang ako nagsimulang kumanta.
" ‘Cause there’s something in the way you look at me
It’s as if my heart knows you’re the missing piece
You made me believe that there’s nothing in this world I can’t be
I never know what you see
But there’s something in the way you look at me..
If I could freeze a moment in my mind
Be the second that you touch your lips to mine
I’d like to stop the clock, make time stand still
‘Cause baby, this is just the way I always wanna feel.."
Kasal ito ng isa kong kabarkada. Si Patty. Ginanap ang kasal sa Calerjuega Church, sa Batangas. Ang reception naman, ginanap sa Josephine’s na malapit sa simbahan. Nung una kasi, namomroblema si Patty sa kakanta sa kasal niya. Kaya’t kahit nahihiya, ako na ang nagprisintang kakanta sa reception. Gusto nga niya na kantahin ko ang "Someone to watch over me", kaso, sabi ko, mas gusto kong kantahin ang "The way you look at me" ni Christian Bautista. Di namin pareho alam, me kilala na rin pala yung groom na kaibigang inimbita rin para kumanta. Kaya hayun, dalawa kaming kakanta sa reception. Nagpauna na ako. Siyempre, para kung sakaling magaling yung babaeng kakanta, nauna na ako. He-he-he. Wearing long-sleeves na burgundy (since burgundy ang motif), feeling ko, ang ganda-ganda ko sa wedding na ‘to. At siyempre, special ang escort ko. Since 10:00 am ng Sabado ang kasal, Dave and I decided na mag-overnight na lang sa hotel dito sa Batangas, sa Days Hotel. At siyempre, gets niyo na kung ano ang naganap sa magdamag na yun! Joke. Ayokong maging pagod sa pagkanta ko no. Later na lang, pagbalik. He-he-he.
" ‘Cause there’s something in the way you look at me
It’s as if my heart knows you’re the missing piece
You made me believe that there’s nothing in this world I can’t be
I never know what you see
But there’s something in the way you look at me."
I don’t know how or why I feel different in your eyes
All I know is that it happens everytime
Cause there’s something in the way you look at me
It’s as if my heart knows you’re the missing piece
You made me believe that there’s nothing in this world I can’t be.."
Nakaupo siya kasama yung iba naming kaklaseng inimbita. Highschool friend ko si Patty. Barkada. At isa ako sa naging busy sa pagtulong sa kanya sa preparation para sa kanyang kasal. Five months na kami ni Dave - imagine! We had been going out for sometime after that "unbelievable" encounter we had nung handaan ni momsy. Siyempre, Tita Elvie and momsy are so happy na nagkamabutihan kaming dalawa. Dave is so wonderful. And I never thought we would last this long. Dave was looking at me, smiling and proud. Siyempre, inalay ko sa kanya yung song. Keber kung dapat e sa bagong kasal ko inalay yung song. Basta, eto ang theme song namin. At ako ang namili. Pinapayag ko na lang siya.
".. I never know what you see
But there’s something in the way you look at me
The way you look at me.."

END

No comments: