Saturday, August 27, 2005

(Story) DALDALHIN
by Jacques Cole


Palabas na si Alex ng comfort room. Nauuna sa kanya ang isang lalaki na mahahalata mong lasing dahil sa hindi maayos nitong paglakad. Sa paglalakad nito, may kausap ito sa cellphone. Since masikip ang pasilyo, kinakailangan pa niya talagang sumunod sa likuran nito at di ito ma-over take-an.
Isa ito sa mga pagkakataong sumasama si Alex sa gimik ng mga kaibigan. Puro mga babae ang kanyang kasama sa gimik niya ngayong gabi. Mga kasama sa opisina. Kung nuon, di siya masyadong nakakalabas at nakakagimik kapag Biyernes, iba na ngayon. Kung may pagkakataon at masaya naman ang kanyang makakasama, sumasama na siya. Katulad ngayong gabi. Sa isang bar dito sa Malate sila napadpad magkakaibigan. Nagpaalam lang siya para mag-CR. Paglabas niya, nakaharang sa gitna itong lalaki na may kausap sa cellphone. Parang medyo galit na hindi naman. Halata sa boses nito na isa itong katulad niya – bading. Dahil sa wala naman siyang magagawa kundi ang hintayin ang usad-pagong nitong paglalakad papunta sa loob ng bar, hinintay na niya ito. Marami na rin naman kasing tao sa loob. At maingay na rin ang bandang tumutugog.
"Tsk.." bulong ni Alex sa sarili. Di talaga siya makaraan.
Napansin na lang niya na hahawak sana sa pader ang lalaking nakikipag-usap sa cellphone ng bigla itong na-out balance.
"Ay!" tili ng mga nakakita.
Dali-daling hinawakan ni Alex ang braso ng lalaki. Buti at di nito nabitiwan ang hawak na cellphone. Nagulat pa ito sa paghawak niya ng braso nito, sabay tingin sa kanya. Ngumiti.
"Uy.. thank you.." sabi nito sa kanya. Kita sa mata nito ang pagkalasing.
Ngumiti lamang si Alex. "Okey ka lang..?" tanong niya.
"I.. I think so.." sagot nito, parang nalilito.
"Me kasama ka? Hatid na kita. I think you’re not okey.." suhestiyon ni Alex.
"No. I’m ok. I’m ok. Some of my friends are there," sabay turo sa loob ng bar.
"I insist na ihatid na kita. Where?" tanong nito sa lalaki.
Inalalayan niya sa gitna ng maraming tao ang lalaking muntik ng gumawa ng eksena kanina. Sinikap niyang hawakan ito sa magkabilang braso kahit na nagigitgit sila ng mga tao sa paligid.
"By the way, I’m Leo.." sabi nito, inilapit ang mukha sa kanya para magkarinigan sila.
"Alex.." pakilala niya rito.
Maya-maya pa, narating nila ang isang mesa. May tatlong lalaking nakaupo sa mesang iyon. Nung makita nung isang lalaki na inaalalayan ni Alex si Leo, tumayo ito kaagad at kinuha si Leo sa braso at iniupo.
"Anong nangyari..?" tanong nito kay Alex.
"He almost fell sa floor kanina. Kaya sinamahan ko na makabalik sa table niyo.." eksplika ni Alex.
Ngumiti ang lalaki, sabay abot ng kamay. "Salamat pare.. nga pala, I’m Chris.." pakilala nito. Kinuha ni Alex ang kamay ng Chris.
"Alex. Nice to meet you.." sagot naman ni Alex.
Ngumiti si Leo. "Thank you ha.." sabi nito, nakahawak na sa braso ni Chris habang nagsasalita. "Nga pala, this is Cesar.. tapos, this is Joseph.." sabay turo sa dalawa pang lalaki sa mesa.
Inabot ni Alex ang kamay ng mga bagong kakilala. Magaganda ang porma ng mga lalaking kasama ni Leo. Barkada siguro sila. At di naman kalabisan kung sabihing may mga itsura ang mga ito.
"Are you with somebody? Care to join us.." imbita nung Joseph.
"No. Its okey. I’m with my friends. Sinamahan ko nga lang itong kaibigan niyo makabalik.." nakangiting sabi ni Alex.
"Bakit kulang tayo.?." para namang wala sa sariling nasabi ni Leo. Naghahanap ang mata. Bigla, sa likuran ni Alex ay may narinig siyang boses.
"Guys, parating na raw sila. Nandyan na. Nagpa-park lang.." sabi ng boses sa likod ni Alex. "O, what happened to you..?" tanong ng lalaking nasa likod ni Alex kay Leo. Dumaan ito sa harap ni Alex. At bigla, bumalik ang ala-ala.
------oOo------
"So.. umm.. puwede ko bang makuha ang number mo..?" pasimple kong tanong. Naglakas loob na ako at baka mamaya, pagsisihan ko ang hindi pagkuha ng numbr niya. Sa loob iyon ng sinehan. Mga 30 minuto na kaming nakatayo sa likod na bahagi ng sinehan, pasimpleng naghahawakan ng kamay, pinipisil-pisil ang palad ng bawat isa, nagtititigan ng mukha bagkus madilim ang buong kapaligiran. Kanina lamang kaming nagkakilala.
Ngumiti siya. Inilabas ko ang cellphone ko. Kanya itong inabot at nag-type ng numero at pangalan. Pagkatapos ay muli itong inabot sa akin.
"O, ayan.." sabi niya. Nakangiti.
Tiningnan ko ang numerong nakasulat. Ako man ay nangiti. Di ko napigilang magsalita. "Kung sakali man at pagkatapos nito," pabulong kong sabi, "magtext ako at di ka sumagot, okay lang. Gusto ko lang malaman mo na masayang-masaya ako ngayon – sa pagkakataong makilala kita at makausap. Thank you talaga," sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
"Ikaw, nasa iyo na ang number ko. Kung sakali din naman na di ka magtext pagkatapos nito, salamat din. Atleast, nakilala kita ngayon at naka-usap.." tugon naman niya. Ngumiti ako. Pagkatapos ng pelikula, muling lumiwanag ang paligid. Nagdesisyon kaming maupo. Kuwentuhan. Tanungan.
"Me picture ka ba sa cellphone mo..?" tanong niya.
"Oo.." sagot ko.
"Pa-send naman.." request niya.
"E i-send mo rin ako ng picture mo.." hiling ko rin.
Through blue tooth, nagpalitan kami ng picture.
Tiningnan niya ang picture ko. "Ang layo.." sabi niya habang sinisipat ang picture ko.
"E di i-enlarge mo na lang.. Sensya na ha, di kaguwapuhan" sagot ko.
Muli siyang ngumiti. "At least, ngayon, pag di ka na nagtext sakin, ipagtatanong ko sa mga tao kung kilala nila itong nasa picture. Sasabihin ko na ‘eto yung di nagtext sakin’.." biro niya.
Tiningnan ko rin yung picture niya sa cellphone ko. "Ganun? At kung ikaw naman ang di magtetext sa akin, ikakalat ko sa internet etong picture mo at ilalagay ko dun, ‘the guy who stole my heart’.." balik kong biro sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. Pumikit ako. Di ito kaya ng powers ko!
------oOo------
Almost isang taon na rin iyon nung nakilala ni Alex ang lalaking ngayon ay kaharap niya. Pagdaan nito palapit ng mesa, nakita niya agad ang mukha nito. Hindi siya maaaring magkamali.
"E etong kaibigan mo, lasing na yata. Muntik na raw bumulagta dun sa me CR.." eksplika ni Cesar.
Natawa yung bagong dating na binata.
"Thanks to him, hinatid pa niya ako dito.." si Leo, nakangiting itinuro si Alex. Lumingon yung lalaki kay Alex. "Alex, this is our friend, Glenn. Glenn, si Alex..".
Nakangiting tumingin si Glenn sa ipinakilala. Pagkakita sa kaharap, nawala na ang ngiti sa kanyang mukha. Gulat.
"Hi.." si Alex, sabay lahad ng kamay kay Glenn.
"Alex" bukod tanging nasabi ni Glenn.
------oOo------
Sinabi ko sa sarili ko na ayokong maunang main-love sa isang lalaki. Dapat, siya muna ang mauna. Mula ng magkakilala kami, panay text-text lang ang aming ginawa. Kumusta. Kumain ka na. Pauwi na ako. Dalawang araw matapos yung pagkakakilala namin sa sinehan, nakasakay na ako ng fx pauwi ng bigla siyang tumawag.
"Asan ka na..?" tanong niya sa akin. Nasa express way na ako nun.
"Malapit na sa tollgate. Ikaw?" balik kong tanong.
"Bahay.."
"O, magrebyu ka na ha.." bilin ko sa kanya. Me exam kasi siyang kukuhanin para sa isang application sa abroad.
"Eto nga, nagbabasa-basa na ako e.."
"E bakit nadidinig ko ang TV? Paano ka makakapag-rebyu niyan. Hay naku! Dapat seryoso ka sa pagrerebyu mo. Buti wala kang lakad tonight?" sabi ko.
"Nagyayaya sila pero sabi ko, magrerebyu na lang ako. Malapit na yung exams ko e.." tugon niya.
Napatingin ako sa mga nakasakay sa fx. Nahihiya man, pero wala akong pakialam. Alam kong nakikinig sila sa aking pakikipag-usap.
"Ha..?" sabi ko ng di ko maulingan yung kanyang huling sinabi.
Muli siyang nagsalita. Paakyat na kami nun ng tollgate at medyo trapik. Maingay sa labas kaya di ko muling narinig ang kanyang sinabi.
"Ha..? Ang labo, di ko maintindihan.." sabi ko.
"Sabi ko ‘I love you’. Di mo ba narinig..?" sabi niya, malumanay pa rin.
Nangiti ako. Napatingin ako sa mga kasabay ko. "Thank you.." bigla kong naging tugon. Ay! Ang tanga! Bakit ako nag-thank you? "Love you too.." bigla kong bawi.
"Talaga? Love mo rin ako..?" tanong niya.
"Oo naman. Eto nga, nasisira na ang ulo ko sa kakaisip sayo e.." sagot ko.
"I love you.." muli niyang sinabi.
"I love you.." balik kong tugon.
"Ingat ka ha.." sabi niya.
"Ikaw rin. Teka, magrebyu ka na. Gagabihin ka na naman niyan ng wala man lang natatapos" bawi ko.
"Love you.." muli niyang sinambit.
"Love you too.." tugon ko.
------oOo------
"Hi", sagot ni Alex. Kinuha niya ang inabot na kamay ng binata. Pagkatapos, siya’y nagpaalam. "So, guys, kayo na bahala diyan sa friend niyo. I’ll be going back to my friends.." si Alex, nakangiti nagpaalam. Hindi pa rin umiimik si Glenn.
Tumalilis na palayo si Alex mula sa grupong iyon nina Leo. So, sila pala ang mga kaibigan niya, bulong ni Alex sa sarili. Nagsimulang manikip ang kanyang dibdib. Di niya yata nakayanan ang makitang muli si Glenn. Mag-iisang taon na mula nung huli sila nitong magkausap. At di naging maganda ang kanilang pagtatapos. Pilit na sumisiksik sa mga tao sa paligid, naisipan muna ni Alex na lumabas. Kailangan niyang manigarilyo. Kailangan niya ng hangin. Naninikip ang dibdib niya at alam niyang malapit ng tumulo ang kanyang luha.
------oOo------
"Pasensya ka na ha. Nakuwento na kita sa mga kaibigan ko.." sabi ko.
Tumingin siya sa akin. "Okey lang iyon.." tugon niya.
"Ikaw, naikuwento mo na ba ako sa mga kaibigan mo..?" balik kong tanong.
"Di pa. Wag muna ngayon. Gusto ko, pag siguradong-sigurado na tayong dalawa.." sagot niya. "Madalas nga, tinatanong nila ako kun kelan daw kami magiging apat. Palibhasa, everytime na lumalabas kami, laging apat ang upuan pero tatlo lang ang nauupo. Tinutukso nila ako knug kelan daw kami magiging apat.." kuwento niya.
Ngumiti lang ako. Di ako tumingin sa kanya.
"E di magsama ka para apat na kayo.." sabi ko.
"Ikaw, ayaw mo sumama..?"
"E hindi mo nga ako maikuwento sa kanila e. Tsaka ayoko. Di ko yata kaya..?" sagot ko.
"Anong di mo kaya?" tanong niya.
"Kasi po, jologs ako. E sa naririnig ko sa inyo, sa mga kuwento mo, parang coño kayo. Maa-out of place lang ako.." sagot ko.
"Di kami coño noh? Kumakain nga kami ng fishballs sa kalsada e. Anong coño dun..?"
"Hindi naman ganun. Basta. Simpleng tao lang ako. Baka di ako makasabay. Nervous ako.." tugon ko.
"Kung simpleng tao ang kasama namin sa lakad, simple rin kami. Ano ka ba?" balik niya.
"Huwag muna ngayon. Di ko pa kaya. Okey?" sabi ko na lang sabay kurot sa magkabila niyang pisngi.
------oOo------
Mag-isang naninigarilyo sa labas ng bar si Alex. Malayo pa kasi ang sasakyan niya. Marami rin namang naglalakad-lakad sa paligid. May mga katulad niyang naninigarilyo rin. May dalawa, may grupo. Nangingiti niyang pinatay ang una niyang naubos na sigarilyo, pagkatapos ay muling nagbukas ng isa pa.
"Alex.." narinig niyang tawag sa pangalan niya.
Nilingon ni Alex ang lalaking tumawag sa kanya. Si Glenn.
"Umm.." sabay buga ng usok. "Kumusta..?" bati ni Alex dito. Pilit siyang ngumiti. Mapaklang ngiti.
"Kumusta..?" segunda nito sa bati niya.
"Eto. Pabalik-balik na sa Malate..." si Alex, pilit pinasasaya ang boses.
"I’m glad. Tsaka, iba na ang itsura mo.." si Glenn.
Ngumiti muli si Alex. "Di ba I sent you a text message before thanking you sa lahat ng ginawa mo para sa akin. And one of those things I’m thankful for e yung tinuruan mo akong maging vain..".
Nahihiyang ngumiti si Glenn. "Talaga lang ha.." sabi nito.
"Yup. I cut my hair short to make me look younger. I go to the gym once in a while to make my fats go away.. I’m now using moisturizer sa mukha. Di ba, turo mo iyon.." si Alex.
"I didn’t expect na magkikita pa tayo..?" si Glenn.
"How was your exam..?" si Alex. "Di ko na nakamusta. I didn’t bother wishing you goodluck since di ka rin naman sumasagot..".
"Ok naman" sagot ni Glenn.
"So, when are you going to the US?" pinasigla ni Alex ang boses ng ito ay kanyang itanong.
"I need to gather experience pa as a nurse dito di ba? Soon.." si Glenn.
"Yup. I remember you told me". Maya-maya, muling nagsalita si Alex. "Baka hinahanap ka na sa loob. Go ahead. Alam mo naman, kahit me asthma ako, chain smoker na ako.." nakangiting pahayag ni Alex.
"Masama yan.." si Glenn.
"Masama ka rin, remember.." biglang nasabi ni Alex.
Tumahimik si Glenn.
"So, they don’t know me noh..?" tanong ni Alex kay Glenn.
"What..?"
"Hindi nila ako kilala. Di nila alam yung satin..?" tanong muli ni Alex.
"Hindi."
"Tama lang naman. It was only for a week.." si Alex.
Di na nagsalita si Glenn.
"You know? I prayed for this moment..?" si Alex muli. "I prayed to God that we’ll have this moment.."
"Ano ibig mo sabihin..?" si Glenn.
"I prayed to God na magkikita tayong uli. That by that time, I’m stronger na. I moved on. And I’ll have the chance to ask you.."
"Ask what..?" muling tanong ni Glenn.
"Ask you why..? Why you hurt me. Why you avoided me. Why you shut me out? Andami kong tanong nuon. I texted you but you never replied. I tried calling you, but you never answered. Feeling ko, ansakit. You know it was my first. But you hurt me really bad.." tuloy-tuloy na paglalabas ni Alex ng sama ng loob.
------oOo------
Kanta pa rin siya ng kanta ng iba’t ibang love songs. Nakahiga pa rin kami sa kama niya. Magkatabi. Nakapatong ang ulo ko sa kanyang braso.
"Basta ang all-time favorite song ko, yung ‘All of My Life" ni Barbra Streisand," sabi ko.
"I’ve waited all of my life to find.." sinimulan niyang kantahin. Pero di niya itinuloy kasi, di niya yata kabisado ang lyrics.
"..Someone who need my heart and reads my mind. To light my days, and warm my nights. Someone I know I could call someone for all my life.." tuloy-tuloy kong kanta. Nakatingin lang siya sa akin. "Mas gusto ko yung unang part ng song.." hirit ko. Maya-maya, sinimulan ko ng kantahin. "Looking at you looking at me, loving the look of love that I see there I find when I look deep in your eyes, reflections of me there.. so much to say, so much to do, so much of you for me to discover, like.." itinigil ko pa ang pagkanta sabay tingin sa mukha niya. "..What makes you laugh.. what makes you cry.. How does a friend becomes a lover too.."
"I finally found someone, someone to share my life.." bigla niyang hirit.
"I finally found the one to be with every night.." sagot ko. Pagkatapos ay sabay na kaming kumanta. "And whatever I do its just got to be you.. my life has just begun I finally found someone..".
"Puwedeng magtanong?" singit ko matapos naming kumanta.
"Ano..?" tugon niya.
"Puwede bang kung sakaling ayaw mo na sa akin, puwede ba, sabihin mo sa akin ng diretso..?"
Napatingin siya sa akin. "Promise.." sagot niya.
"At kung di na magiging tayo, puwede ba tayong maging magkaibigan pa rin..?" muli kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Funny nga kasi lahat ng ex ko, kaibigan ko e.." tugon niya.
"Di ba sabi mo, isang favorite song mo e "Minsan lang kita iibigin..?" muli kong tanong sa kanya.
"Minsan lang kitang iibigin, minsan lang kitang mamahalin.." sinimulan niyang kantahin. "Oo. Bakit?" sagot niya.
"Pero sabi mo, pag ikaw nakipag-break, you forgive but you don’t forget.. right..?" sabi ko.
"I forget. Ikaw naman. But wala na yung feelings.." tugon niya.
"So, hindi sayo mag-aapply yung song.. kasi, dun sa song, me linyang, ‘dahil ang minsan ay magpakailanman..’.. e ikaw nga, wala na. Tapos na sa’yo.." sabi ko.
Muli siyang tumingin sa kin. "Bakit ba ang sobrang talino mo.." sabi niya, nakangiti.
"E di ba yun ang nagustuhan mo sa akin.." sagot ko.
------oOo------
Natigilan si Glenn sa mga tanong ni Alex.
"Did I do anything wrong during the time na tayo? Bakit mo ako tinaguan? We agreed, na once ayaw na natin sa isa’t isa, we will tell it to the other. Na we will be honest.." si Alex.
"Magulo yung sitwasyon Alex.." depensa ni Glenn.
"Paanong magulo? I’m ready to take a back seat and let you achieve your dreams. To support you and take care of you.. Pero ibinasura mo ako.." pinipilit ni Alex maging malumanay.
"You came at the wrong time in my life. I’m busy with the review. With my job. Di ko pala kaya ang relationship.." sagot nito.
Huminga ng malalim si Alex. "Sana na lang, you never said ‘I love you’..".
"Sorry." sagot naman ni Glenn.
Tumingala si Alex, tumingin ng diretso kay Glenn. "I think your sorry came a year too late.".
Muling nagbukas ng sigarilyo si Alex. Inabot niya ang kaha kay Glenn, at kumuha rin ang binata ng isa. Naupo sila sa gutter ng kalsada.
"You killed me, you know that? You killed my belief in true love. You killed my belief that true love exists.." si Alex.
"Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo e. So, I thought of letting you forget me na lang.."
"By ignoring me completely.."
"In a way, yes.."
"Glenn, para akong tanga nuon. Kilometric texts yata yun, tapos, wala kang response. I thought I’ll go crazy.."
"I guess I chose the wrong way to go out.."
"Maybe" sagot naman ni Alex. "Di ba I made you promise me na we’ll tell..?"
"I guess so.."
"So what happened..?"
"I chickened out. Di ko kayang i-break sayo ng diretso. So I chose the easiest way out.." si Glenn.
"And by doing that, you’re no better than your ex who broke up with you through text.. di mo ba naisip yun..?"
"Siguro".
"I knew it was not meant to be. Pero naniwala kasi ako sayo e. Di ko tuloy alam kung magaling ka lang magsalita or what..?" si Alex. "Glenn, tell me.. was the time we spent together real for you..? Honestly?"
Umiling si Glenn. "Di ko alam. I was so confused. May feelings but I guess I got scared of it..".
"Putangina mo" mahinang sabi ni Alex.
"I think I deserve that."
Tumingin si Alex kay Glenn. "I was touched by my friends support when this thing with us happened. When you broke my heart. They even told me na you’ll get your own karma.. But I told them that I wish you good karma.. kasi, kahit ganun ang ginawa mo sakin, I still treasure the memories we shared in the first 6 days of the week..".
"Thanks Alex" si Glenn.
"So, seeing someone new..?" pinasisigla ni Alex ang boses.
"Looking.." sagot ni Glenn.
"I wish you good luck. You need it after what you did to me.." si Alex, nakangiti.
"So, we can never be friends right..?" si Glenn.
"No. We’ll continue to be total strangers. We started as total strangers. We ended as strangers. We’ll keep doing that.." pagsasalita ni Alex. Tumayo na siya sa gutter, at sumunod naman si Glenn.
"I think I’ll go back na inside. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.." pagpapaalam ni Alex.
"Alex, sorry if I hurt you", habol ni Glenn.
"Don’t. It doesn’t matter anymore. It would have mattered a year ago but now, I moved on. And for a whole year I’ve been trying to dissect any possible reason it happened. Bottomline pala, hindi lang talaga tayo para sa isa’t-isa.."
"Alex please.."
"Sabi ko nga sa sarili ko e, its out of character for you to do that to me. Hindi ikaw yung gagawa sakin nun. Pero, malay ko, I’ve only known you for 7 days. You can never know a person in 7 days. I don’t really know you and I will not know you".
"If that’s what you want.."
"Glenn, I thought we had a chance. But you never gave me that chance. So, no regrets. Goodbye" sabay talikod, tinungo ni alex ang loob ng bar at nakigulo sa mga kaibigan. Tukso-tukso. Saan daw siya nanggaling? Sino raw yung mga guys na kausap niya? Ngumiti lamang si Alex. Huminga siya ng malalim. Tuloy ang buhay.
------oOo------
Ala-dos na ng madaling araw ng magpasya silang umuwing magkakaibigan. Nagprisinta siyang ihatid ang mga ito dahil me dala siyang Adventure pero sila na ang pumilit sa kanyang mauna na dahil malayo pa ang uuwian niya.
Habang tinatahak ang expressway, napansin ni Alex ang cd sa may cd rack sa sasakyan. Nakita niyaang kulay peach na cd. Kanya itong kinuha at nangiti ng makitang ito yung cd ni Regine Velasquez na "Reigne". Madalas niyang pakinggan ang awiting "Dadalhin" – para sa kanya, ito ang awit na bagay sa eksenang "pakikipagkalas" ni Glenn sa kanya.
"Daldalhin kita saking palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko.."
Nagsimula na namang mangilid ang luha niya. Dagli niyang pinalitan ang cd ng isa pang cd ni Regine at biglang nagpatugtog.
"But you made me stronger by breaking my heart
You ended my life and made a better one start
You taught me everything form falling in love to letting go of a lie
Yes you made me stronger baby by saying goodbye".
At yan ang national anthem ko magmula nuon.

END

1 comment:

beastiality true stories bees pony said...

After only a few minutes of this excruciating pleasure, Mr Motos erection was painfully stiff, and demanding satisfaction. He released her and motioned her to lead.
free stories virgin rape
female beastiality stories
erotic love stories
brother sister incest sex stories
erotic stories images violent sex
After only a few minutes of this excruciating pleasure, Mr Motos erection was painfully stiff, and demanding satisfaction. He released her and motioned her to lead.