Monday, August 29, 2005

(Story) LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS
by Jacques Cole


Chapter 1
"Who'd have thought this is how the pieces fit

You and I shouldn't even try making sense of it
I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but i don't know what they are
So blame it on my heart, oh
Love moves in mysterious waysIt's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
How you ever came to me
Which only proves
Love moves in - "
Biglang pinatay ang music sa bus. Kung kelan pa naman feel na feel ko ng kumanta. Shit!!! Napasimangot akong napatingin sa paligid. Nagpupuno pa ang bus. Hinihintay pa yung ibang sasakay. Kanina pa kaming alas-siyete dito sa Partas bus station sa may Cubao. Alas-nuwebe kasi ang alis ng bus na aming sasakyan papuntang Vigan. Kasama ko ang apat kong kaopisina sa pagbabakasyong ito sa Ilocos Sur. Mga empleyado kami sa government at mula Abril hanggang Mayo, apat na araw lamang ang aming pasok kaya naisipan naming magbakasyon sa Vigan kung saan tagaroon ang kaopisina naming si Vivian. Huwebes ng gabi namin naisipan umalis, after office, para naman Biyernes ng madaling araw ang dating namin dun. Konting pahinga at tuloy-tuloy na sa paglalakwatsa. Quarter to nine nung pinasakay kami ng bus. Bukod sa akin, kasama rin namin sina Jane, si Lanie at si Madz. Dahil dalawahan ang mga upuan, hinayaan ko ng ako ang mahiwalay sa mga kaopisina ko at tumabi sa pasaherong di namin kilala. Pulos babae kasi ang mga kasama ko kung kaya’t minabuti ko ng sila-sila ang magkakatabi. Tutal naman, yung dalawa e sa harapan ko lamang naka-upo. Sa may bintana yung number ng upuan ko kaya’t inayos ko na ang sarili ko sa bandang bintana. Sa may paanan ko na lang inilapag yung bag ko dahil mahirap ng umabot ng gamit kung sakali mang sa ulunang compartment ko ilalagay yung dala kong knapsack. Baka lagi ko pang maistorbo yung makakatabi ko – dyahe! E malay ko ba kung maarte yung makakatabi ko. Titingin-tingin ako sa labas ng masulyapan ko ang isang grupo ng mga lalaki sa labas na nagtatawanan, may ilan sa kanila ang naninigarilyo. Hmmm.. kyut, bulong ko sa sarili. Mga pito siguro yung mga lalaking nakatayo. Nagtatawanan sila sa ikinukuwento ng isa. Ting! Ting! Ting! Sa galaw ng karamihan sa kanila, parang tumunog an aking gaydar! Ummm.. Hindi naman siguro. Sayang. Guwapo pa naman. Sinipat ko yung kanilang mga itsura. Tsk. Sayang. Kasi, lahat sila, mga mestiso. At ang mga proma, animo’y pupunta ng Malate o Greenbelt! In fariness, japorms! Inilapit ko ang ulo ko sa bintana at lalong pinagtuunan ng pansin yung mga lalaki. Ooops! Halata yung tatlo. Sa galaw at muwestra nila habang nakikipag-usap, confirmed. He-he-he.. Pero yung apat – teka. Pasimple kong idinikit sa bintana ang aking ulo, kunwari e nire-rest ko ang ulo ko sa bintana pero pinipilit ko sanang makarinig ng kanilang pag-uusap. As if naman makakarinig ako sa pagitan ng salamin! Hmmm.. uy! Mukhang me "lamya" yung isa. Kahit lalaking-lalaki ang dating, malamya rin ang pananalita. Ting! Ting! Ting! So, apat na ang kumpirmadong bading, natatawa kong bulong sa sarili ko uli. He-he-he.. so, tatlo na lang ang di kumpirmado. Siguro, mga silahis. Ha! Ha! Ha! Di ko napansing malakas pala yung hagikgik ko kaya napalingon sa akin sina Madz at Vivian.
"Bakit Kuya AJ…?" tanong ni Vivian nung lumingon.
"Hah? Wala. Wala.." sabi ko, di pa rin maalis ang ngiti sa aking labi.
"Uyyy… me crush ka dun sa mga yun noh?!" tukso ni Madz, itinuro yung grupo ng mga lalaki sa labas.
"Duh?! Hindi rin. Maaangas.." tugon ko.
"Uyyy.. si Kuya AJ, me crush dun…" muling tukso ni Vivian.
"Gaga! Tumigil. Wala akong panahon diyan" sagot ko sabay ngiti.
"Kaya mo yan Kuya AJ. Gamitin mo ang charm mo.." banat muli ni Vivian.
"Anong charm?! Etchos! Wala nga akong ka-charm-charm sa katawan e.." nakangiti kong sagot.
"Sana katabi mo yung isa diyan.." tukso naman ni Madz.
Umirap na lang ako sa kanilang dalawa. Humahagikgik silang tumalikod sa akin. Dun ko napansing nagsipagsakayan na pala yung mga lalaki sa bus. Maingay pa rin yung naunang tatlo. Tumingin na lang ako sa bintana at hinayaan silang lumampas sa akin.
"O, dito na kami.." sabi nung isa habang inilagay yung bag sa compartment sa itaas. Pumuwesto na siya sa upuan sa likod ko kaya nalaman kong dalawa sa kanilang pito ay nakaupo sa likod ko. Huminga na lang ako ng malalim. Syet, ang iingay pa naman ng mga ito, bulong ko sa sarili. Paano pa ako makakatulog? Muli akong lumingon sa bintana ng marinig kong may nagsalita.
"Excuse me.." mahina nitong pagsasalita bago inayos ang sarili, akmang uupo na katabi kong upuan.
Napalingon ako. Ulk?! Biglang nag-tumbling yata ang dila ko pabalik sa lalamunan ko dahil isa sa pitong guy e pumupuwesto sa tabi ko! "Langhiya ka Madz!!" muli kong bulong sa isip ko. Parang nagkatotoo yung prediction in Madz. Eto pa naman yung isa sa tatlong di ko alam kung pareho nung apat na bading o hindi. At pogi! Growl!
Siyempre, pasimple akong lumingon, sabay ayos ng pagkakaupo ko (as if di pa ayos yung una kong pagkakaupo).
"Pare, okey ka lang?!" tanong nung isa sa mga kaibigan nilang nakaupo sa likod ko. Tinapik pa nito yung guy na makakatabi ko, nakangisi.
Ngumiti lang ang mokong.
"Ayos ka ba dyan Ito?" tanong muli ng isa, yung hindi obyus pero halatado sa boses. Mula sa pagkakaupo, tumayo pa ito para tapikin si mokong. Muli, ngiti lang ang sinagot nung Ito. Hmmm.. so, Ito pala ang pangalan. Actually, kahit nakatingin ako sa bintana, nakikita ko ang repleksyon nila sa salamin. Di ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa. Para kasing tinutukso nila itong si Ito. Ay naku! Maria Clara yata ako, natatawa kong sabi. Palihim akong ngumiti Nyek!! Feeling! Wala sa sariling inilagay ko sa sentido yung point finger ko sabay bulong. "Psshh..".
Isa na yon sa mga nakasanayan kong gawin kapag naiirita ako sa sarili ko. Kunwari, babarilin ko ang sarili ko. Yung paglagay ng hintuturo sa sentido, kunwari, nagbaril ako. Minsan kasi, naiisip ko na suicide mangarap ng mga ganyan. He-he-he.. Sa gilid ng mata, sinipat ko yung katabi ko. Inilagay na niya sa ilalim rin ng kanyang paa ang kanyang dalang bag, habang nag-ayos na rin siya ng upo.
"Hawakan mong aking mga kamay.. Bigyan ng kulay ang aking buhay.. Habang pasan ko ang daigdig, pag-ibig mo’y nananabik, at balang araw tayong dalawa’y magsasama.. Di na mag-iisa.. Ika’y kapiling na.. Di na mag-iisa.. Darna!
Nung una’y palinga-linga pa ako kung kanino yun ng biglang.. Syet!!! Akin pala yung cellphone na yun.Dali-dali kong kinuha mula sa bulsa ko ang aking cellphone! Akala ko nung una, sa iba yun. Di ko alam na yun pala yung naka-set na message alert tone. Malakas pa naman. Dali-dali kong pinindot ang keypad at binasa ang message. Mula kay Vivian.
"Uy! Kuya AJ, me karir ka ngayon! Dapat me mangyari bago makarating ng Vigan".
Nangiti ako. At sumagot: "Tumigil nga! Asus! Di ko siya type!" simple kong tugon. Iniba ko na rin ang message alert tone para di makagambala sa mga makakarinig. Nagsimula ng lumakad ang bus. Sa paglabas ng bus sa Aurora Blvd., muling tumunog ang radyo.
"-Love moves in mysterious ways

It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
How you ever came to me
Which only proves

Love moves in mysterious ways
Heaven knows love is just a chance we take
We make plans but then love demands a leap of faith
So hold me close and never ever let me go
‘Coz even though we think we know which way the river flows
That’s not the way love goes oh.."
Nangiti ako ng marinig kong muli yung awit na iyon. Wala sa sariling sinabayan ko ng pagkanta ang tugtog. Mahina lang naman. At di ako tumitingin sa katabi ko noh?! Nakamasid lang ako sa bintana habang tuloy-tuloy ang tugtog ng kanta.
"Love moves in mysterious ways

It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mys-
"-tery of how you ever came to me.." sabi ko. Biglaan ang pagtigil ng tugtog kung kaya’t animo’y inakapela ko na yung kanta at boses ko lang ang umalingawngaw. Nyek! Kahit ako ay nagulat. Ano ba?! Sinasadya ba ito ng kunduktor? O ng driver? Nakakadalawa na huh?! Kagat-labi, nagkunwari akong nag-inat at nag-ayos ng sarili sa pagkakaupo. Inaasar yata ako talaga ng pagkakataon. Maya-maya, biglang bumukas yung TV. Pasalampak akong sumandal sa upuan. Sa Timog area ang tinahak ng bus. Natutuwa kong pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa paligid, rumarampa sa kahabaan ng Timog Avenue. Natutuwa rin akong pagmasdan ang mga ilaw ng iba’t-ibang bars at restaurant sa paligid. Di ako pala-gimik kung kaya’t bihira akong makarating dito. Naglalakad na yung kundoktor at isa-isang tinatanong ang mga pasahero knug saan pupunta at tinitingnan niya ang mga tiket. Nang nasa tapat na namin siya, inabot ko ang aking tiket at sinabing Vigan. Sumunod namang mag-abot ng tiket si mokong, sabay sabing "Vigan". Aba! At magkakatabi pala kami hanggang Vigan?!
Maya-maya pa, mula sa pagkakabukas ng TV sa balita, pinatay ito at akmang magsasalang na sila ng VHS (o cd, di ko alam!). Nahulaan ko agad yung pelikulang ipapalabas: "Hot Chick". Ito yung pelikula ni Rob Schneider. Di ko gusto ang mga pelikulang slapstcik ang tema pero may mga pagkakataong natatawa ako sa mga eksena kahit pa sabihing over na yung treatment o di kaya gasgas na yung joke. Napansin ko ring marami ang nakatutok sa palabas habang yung iba ay pumorma na sa pagtulog.

Chapter 2
Papalabas na kami ng express way ng maisipan kong magrosaryo na lang dahil naiinip na rin naman ako at medyo mabagal yung gags sa unang part ng pelikula. Kinuha ko mula sa bulsa ng bag ko yung baon kong rosaryo.Humalukipkip ako para sa tabi ko nakapuwesto yung rosaryo, sa gilid ng bintana. Ayoko namang ipakita sa katabi ko na nagrorosaryo ako. Sa isip na lang ako nagre-recite ng dasal, habang nakatingin ako sa kalsada. Nasa kalagitnaan ako ng pagdarasal, sa gilid ng mata ko, napansin kong yumuko si Ito at may kinuha sa bag. "Uy! Magrorosaryo din?!" nangingiti kong bulong sa sarili. Ano ba?! Nagdadasal ka! Di ko na lang pinagtuunan ng pansin yung kinuha niya sa bag. Pero nakita ko na itinaas niya yung hawak na bote at itinapat sa mata. Yun pala, nagpapatak siya ng eye solution sa mata. "Aba! Mayaman?! At naka-contacts! Ha! Ha! Ha!" natatawa kong sabi pero sa isip ko lang. Maya-maya, bigla siyang napatagilid. May nahulog yata at kanyang hinahanap sa kanyang pagkakaupo. Pati na rin ako, medyo naalarma sa kung ano ang nahulog pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pagdadasal. Iniliyad niya ang kanyang sarili para tingnan sa pagitan namin kung ano man yung nahulog. Di pa rin ako umiimik.
"Excuse me…?" bigla niyang sabi. Dun na ako napalingon, nakataas ang kilay. "Kunin ko lang.." sabi niya. Napansin kong nakapatong na pala sa shirt ko yung takip nung kanyang gamot sa mata. Tinanggal ko yung pagkakahalukipkip ng mga braso ko para sana abutin yung takip ng bigla itong nahulog sa paanan namin. Muntik na kaming magka-untugan ng habulin namin sa sahig yung takip. Pero mas nauna siyang makaabot ng takip. Nang mag-ayos kami ng upo, nakita niyang may hawak kong rosaryo.
"Umm.. sorry.." mahina niyang sabi, patungkol sa pagkakaistorbo niya sa pagdarasal ko. Di ako sumagot. Tumango lang ako at muling tumingin sa labas. Maya-maya, nakita kong inilagay na niya yung hawak niyang bote sa bag at me inilabas na plastik. Inilabas niya mula doon ang isang maliit na kahon ng cookies at nagsimulang kumain. Para di mahalata na nakamasid ako sa kanyang ginagawa, kunwari ay sa TV ako nakatingin. Di ko napansing inilapit sa akin yung kahon at nag-alok. Ngumiti lang ako at tumanggi. Muli yata niyang naalala na nagdarasal ako.
"Shit.. sorry.. sorry.." sabi niya. Ngumiti na lang ako. Nang matapos akong magdasal, muli kong inilagay sa bag ang rosaryo at nag-ayos na para manuod ng TV. Naitabi na rin niya sa bag ang hawak niya kaninang cookies. Kinuha niya sa paanan niya yung baon niyang tubig at uminom.
Maganda na yung eksena sa pelikula. Ito yung nagkukuwentuhan na sa kuwarto nung karakter na babae yung mga magkakaibigan kasama si Rob Schneider. E natatawa pa naman ako sa eksenang ito lalo na yung joke sa huli. Nagkakatawanan na yung mga babaeng kasama ni Rob sa kuwarto at nag-pillow fight na. Nung una, sabay-sabay na tinira ng mga babaeng kaibigan ng unan si Rob. Maya-maya, sa galit ni Rob, siya naman ang humampas ng unan sa mga kaibigan. Nagtawanan yung mga nanunuod ng isa-isang lumipad sa ere yung mga karakter na babae dala ng hampas ni Rob. Pigil akong tumawa pero nagulat ako ng malakas na tawa ang pinakawalan ni Ito.
"Ha! Ha! Ha!" bulanghit nito. Mula sa likod, tumayo yung isang kabarkada ni Ito.
"Pare, parang nasa bahay ka ha.." sabi nito.
Di sinasadyang napalingon ako sa nagsalita at nakita ko itong hindi nakatingin kay Ito kundi sa akin. Na-awkwardan ako kung kaya’t muli, lumingon na lang ako sa labas.
"Gago. Matulog ka na nga diyan…" sagot ni Ito, at akmang babatuhin ng bote ng mineral water yung kaibigan, nakangiti..
Naisipan kong kumuha na lang ng kendi ko sa bag. Isang supot iyon na binili ko sa supermarket na dinaanan namin bago tumungo sa istasyon ng bus. Nung makakuha ako ng isa, inabot ko yung supot sa harap, kina Madz at Vivian. Kumuha yung dalawa bago inabot sakin pabalik yung supot. Tiningnan ko sa katapat na upuan sina Jane at Lanie. Nagkatinginnan kami ni Jane at akmang iaabot sa kanya yung supot ng kendi. Medyo nagulat ako ng inabot ni Ito ang supot at siya na ang nagbigay nuon kay Jane. Ngumiti na lang kami pareho ni Jane. Si mokong na rin ang nag-abot muli ng plastik at ibinalik sa akin.
"Ikaw..?" nahihiya kong alok sa kanya.
Nagulat siya sa pag-alok kong iyon. Pero simple siyang tumanggi. Inilagay kong muli sa loob ng bag ang plastik ng maramdaman kong yumuyugyog ang upuan. Bumalikwas si Ito sa likod at ibinato yung walang lamang bote ng mineral sa mga kaibigan niya sa likod.
"Ang kukulit niyo…" sabi nito. Dedma ako sa batuhang iyon. Baka private joke nilang magkakaibigan. Biglang tumunog ang cellphone ko at may message.
"Uy! Ang swit! Kinikilig naman ako", text sa akin ni Jane.
Dali-dali akong sumagot. "Gaga! Magtigil. Mabait lang iyong tao".
Nuon ko lamang napansin na nagte-text rin si Ito. Maya-maya, muling tumunog ang cellphone ko.
"Mabait? Siguro type ka! Naks! Baka pag-uwi natin ng Maynila, me syota ka na…" muling text ni Jane.
Isang smiley na lang ang isinagot ko sa text niya. Napansin kong humagikgik ng tawa si Ito habang binabasa yung text sa kanya. Muli, dinedma ko na lang siya. Biglang tumayo yung lalaki sa likuran at tinapik si Ito. Ibinalik nito yung bote ng mineral water.
"Pare, may kendi ka…?" tanong nito.
"Wala" mabilis na sagot ni Ito.
"Sige na. Pahingi.." ulit nito. Niyugyog pa niya si Ito.
"Wala nga e.." naiinis na sagot nito.
Napatingin ako sa lalaking nakatunghod sa amin. Nakita ko siyang nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako.
"May kendi ka?" tanong nito sa akin, nakangiti pa rin.
Nagulat man ako, ngumiti na lang ako habang kinapa ko sa bag yung supot ng kendi. Inabot ko ito sa kanya.
"Uy! Thank you.." sagot nito, inabot ang plastic ng kendi sabay upo.
Aba! At mukhang kukunin na yung buong supot ko a. Maya-maya, mula sa likod, muling tumayo yung lalaki at ibinalik sa akin yung supot ng kendi.
"Thank you ha..buti ka pa me kendi. Itong si Ito e, walang kuwenta.." sabi niya. Ngumiti lang ako. "Nga pala, I’m Nathan.." sabi niya sabay lahad ng kamay. Inabot ko ang kamay niya sabay sagot. "AJ".
Muling ngumiti si Nathan. Inilagay niya sa balikat ni Ito ang kanyang kamay sabay sabing "Ito nga pala si Ito..".
Namula ang mukha ni Ito sa ginawa ng kaibigan. Nangingiti naman akong tumango. Pagkatapos nun, muling naupo si Nathan sa likod.
"Kulit noh..?" bulong in Ito sa akin. Muli, ngiti lamang ang sagot ko. "Pasensya ka na. Tinatamaan na naman kasi ng gutom.." pagpapaliwanang nito.
Feeling ko, naka-plaster na yata ang ngiti sa aking mukha kaya sinikap kong magsalita. "Barkada mo?" tanong ko.
"Yup. Pupunta kaming Vigan. Taga-Vigan yung isa naming kasama e. Vigan ka rin di ba?" tanong niya. Naks! Nag-uusap na kami! At naks! Nakikinig siya nung lumapit sa akin yung konduktor. He-he-he..
Tumango ako.
"Sorry nga pala kanina. Di ko napansing nagrorosaryo ka pala.."
"Okey lang…".
Muling tumunog ang cellphone ni Ito. May message siya. Naiiling niya itong binaba pagkatapos basahin. Nakangiti siyang tumingin sa akin.
"Sorry. Makukulit etong mga textmates ko e.." sabi niya.
Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Itinutok naman ni Ito ang atensyon sa panunuod.

Chapter 3
Nasa area na kami ng Pampanga ng tamaan na ako ng lamig. Kinuha ko sa bag yung baon kong malong para ipatong sa katawan.
"Lamig na noh?". Nagulat pa ako ng magsalita si Ito. Akala ko, tutok siya sa panunuod. Itinaas niya ang kanyang kamay at tiningnan kung saan nakatutok ang aircon. "Ayan. Okey na?" tanong niya sa akin. Napansin kong di na nga masyadong malakas ang hanging nakatutok sa akin pero malamig pa rin.
"Thanks.." tangi kong nasabi. Ano ba yan! Puro ako one word!, pang-aasar ko sa sarili ko. Ibinalot ko sa sa katawan ko ang malong. Si Ito naman, yumuko at mukhang me kukunin din sa bag. Inilabas niya ang isang maliit na tuwalya at ibinalot sa itaas na bahagi ng katawan. Nag-isip ako sandali. Muli akong yumuko at binuksan ang bag ko. Hinanap ko sa loob ang baon kong sarong. Paborito ko ang sarong na ito; dyed sa itim ang kulay niya at maganda yung tela. Plano ko kasing gamitin ito kung matutuloy kami sa Pagudpod. Nanunuod pa rin siya ng TV ng iabot ko ang sarong sa kanya.
"Eto o.. maliit yang tuwalya.." sabi ko.
"Ummm.. No. okey lang. Puwede na ‘to.." sagot niya. Nahalata kong nagulat siya sa simula.
Di ko na plano siyang pilitin. Hello? Di niya ako yaya para alagaan siya sa buong biyahe. Tumango na lang ako at aktong ilalagay ko na sa bag ang sarong ng bigla siyang magsalita.
"Sige. Pahiram na rin.." sabi niya, nahihiya. Inabot ko sa kanya ang sarong.
"Mahiyain ka pala sa personal.." wala sa sariling nasabi ko sa kanya.
"Depende sa tao.." sagot niya.
"Okey." maikli kong tugon. Nyek! Close na ba kami, tukso ko sa sarili ko. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo na medyo naka-slouch na siya sa upuan. Magkadikit ang aming mga braso. Medyo naiilang ako kung kaya't ako naman ang nag-ayos ng pagkakaupo. Napansin ko na nung medyo inihilig ko na ang aking katawan sa bintana, muli siyang umayos ng puwesto – yun bang nakahilig na siya sa akin at muling nagkadikit ang aming mga braso. Di ko na lang pinansin yun. Nagsisimula ng maglaro ang isip ko ng mga kung anu-ano kaya kinuha ko na lang ang headset ko sa bulsa ng bag at ikinabit sa cellphone. Makikinig na lang ako ng MP3 sa cellphone ko. Namimili ako ng kanta ng mapansin kong nakatingin siya sa cellphone ko.
"Sensya na ha.. me itatanong lang sana ako…" si Ito, nakatanghod sa cellphone ko.
Inalis ko sa pagkakakabit sa tenga ko yung earpiece. "Yup…?" sagot ko.
"Sa’yo yung ringtone ng Darna..?" tanong niya. Tumango naman ako. "Puwedeng pa-send?" nahihiya niyang tanong. Natawa ako. Natawa rin siya. "Kasi, antagal na akong kinukulit nung isa kong kaibigan na kung makakakita raw ako ng ring tone na ganun, pahingi raw.. puwede…?"
"Sure. Blue tooth?"
"Yup. Teka, i-on ko lang.."
Binuksan ko rin yung bluetooth ko. Sinubukan ko ng mag-send nung ringtone. Nagse-search na ng devices ang cellphone ko ng um-appear sa screen ang tatlong mga pangalan.
"Sino ka dito…?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa cellphone. Dun nga, naka-appear ang tatlong pangalan. "Yang si Horny Peter.." sagot niya. Tumango lang ako bilang tugon.
"Okey.." sagot ko, nakangiti. Isang tawa lang ang kanyang isinagot.
Maya-maya, muli siyang nagsalita. "Songbird…?" nakangiti niyang tanong.
Dun ko naalala na yun pala ang blue tooth name ko na lumabas sa cellphone niya. Shucks! Pero siyempre, di ako nagpahalata. Ngumiti lang ako.
"Jologs ba…?" tanong ko.
"Sobra ka naman. Hindi. Nakakatuwa nga e..".
"Ganun?! Alam naman nating pareho na mas maganda ang Horny Peter e..." maikli kong tugon.
"Me t-shirt pa ako niyan.. me expalantion diyan e.." sagot niya.
"Yup. I’ve seen the shirt. Di ba sa Spoofs yan..? Yung si Harry Potter ang ini-spoof.. as Horny Peter..?"
"Galing a. Some people couldn’t get the joke.." sabi niya.
"I see.."
"You? Why Songbird..?"
"Ako kasi, mahilig kumanta.." nahihiya kong sagot.
"Regine?"
"Yup.."
"He-he-he.." tugon niya.
"Bakit ka natawa..?"
"Songbird kasi si Regine di ba..?"
Di na lang ako umimik bilang tugon.
"Oi, baka nagalit ka. Cute nga e.."
Tumango na lang ako habang sine-send ko yung ring tone. Eeeeeek!!! Feeling close! Muli ko na lang inilagay yung ear piece sa tenga ko sabay pindot ng MP3. Di sinasadyang hindi ko pa pala nakabit yung headset sa telepono kaya narinig niya yung tugtog. Deadma na lang ang reaksyon ko. Tinapik niya ako sa balikat. Tumingin ako sa kanya.
"Thank you.." sabi niya.
"Okey lang.." sagot ko.
"Ikaw, baka me ringtone ako na gusto mo, i-send ko sayo.." tanong niya, sabay pakita ng mga tones sa cellphone niya..
"Okey lang. Thank you uli.." tugon ko.
Nagsimula na akong makinig ng MP3. Siya naman, pumorma na para matulog. Habang nakikinig, nakatingin ako sa labas at kahit gabi e nagsa-sight seeing. Puro cd kong Regine Velasquez ang nakapasok sa player ko. Dalawang album na siguro ang natatapos ng mapansin kong nasa Tarlac na kami. Nakakita kasi ako ng mga karatulang nagsasabing Tarlac na nga.
CRASSSSHHHHH!!!
Nagulat pa ako ng may mga maliliit na kung anong bumagsak sa akin. Nung titigan ko, mga maliliit na salamin ang bumagsak sa akin, animo’y mga patak ng ulan sa liit pero marami. . Nagising yung mga pasaherong natutulog. Lahat, nagtinginan kung ano ang nangyari. Pag-angat ko ng tingin, dun ko napansin na may butas yung bintana na sakto namang sa tapat ko. May bumato pala mula sa labas sa bintana. Mabuti na lang at matibay ang salamin ng bus at isang maliit na butas lamang ang nilikha nito, kasinlaki siguro ng piso. Ang epekto, yung sa area ng butas ay nabasag at tumilapon nga sa akin ang mga bubog.
"AJ?! Okey ka lang…?" tanong ni Jane na nagising na sa kabilang upuan. Sila Madz at Vivian naman, tumayo sa upuan at tiningnan din ako. Tumango lang ako habang pinapagpag ang mga bubog sa katawan ko.
"Yup. I’m okey. I’m okey.." sagot ko.
"Ano ba yan?"
"Naku, buti, hindi gaanong nabagsag yung salamin".
"Delikado yan e.."
Naririnig ko ang mga sinasabi ng ibang pasahero. Huminto muna yung bus para tingnan nung driver at conduktor yung nabasag na bintana. Yung iba naman, ibinaba na yung blinders kung sakaling mambato uli. Inabutan pa ako nina Vivian ng tissue para ipang-alis sa bubog na nasa aking katawan.
"Okey na ako.." sabi ko sa kanila. Tuloy-tuloy ako sa pagpagpag ng mga nagkalat na bubog. Nabigla pa ako ng maramdaman kong may humawak sa ulo ko. Pagtingin ko, nakita ko si Ito, seryosong nakatingin sa akin. Siya yung humawak sa ulo ko.
"As if naman sasabog ang bungo ko. E ni hindi nga gaanong nabasag yung salamin.." medyo nahihiya kong sagot sa ginawa niyang pagsalat sa ulo ko.
"Hindo. Me mga bubog ka pa sa buhok.." sabi niya. Napahiya ako ng mokong! Siya na mismo ang nagpagpag ng buhok ko. Medyo lumiyad pa ako para alisin din yung mga bubog na nahulog sa upuan ko habang si Ito naman ang nagpagpag ng mga bubog na naipon sa bintana. "Tayo ka para mas maalis natin yung mga natitirang salamin.." sabi niya. Sunud-sunuran naman ako sa sinabi niya. Nagsimula na ring umandar ang bus. Nung tumayo ako, gamit ang hawak niyang sarong, pinagpagpag niya ang aking upuan. "Upo ka na.." sabi niya.
"Thank you ha.." sabi ko. Siya na ang tumayo at ibinaba ang blinders sa bintana ko.
"Buti di ka nakasandal sa salamin. At mataas yung pagkakabato sa salamin. Kung hindi, dadalhin ka pa namin sa ospital.."
Ngumiti lang ako. "Kaya pala marami akong bus na nakikitang me ganyang basag sa salamin. Yung parang butas lang o di kaya crack.. uso pala dito yung binabato…" sabi ko.
"Siguro. Ano? Okey ka na..?"
"Opo. Thanks.."
Muli kong kinuha yung earpiece ng cellphone ko at makinig ng music. Dun ko napansing parang nabigla si Ito at mukhang may hinahanap. Palinga-linga ito.
"Okey ka lang…?" tanong ko.
"Yung cellphone ko.. Teka, yung cellphone ko, di ko makita..". Pati ako ay tumulong maghanap ng cellphone niya.
"Ipag-ring kaya natin…?" wala sa sariling suhestiyon ko.
"Sige.. kung okey lang.." tugon niya.
Itatanong ko na sana sa kanya ang kanyang number pero bigla akong nahiya. Inabot ko sa kanya ang cellphone ko. "Ikaw na lang…".
Kinuha niya ang cellphone ko at nag-dial ng number.
"Hawakan mong aking mga kamay.. Bigyan ng kulay ang aking buhay…"
Narinig namin pareho yung ring tone ng cellphone. Pareho pa kaming yumuko dahil dun nagmumula yung ring. Sinalat niya yung bulsa sa gilid ng kanyang bag. Mula duon ay inilabas niya ang kanyang cellphone at dali-daling kinansel ang tawag.
"Akala ko, nawala na.." nangingiti niyang sabi.
"Anong akala mo, kukunin ko…" tanong ko.
"Hindi. Baka kasi kung saan ko napatong. Mamaya, dito sa supot ng basura ko pala nalagay e.."
Ngumiti ako. "At ginamit mo na talaga yung ring tone huh? Akala ko ba, sa kaibigan mo yan…?"
"Oo nga. Pero wala namang masama kung gamitin ko e. South Border ang sumulat ng kantang iyan. Astig…" sabi niya.
Tumango na lang ako. Hmmmm… ang hirap pa ring alamin kung itong si Ito e ano ha! Tiningnan ko siyang muli.
"Bakit?"
"Wala lang…" tugon ko.
Nangingiting pumorma na lang na matutulog si Ito. Dahil sa natatakpan na ang bintana, pumorma na lang ako na matutulog na rin habang nakikinig sa cellphone ko.
"Parinig nga.." nabigla ako ng hinatak ni to yung ear piece sa tenga ko at inilagay sa tenga niya. Sakto namang pinakikinggan ko yung version ni Regine ng "Ikaw ang lahat sa akin" na nasa "Covers" niyang album. Bigla siyang nangiti sa narinig.
"Talagang songbird huh…?’ nakangisi niyang sabi.
Hahablutin ko na sana ang earpiece pero iniwas niya ito. "Walang masama duon..".
"Wala naman akong sinabing masama e. Hmmm.." sabi niya, habang mataimtim na nakinig sa kanta.
Wala akong nagawa kung hindi hintayin siyang matapos sa pakikinig. Ayoko namang makipag-agawan at baka mamaya, gumawa pa kami ng ingay.
"Di ba kinanta na niya ito sa concert niya nuon…?’ tanong ni Ito.
Ting! Ting! Ting!
Sabi ng isa kong kaibigan, kung sa Amerika daw, kapag ang isang lalaki e mahilig ke Barbra Streisand, maghinala ka na. Pero dito sa Pilipinas, kapag siya ay mahilig ke Regine, 95% sigurado kang kalahi iyon. He-he-he…
"Yup. Sa concert nila ni Martin.." sagot ko. Muli, nangiti si Ito.
"Yeah. I remember na. It’s with Martin. Kasi, si Curt.. yung naka-black.." sabay turo sa likod upuan sa likod nina Nathan, "mahilig ke Martin. Nangulit sa barkada na samahan siya. Treat niya..".
Tumango lang ako. Maya-maya, ibinalik na niya sa akin yung earphone. Nakasimangot.
"Bakit?" tanong ko, sabay lagay ng earpiece sa tenga ko para marinig kung ano yung nagpasimangot sa kanya.
"Sumisigaw na naman ang idol mo e.." sabi nito, nakangisi.
Mapakla akong ngumiti isa kanya. "E di huwag kang makinig. Kaya nga me earphone e, para ako lang makarinig.." sabi ko, sabay ayos ng upo.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Alam mo, masungit ka pala sa personal?".
Di ako umimik. Maya-maya, muli niyang hinablot ang earpiece, kasama na ang cellphone.
"Hoy…!" sabi ko.
"Tingnan ko kung anu-ano pa yung mga songs dito.." sabi niya. Di na ako nakipagtalo. Ewan ko ba sa lokong ito bakit di ko kayang magtaray sa kanya ng tuluyan. Maya-maya, nangingiti niyang inabot sa akin ang cellphone. Kinuha ko iyon.
"Biglang nag-open e.. di ko naman pinindot.." sabi niya.
Nanlamig ako ng makitang nakabukas iyon sa message at nakabalandra ang message sa akin ni Jane.
"Grabe na ‘to. Nilalanggam na kayo diyan.." nakasaad sa text. Nakatingin siya sa akin at nakita niyang medyo iritado akong nakatingin sa kanya. "Akala ko, part nung song yun e. Yun pala, message alert tone. Then, biglang bumukas yung message…" sunod-sunod niyang paliwanag.
Pilit na lang akong ngumiti sa kanya. "Wala yan. Tapos ka na ba? Akin na…" sabi ko.
Wala namang pagtanggi niyang inabot ang cellphone ko sa akin. Pero patuloy pa rin siyang nakangisi.
"Bakit…?" tanong ko.
"Anong bakit…?" sagot niya.
"Nakangisi ka diyan…?" sabi ko.
"Masama bang ngumiti..?"
"Bahala ka.." tugon ko. Para wala ng usapan, pumikit na lang ako at nagkunwaring matutulog habang nakikinig ako ng music. Di ko akalaing makakaidlip pala ako.

Chapter 4
Di ko alam kung gaano katagal na kaming nagbiyahe. Pero nagising ako ng isang malaking mama ang pumasok sa bakanteng upuan sa tabi ko para mabigyan ng espasyo yung papasok na mga dalaga. Sa pagpasok niya ng sarili sa upuan, di sinasadyang nabunggo niya ako. Medyo inis akong dumilat at napansing nakahinto pala ang aming bus. Tiningnan ko yung karatula sa labas. Isa itong bus stop sa area ng Pangasinan. Dun ko napansing wala na pala sa tabi ko si Ito. At naghahanda ng bumaba yung mga kaibigan ko. Nagsusuklay pa si Jane ng mapansin niyang kagigising ko lang.
"Bababa kami. Jingle lang. Akala ko nga, di ka na magigising e.." nakangiti niyang sabi. Tumayo niya siya kasabay si Lanie. Sumunod namang tumayo sina Vivian at Madz.
"Gaano katagal ang stop-over..?" tanong ko.
"Mga 20 minutes siguro kuya.. halika na.." sagot ni Vivian.
Tumango lang ako at sumenyas na sususunod na. Yumuko ako upang kumuha ng sigarilyo sa bag. Inakyat ko ang aking bag at ipinatong sa hita. Nasa ilalim kasi ng mga gamit ko yung baon kong sigarilyo. Kanina ko pa naubos yung isa kong kaha sa istasyon ng bus. Pagbukas ko ng siper, biglang nahulog yung mga gamit ko. Yung iba, nahulog pa sa sahig. Isa-isa kong pinulot yung mga gamit ko. Maya-maya, bumaba na rin ako ng bus para umihi.
Magkabilang dulo ng kainan na yun ang rest room ng lalaki’t babae kung kaya’t di ko pa nakikita sina Jane. Pagkatapos kong mag-comfort room, dire-diretso ako sa me malapit na halaman at nagsindi ng sigarilyo. Pagkasindi, minasdan ko ang paligid at dun ko napansing nasa may tindahan sina Ito at ang mga kaibigan nito. Actually, anim lamang yung mga lalaking kasama nito. Napatingin sa akin yung isa sa mga kasama kaya’t mabilis kong ibinaling sa iba ang aking tingin.
"Puwedeng makisindi..?" narining kong pagsasalita ng isang lalaki sa likod ko. Paglingon ko, isa pala ito sa mga kasama nina Ito. Inabot ko sa kanya ang lighter ko. Nagsindi siya ng sigarilyo. Medyo nagulat ako dahil di siya umalis at pumunta sa puwesto nina Ito.
"Okey ka na…?" tanong nito sa akin.
"Huh..?"
"Yung pagkakabato kanina sa bintana. Di ba sa tapat mo yun? Okey ka na?"
"Yeah. Okey lang.."
"Ganyan talaga e. Sa San Mateo, me nakaaway yata ang Partas, kaya madalas, binabato sila lalo na kapag hatinggabi na.." kuwento nito Tumango lang ako. "Pa-Vigan din kayo…?" tanong nito sa akin. Muli, tumango lang ako bilang tugon. "Saan sa Vigan..?" muli nitong tanong.
"Umm.. ang alam ko, Vigan proper lang e.." nakangiti kong tanong. Nahihiya ako kasi di ko laam ang isasagot.
"Nga pala, I’m Curt.." sabi nito, sabay lahad ng kamay. Inabot ko ito.
"AJ…"
"Taga-Caoayan ako. Dun kami pupunta.." sabay turo sa mga kasama. Tumango lang ako. "Sino mga kasama mo…?" muling tanong ni Curt. Isa siya dun sa mga obyus na bading na kasama nina Ito. Pero di mo maikakailang guwapo rin talaga siya.
"Mga officemates ko.. galing pa kami ng opisina. Kayo? Andami niyo rin…?" sagot kong nakangiti. Actually, nagpi-fishing na rin ako. He-he-he…
"Well, I saw you’ve met Ito and Nathan. Yung katabi niya sa bus, si Joji. Then, there’s Hector, Kyle and Bruce.." sabay turo isa-isa sa mga lalaking nakatayo.
"You guys work together…?"
"Nope. We’re barkada. Ako, si Ito, si Nathan and Bruce, magkakaibigan sa college. Pare-pareho kaming Architecture. Then, nasama na yung iba.." kaswal na sagot ni Curt. Tumango lang ako. Nangingiti si Curt na nakatingin sa mga kagrupo na nag-uusap. Pati tuloy ako, napatingin.
"How do you find the guy in the red jacket..?" tanong niya. Napatingin ako. Naka-red? A, yung Hector.
"Ummm… okey.." sagot ko, sabay tingin sa kanya. "Bakit?"
Natawa si Curt sa tanong ko. "He’s my boyfriend…" sagot nito sabay kindat sa akin. Muli, ngiti lamang ang sagot ko. "Di naman siguro kaila sa’yo that I’m gay, right…?".
"You are..?! " padedma kong tugon.
Humitihit muna ng sigarilyo si Curt bago sumagot. "Di ba halata…?" natatawa nitong sagot. Ngumiti lamang ako. "You know, kung wala lang akong boyfirend, liligawan kita e.. you’re cute…" bigla niyang sinabi. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Isang naiilang na ngiti na lang ang sagot ko. "Why..?" bigla niyang tanong.
"Nagugulat ako sa mga sinasabi mo…" sagot ko.
"Why? Papatol ka ba naman sakin..?" nakangiti niyang sabi.
Natigilian ako. Naks! Ang galing ng questioning a! A different tactic to ask whether a person is gay in an indirect manner. Dapat yata, isulat ko yun para matandaan ko. Wala sa sariling nangiti ako sabay iling. "That’s very good.." sagot ko.
"Ang alin…" nakangisi nitong tugon.
"Very smooth. I never thought it was coming…".
"He-he-he.. I’m the official spokesperson of the group e.."
"Dapat lang…"
"So, are you attached…?"
Tumingin ako kay Curt. "Nope" matipid kong sagot.
"You’re kidding.."
"If I am attached, you’d see me here with somebody, right…?"
Tumango lang si Curt. "Hec and I had been together for a month.. bago pa lang.." sagot niya.
"I see.."
Muli, ngumiti muna si Curt, humithit bago sumagot. "Nathan and Joji are more than friends.. if you get what I mean.. single na yung tatlo…".
"I never thought you guys were.. you know.." di ko matuloy ang sasabihin ko. Pero mukha namang na-gets na ni Curt ang ibig kong sabihin. "Denial pa si Bruce.." sabi nito sabay tawa ng malakas.
"Okey.." sagot ko. Maya-maya, lumabas na ng CR sina Vivian. Ipinakilala ko sila kay Curt. Nag-usap ng Ilokano sina Vivian at Curt. Pagkatapos, nagpaalam na si Curt na pupunta na sa mga kaibigan.
"Uyy…" muling tukso ni Vivian.
"Bakit..?" tanong ko.
"Si Kuya AJ, me prospect…" sagot nito sa akin, nakangiti.
"Cute siya huh…" sabat naman ni Madz.
"Dyowa niya yung naka-red.." sabay turo ko sa kanila. Ang nakakatawa, sabay-sabay na lumingon sa grupo nina Ito yung apat. E sakto pang nakatingin din sa amin yung mga guys.
"Syet! Ano ba?! Tama bang lumingon!" matigas kong bulong sa mga ito.
Sabay-sabay namang nagbawi ng lingon ang apat. Pero alam kong nakita na nila Ito yung pagkakalingong sabay-sabay ng mga girlash sa kanila. Kung kaya’t niyaya ko na lang sina Vivian na umakyat na ng bus. Di naman nagtagal, nagsibalikan na yung mga pasahero sa bus. Nakaharap ako sa bintana ng umupo si Ito sa tabi ko. Inayos niya yung pagkakalapag ng kanyang bag sa sahig. Di pa rin ako tumitingin sa kanya.
"You smoke pala..?" tanong ni Ito. Duon, napatingin na ako sa kanya at tumango. "So, I see you’ve met Curt.." muli niyang tanong.
"Yup".
"Masungit yan e. Nagulat nga kami nung makipag-usap sayo e.."
"Bakit? Mabait naman ako e..?"
"Nililigawan niya si Hector. Pero yung gago, ayaw talaga sa kanya.." sagot nito.
Huh?! Akala ko ba, syota na niya si Hector?! Ang gulo. "He said sila nung Hector…?".
Tumingin sakin si Ito. "He did huh..?"
"Well, I think he did. He implied vividly na sila..?"
"Gago yan e.. He-he-he.. Ano pa bang kasinungalingan sinabi niya sayo..?"
Di ako umimik. Sabi rin ni Curt na bading silang lahat. Pero maniniwala pa ba siya? Baka niloloko lang ako nun, bigla kong paalala sa sarili ko.
"Baka mamaya, kayo pala..?" hirit ko.
"Ganun?! E tingin ko nga, crush ka niya e..." nakangisi niyang sagot. Di na lang ako umimik. "O, di ka na sumagot…?".
"Crush ko rin naman siya e.." wala sa sarili kong hinirit.
Tumahimik si Ito sa sagot ko. Maya-maya, nagsalita, "Gusto mo, palit kami para magkatabi kayo?".
"Bahala ka.." sagot ko.
Lumingon si Ito sa likod at parang nakikipag-usap sa katabing upuan. Akmang tatayo na sana siya ng bigla ko siyang hinila sa braso.
"Uy! Joke lang yun!" sabi ko ng mapaupo na siya.
"Hindi pare, okey lang. Para naman maging close pa kayo…" sagot nito.
"Joke nga lang e.. Eto naman, di na mabiro.."
"Ayokong humadlang sa kaligayahan mo.." sagot nito, nakangisi.
"Baka ikaw diyan. Nami-miss mo na siguro ang girlfriend mo..?" sabi ko. This is it. Hindi syota ang ginamit ko kasi mas mahirap i-decipher. Talagang ginamit ko na yung salitang girlfriend. Kahit sinabi na ni Curt kanina na katulad namin si Ito, gusto kong manggalnig sa kanya.
"Babalik naman ako sa Sunday e.." sagot niya. Sopla! Di na ako umimik. Umayos na ako para muling matulog. Humarap akong muli sa bintana para di niya makita ang mukha ko. Napansin ko rin na umayos na siya ng upo para matulog. Dahil paharap ako sa bintana, di ko makita ang porma niya. Pero nagulat ako ng maramdaman kong magkadikit ang aming mga likod. Sinipat ko ang aming repleksyon sa salamin. Aba at nakatalikod pala siya sa akin. Dala ng irita, inilayo ko ang likod ko sa kanya. Pero di ko alam kung sadyang nang-aasar siya. Talagang isinandal niya ang likod niya sa akin. Aba’t ang damuho! Ginawa pa akong sandalan. Muli kong inilayo ang likod ko pero lalo pa niyang idinikit ang likod niya sa akin. E nagkataon namang malaki siyang lalaki. Mabigat. Sa inis, bigla akong yumuko at nagkunwaring me kukunin sa bag ko na nasa sahig. Bigla naman siyang napahiga sa upuan sa ginawa ko. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti ang mokong.
"Naisahan mo ako duon ha.." sabi niya. Umarte akong walang alam. Sumandal na lang ako sa bintana at nagkunwaring matutulog. Siya naman, ipinikit na lang ang mata at nagsimula na ring matulog. Maya’t maya e humihinto ang bus dahil nagsisimula ng bumaba yung ibang pasahero. Marami rin kaming mga dinadaanang zigzag at minsan, gumegewang-gewang kaming mga pasahero. Minsan, sa isang pagliko, bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Ito. Dali-dali akong nag-ayos. Shucks!!! Nakakahiya. Napansin ko lang na sa pagbaba ng ilang pasahero, may mga lumilipat sa mga nababakanteng upuan. Para siguro makaporma ng mabuti sa pagtulog.
"Pare, wala ng tao sa likod.. dun ka na..". Dumilat ako para tingnan kung sinong nagsalita. Si Nathan, sinasabihan si Ito na lumipat. Pero parang tulog na tulog ito at nagsalita ng di naman malinaw sa pandinig. Siyempre, kahit papano, natuwa ako. Kasi, magkatabi pa rin kami.
Kung kelan naman himbing na himbing ako, naramdaman ko na lang na niyuyugyog ako. Pagdilat ko, nakatigil na ang bus at nakatingin na sa akin sina Vivian at Madz.
"Why…?" tanong ko.
"We’re here.." nakangiting bait ni Madz. Tiningnan ko ang relo ko. 4:23 am. Luminga-linga ako sa paligid. Wala na pala yung ibang pasahero. Nakababa na. Napatingin ako kay Ito. Tulog na tulog ito sa upuan. Pati yung mga kabarkada niya, tulog na tulog rin. Inaayos na nina Jane at Lanie yung mga gamit nila. Muli akong naupo at inayos yung bag ko. Ipinatong ko siya sa mga hita ko at isinilid dun yung malong ko. Pati yung cellphone ko, inilagay ko sa bulsa ng bag. Dun ko naalala yung sarong na ipinahiram ko kay Ito. Nakabalot pa rin ito sa kanya. Inisip ko kung gigisingin ko siya para kunin yung sarong ko. Pero bigla akong nahiya. Bumaba na ng bus sina Lanie at Madz. Kasunod na nila sina Jane at Lanie. Dahil mahaba ang hita niya, dahan-dahan akong humakbang sa kanya para makarating ng aisle. Muli kong tiningnan ang sarong. Syet! Eto pa naman ang paborito kong sarong. Nagtatalo sa isip ko kung kukunin ko ang sarong o hindi. Dun ako nagdesisyon na wag na. Tuloy-tuloy akong bumaba. May mga tricycle na naghihintay. Dalawang tricycle ang kinuha namin at nagpahatid sa El Juliana kung saan kami mag-i-stay sa Vigan.

Chapter 5
Ayaw pa sana kaming papasukin sa hotel dahil hindi raw iyon check-in time. Alas singko na yun ng umaga. Pero dala ng pakikiusap, pinapasok na rin kami. Dalawang kuwarto ang inokupa namin – yung isa, magkakasama sina Vivian, Madz at Lanie. Sa isa naman, kami ni Jane ang magkasama. Pagkatapos naming mag-settle sa kani-kaniyang kuwarto, nagdesisyon kaming magpahinga muna. Actually, nakatulog kami. Mga alas-diyes na nung kinatok kami sa kuwarto ni Vivian para magtanong kung gusto na naming mag-lunch sa may plaza. Sa isang fastfood sa plaza kami kumain. Pagkatapos, tutal naman e makulimlim, nagdesisyon kaming duon na sumakay ng kalesa para lumibot sa Vigan. Iba-ibang lugar ang pinuntahan namin. Sa Bell Tower, sa Vigan Pottery, sa Hidden Garden, sa Balwarte. Huli naming stop ang Heritage Village kung saan kahit wala sa plano, napabili na ako ng pasalubong. Imagine, mura ang mga shawl. Isang dosena yatang shawl ang binili ko. Aside from that, napagtripan ko na ring bumili ng iba pang pasalubong para sa bahay, pati na rin sa opisina. Hapon na nung muli kaming bumalik sa plaza para kumain ng empanadang Vigan at okoy. Nung gabi naman, nag-swimming kami sa pool ng hotel. Mga alas-diyes na ng magdesisyon kaming magpahinga. Actually, buong araw, walang oras na di ko inasam na sana ay mag-krus muli ang landas namin ni Ito. Sabi ni Vivian, malapit lang ang Caoayan sa Vigan proper. At since dito-dito lang naman din sila maglilibot, palihim kong dinasala na sana, magkita kaming muli. Kahit sa malayo lang. Makita ko lang siya.
Nasa banyo nun si Jane ng mapagtripan ko ang aking cellphone. Nagbabasa ako ng mga message ng biglang sumagi sa isip ko na silipin ang Log menu. Dun, nakapasok ang number ni Ito sa dialled numbers. "Ite-text ko kaya?", bulong ko sa sarili ko. Paano kung hindi sumagot? Baka mamaya, mapahiya pa ako. Wala sa sariling pinindot ko ang call button. Nanginginig akong inilapit ang telepono sa tenga ko at nakinig.
"The number you dialled is out of coverage area".
Napatingin ako sa cellphone ko. Aba! At naka-off. Napataas ang aking kilay. Siguro, me tinataguan. Hmp! Sa inis, in-off ko ang aking cellphone sabay kuha ng bag ko para kunin yung charger ko at mag-charge na lang. Nang maisaayos ko na sa side table ang telepono, isa-isa kong inilabas ang aking mga dalang gamit para iayos yung isusuot ko bukas sa pagpunta namin ng Pagudpod. Nung inilabas ko yung plastic bag kung saan nakalagay ang aking pantulog, nagulat ako ng may marining akong isang bagay na bumagsak. Patingin ko sa sahig, charger. Inabot ko yung charger at pinagmasdan. Eto ang charger ko. Tiningnan ko yung charger na nakakabit sa cellphone ko. Kanino yun?! Nung sandaling iyon, lumabas na mula sa banyo si Jane. Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko para ako naman ang maligo. Di na muling sumagi sa isip kong alamin kung kanino yung extra charger na dala ko.
Kinabukasan, Sabado ang biyahe namin papuntang Pagudpod. Alas-siyete ng umaga ang oras ng aming pagkain ng almusal sa isang fast food sa plaza. Dun kami hihintayin ng saksakyang aming inarkila para sa pagpunta sa Pagudpod. Bago kami pumunta sa Tierra Rica Beach Resort, nilibot muna namin yung mga iba pang lugar na mapapasyalan sa Ilocos Sur katulad ng Marcos Musoleum, Malacañang of the North, Patapat falls, pati ang Parola. Mga alas-tres na kami nakarating ng Pagudpod. Atleast, maganda yun kasi di mainit. Pero ang nakakaloka, malakas ang alon. Maraming tao ang nasa mga hut na nakapaligid sa beach. Nilingon-lingon ko ang mga tao sa paligid. Syet!!! Ano ba itong nangyayari sakin. Bakit ko siya hinahanap? Ano ngayon kung naging masaya yung pakikipagkuwentuhan namin sa isa’t isa? Ano ngayon kung naaliw ako sa kanyang mga halakhak at tawa? Ano ngayon kung guwapong-guwapo ako sa kanya? Wala iyon sa kanya. Di niya ako gusto. Isa pa rin siyang estranghero at di ako dapat mag-isip ng kung anu-ano pa man. Sana, naiisip rin niya ako. Nyek!!! Ano ako. Si Juday?! Muli kong inilagay sa sentido ko ang aking panturong daliri sabay bulong: Psssh!

Chapter 6
Linggo ng umaga namin napagdesisyunan na umuwi dahil may pasok pa kami sa Lunes. Yung first trip ng Partas ng alas-sais ang hinabol namin. Dala na rin ng masyadong maaga ang aming alis, cookies, tinapay at juice ang binaon namin para almusal sa biyahe. Alas-kuwatro pa lang e gising na ako para maligo, dahil na rin sa matagal maligo si Jane. Nauna na lang akong maligo para di ako magmamadali. Inayos ko na lang ang gamit ko, pati na yung isang malaking supot ng pasalubong na bitbit ko.
5:30 ng kami ay makarating sa istasyon. Marami-rami na rin yung mga pasaherong sumasakay. Katulad nung Huwebes, napagdesisyunan naming muli na magtabi-tabi na lang yung mga babae at ako na lang ang hiwalay. Di ko alam kung sino ang makakatabi ko. Bigla, naalala kong muli si Ito. "Ano ba?! Tapos na yun noh?! Wala na. As in the end! Di na dapat inaalala pa", bulyaw ng isip ko. Akala ko nga e di masyadong mapupuno yung bus pero marami rin pala ang papaluwas ng Maynila. Nagsimula ng kumain sina Jane. Inalok nila ako ng pagkain pero tumanggi ako. Medyo inaantok pa rin ako kung kaya’t naisip kong matulog na lang. Maya-maya, may isang matandang lalaki na sumakay at umupo sa tabi ko. Syet! Me katabi pala ako, bulong ko sa sarili ko. Inayos ko ang aking pagkakaupo. Yung bag ko ay nasa paanan ko samantalang yung supot ko ng pasalubong ay nasa compartment sa itaas.
"Vivian, eto yung tiket ko.. pakibigay na lang sa kunduktor kapag lumapit.. matutulog na ako.." sabi ko kay Vivian na nakaupong muli sa upuan sa harapan ko.
"Kain ka muna.." si Madz, sabay abot sakin ng isa sa mga biscocho’ng dala namin.
"Wag na. Okey lang ako.. Kayo na bahala sa tiket ko ha.." sabi ko.
Tumango lang ang dalawa. Umayos na ako ng puwesto para matulog.
Blurred sa akin ang unang oras ng biyahe dahil pupuknat-puknat ako sa pagtulog. Di ako makatulog ng diretso. Naririnig ko lang yung mga pag-uusap ng mga tao sa paligid, yung tugtog sa radyo, yung mga tawanan ng ibang pasahero.
"Good morning.." bati sa akin ng isang pamilyar na tinig. Actually, isa yung pagkakataon na animo’y gising ka pero tulog pa rin ang isip mo. Nag-iba ako ng puwesto. Mula sa pagkakasandal sa bintana, umayos ako at sumandal sa upuan. Tumango lang ako. Maya-maya, muli akong nakatulog. Di ko alam knug gaano katagal yung pagkakaidlip ko na yun. Medyo nabigatan kasi ako sa balikat. Teka! Parang nakasandal sa balikat ko yung ulo ng matandang lalaki na katabi ko. Tsk! Kakainis naman o! Nagdilat ako ng mata. Naiirita ako sa pag-iisip kung paano ko gigisingin yung mama na katabi ko. Paglingon ko, isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Si Ito. Para akong natulala sa nakita ko. Paano? Bakit? Kelan?
Animo’y isa akong estatwa sa pagkakatingin ko sa lalaking nakahilig sa aking balikat. Bigla siyang naalimpungatan. At dumiretso ng upo. Nag-inat pa siya. Di ko pa rin inaalis sa kanya ang aking tingin. Si Ito. As in!
"Good morning.." sabi nito kasabay ng paghihikab. Di ako sumagot. Natulala pa rin akong nakatingin sa kanya. Napansin niya ang aking pagtitig. "Sabi ko, good morning.." ulit niya.
Duon ako natauhan. "Bakit ka andito..?"
Lalo siyang nangiti sa tanong ko. "Pauwi" sagot niya.
"No. What I mean is.. bakit ka nandito..?"
"Uuwi nga".
"Paano ka napunta diyan..?"
"E di sumakay".
"Pilosopo," bukod tangi kong naisagot. Humarap na lang ako sa bintana.
"Napikon ba kita..?’ tanong niya. Di ako umimik. "Ito naman o.. andaling mapikon. Hoy.." sabi niya. Di pa rin ako umiimik. "Nagpakahirap akong kumbinsihin yung matanda na makipagpalit sa akin ng upuan, tapos, di mo naman pala ako kakausapin..".
Aha! At nakiusap pala siya dun sa matanda na makipagpalit. Hmmm.. Interesting.
"Hoy.. lilipat na ako uli.." sabi niya. Di ako nagsalita. Maya-maya, may kinuha siya sa bag niya na katulad nung una e nasa lapag. "Isosoli ko nga pala sa’yo.." sabi ni Ito sabay abot sa akin ng sarong.
Kinuha ko yung sarong.
"Akala ko pa naman, bigay mo na yan sa’kin, yun pala, babawiin mo talaga.." sabi niya.
"Nahihiya kasi akong gisingin ka nung bababa na kami kaya hinayaan ko na lang.."
"E di ibibigay mo na nga. Kasi, malay mo ba na magkakasabay tayong sumakay ng bus pabalik ng Maynila.."
Ibinalik ko sa kanya ang sarong. "O, eto na.." sabi ko.
Tumawa muna siya bago sumagot. "Meron ka ba? Kasi ang sungit mo e..".
Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Nung tumingin ako sa kanya, nasinagan ng araw ang kanyang mukha at dun ko napansin ang kanyang mata na kulay brown. Napatitig ako sa kanyang mga mata.
"O? Bakit mo ako tinititigan..?" tanong niya.
"Hah?! A e.. kasi.. brown pala ng kulay ng contacts mo..?"
"Paano mo nasabing naka-contacts ako…?"
"Hah.. Wala.."
"Di naman ako nagko-contact lens e..".
Tumingin ako sa kanya. "Nagko-contacts ka no?! Nakita kitang naglagay ng solution nung Huwebes e..".
"Tinitingnan mo ginagawa ko..?"
"A e.. hindi.. kasi, nagrorosaryo ako nun di ba..? Tapos.. nahulog.. nahulog yun takip…"
"A oo! Natatandaan ko na.." sabi niya sabay tawa.
Tumingin na lang ako sa bintana. Naramdaman kong namumula ang mukha ko sa pangko-corner sa akin in Ito.
"Pikon..?" dinig kong tanong inya.
"Di rin. Ako pa. So, asaran tayo..? Baka ikaw ang magsisi.."
"A… sige nga.. sige nga.."
"Tse. Lumipat ka na nga.. Teka, nasaan ba sina Nathan.. dun ka na nga tumabi…"
"Wala sila. Ako lang ang luluwas pabalik ng Maynila".
"Bakit..?"
"E alam kong ngayon ka uuwi e.. Sinabayan na kita para maisoli ko yung sarong mo.." sagot niya. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Pinigilan kong kiligin. Syet! Ano ako? Dalagita?! Muli, narinig ko na naman ang malutong niyang tawa. "Kailangan kong bumalik kasi me ipe-prepare pa ako bukas na presentation.. e di ko magamit ang cellphone ko. Buti natawagan ako ng kasama ko sa project sa cellphone ni Nathan.." natatawa nitong paliwanag.
Tumango lang ako. "Umm.. bakit.. anong problema ng cellphone mo..?" tanong ko.
"Nawawala yung charger ko e. E hirap pa naman ang cellphone ko na mag-charge kapag iba ang charger.. Tsk!"
Duon ko naalala yung extrang charger na nasa bag ko. Dali-dali akong yumuko at kinuha sa bag yung charger na nakita ko sa bag.
"Sayo ba ito…?" nahihiyang tanong ko sabay pakita ng charger.
"Oo. Akin yan! Kinuha mo ang charger ko?"
"Kapal mo!" Di ko napigilang magsalita. Nasabi ko na yun ng mabigla ako sa aking pananalita. "Ay! Sorry…" bawi ko.
Nakangiti naman siya ng tumugon. "Joke lang.. eto naman o.. pero bakit nasa’yo to..?".
"Bakit nga ba…? A.. nakita ko siya sa sahig.. nung stop-over ng Pangasinan. Akala ko, akin, kaya tinabi ko. Di ko naman alam na di yan sa akin.. sa hotel ko na nadiskubre na doble pala yung charger ko.. bakit kasi nasa lapag…?" sita ko sa kanya.
Nag-isip muna siya bago sumagot. "Pangasinan.. A.. kasi, nagmamadali akong bumaba nun. Nung nasa stop-over. Ihing-ihi na ako nun. E kinuha ko yung wallet ko sa bag. Di ko siguro napansing nahulog.."
"Sorry ha.. E di hindi ka nakapag-text o nakatawag nuong Biyernes at Sabado..?"
"Yup. Kaya wala akong cellphone nuong mga araw na yon..". TING! Kaya pala di ko siya makontak. Syet!!! Plastik! Anyway, kaya pala nakasara ang cellphone niya nung sinubukan ko siyang tawagan. "Pero wala namang tatawag sa akin kundi office lang e.." sabi nito.
Tumango lang ako. "Ikaw? Tinawagan mo ba ako…?" tanong niya sa akin, nakangisi.
Nabigla ako sa tanong niya. "A.. e.. bakit naman kita tatawagan.. ? Wala akong number mo…tsaka ano naman ang sasabihin ko.." nalilitong sagot ko.
Isang malakas na tawa ang kanyang itinugon. "Anong wala kang number ko? E di ba miniss call mo ako..? So, me number ako sa’yo.."
Syet!!!! Pareho pala ang nasa isip namin. Eeeeeek! Nakakahiya! Nararamdaman ko ang unti-unting pamumula ng mukha ko. Di ko kinakaya ang sitwasyon!
"O, di ka na sumagot…?" si Ito.
"Close…?" sagot ko.
"Nagsusungit ka na naman? Lagi kang masungit kapag ako kausap mo.."
"E wala ka ng ginawa kundi mang-asar e.."
"Akala ko ba, makikipagsabayan ka sa pang-aasar sakin? Bakit di mo magawa ngayon…?". Umirap na lang ako bilang tugon. "He-he-he.. siguro, crush mo ko.." maya-mayang sabi niya.
Gulp! Nagiging obvious na ba ako? Umiwas na lang ako ng tingin. Dun ko napansing nakabukas pala yung TV at ang palabas ay ang pelikulang pinagbidahan nina Ashton Kutcher at amanda Peet – yung A Lot Like Love. Eto pa naman yung eksenang medyo na-touch ako sa linyang binitiwan nung character ni Amanda ke Ashton. Ang ganda ng timing! Di ako tumingin ng screen pero nakinig ako sa dialogue at paulit-ulit ko itong inulit sa isip ko.
"Actually, when you’re not willing to sound stupid, you’re not willing to be in love.."
Nailing na lang ako, sabay bulong – "Pssshh!".
"Ano yun?" si Ito, nakatanghod malapit sakin. Magkadikit na halos ang aming mukha.
"Ha?! Alin…?"
"Yun.."
"Aling yun…?" nalilitong tanong ko.
"Yung ‘psshhh’..? Bakit ka gumaganun…?"
"Ano? Nahihibang kan a yata e.."
"I heard it first dun sa terminal. Tapos naulit ngayon.. what’s with that…?"
"Ha?! A e.. wala.. wala lang.."
"You’re lying.. Sige na.. Ikuwento mo naman.."
"Wag na. Corny e.."
"Sige lang. Mahaba pa ang biyahe.. okey lang kung corni.."
Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Wala lang. Para siyang.." nangingiti ako sa pag-e-explain. "Kunwari, nagbabaril ako sa sarili ko.." sabi ko, sabay porma ng kamay ko na kunwari ay baril at itinutok ko sa akin ang aking hintuturo, nakatapat sa sentido, sabay sabi "Pssshh!" nahihiya kong paliwanag.
Natawa si Ito. "Ganun..?" sabay ulit ng ginawa ko. "Psshh!"
"Nang-iinis ka na niyan…" sagot ko.
"Yun lang pala yun, nahiya ka pa. E bakit ka nag-ganun.."
"Kasi, yung linya kanina sa pelikula.. yung ‘if you’re not willing to sound stupid, you’re not willing to be in love’. Nakakainis na nakakatuwa…"
"Bakit naman?"
"Basta.."
"Eto na naman tayo.. sige na.. explain.."
"Korni e.."
"Okey nga lang e.."
"Kasi I’m willing to sound stupid pero wala pa rin akong love.." nagmamadali kong sinabi sabay bawi ng tingin at humarap sa bintana. Medyo matagal akong walang narinig kay Ito kaya sinubukan ko siyang lingunin. Mataman siyang nakatingin sakin.
"Malay mo naman.." matipid niyang sagot.
"I know. I know. In time, may darating. Di pa ngayon ang oras. Someone better will come along.. pero minsan, you tend to think na what if you’re waiting in vain.. na wala naman pala.. di ba? yung mga what ifs.."
"So? E di kung wala, wala. Move on. Life doesn’t end simply because you are not in a relationship..".
Pabagsak akong sumandal sa upuan. Tiningnan ko si Ito bago ako nagsalita. "I don’t want to die not knowing how it feels to be loved.. di ba minsan, masarap yung may nag-aalala sa’yo.. me lumalambing..".
Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Ito. Kahit ako ay nagulat sa ginawa niyang iyon. "Astig!!! Ang korni ng linya mo pare! Ha! Ha! Ha!".
Para akong binuhusan ng malamig ng tubig. Shit! Bakit ba ako masyadong nag-o-open sa isang taong di ko kakilala. Yaiks!!! Ang jologs nga!
"Matutulog na ako uli.." tangi kong nasabi, sabay pikit. Nagtulug-tulugan ako. Pero patuloy pa ring umaalingawngaw sa isip ko ang ginawang pagtawa ni Ito. Ano ba ang iniisip mo!, sita ko sa sarili ko. Eeeek!!! Baka akala pa niya e me crush ako sa kanya!!! Ang pangit!!!
Naramdaman ko na lang na may tumutusok sa tagiliran ko. Pagdilat ko, nakita kong si Ito ay nakangiting nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay.
"Yung kanta mo.." sabi nito, nakangisi.
"Heaven knows love is just a chance we take
We make plans but then love demands a leap of faith
So hold me close and never ever let me go
‘Coz even though we think we know which way the river flows
That’s not the way love goes oh.."
"Di ko kanta yan.." sagot ko, sabay pikit.
"Anong hindi.. Di ba kinakanta mo yan nung papunta tayo ng Vigan.."
Nagmulat akong muli ng mata. Syet!!!! Talaga bang lahat ng kahihiyan ko, natatandaan nito!
"Hindi rin.."
"Anong hindi..? Di ba pinatayan ka nung driver ng radyo nuon.." natatawa nitong kuwento.
"Lahat na lang, natatandaan mo! Bigyan mo nga ako ng kahihiyan.." sabi ko sabay irap.
"E ang ganda nga ng boses mo e.. sige na.. sabayan mo naman.."
Mapakla akong ngumiti sa kanya. Napipikon na ako. "Matutulog na ako. Okey?!" sabi ko. Napansin ko na medyo nabigla siya sa madiin kong sagot. At duon, tumahimik na siya. Nagpupuyos ako sa galit. Sa sarili ko. Kay Ito. Sa bus. Sa driver. Sa konduktor. Kung kaya’t ewan ko kung paano ako nakatulog habang yung mga bagay na yun e bumabagabag sa isipan ko.
Di ko alam kung gaano katagal ako nakatulog pero nagising ako sa manaka-nakang kalabit sa akin. Pagdilat ko, si Vivian, nakalingon sa akin. Napansin kong natutulog sa tabi ko si Ito. Mahimbing.
"Sa Camachile ka na ba bababa, Kuya…?" mahina nitong tanong.
Pagtingin ko sa paligid, nasa Valenzuela area na kami sa expressway.
"Sa SM na lang. Dun na lang ako sasakay.." sagot ko. Ngumiti muna si Vivian, nilingon si Ito bago umayos ng upo.
Mabilis ang harurot ng bus, palibhasa, Linggo at maluwag ang kalsada. Dahan-dahan akong gumalaw para ayusin ang gamit ko. Tumayo ako upang abutin sa compartment sa itaas ang supot ng mga pasalubong ko. Di sinasadyang nagising si Ito sa paggalaw-galaw ko. Nilingon nito ang paligid sabay tingin sa akin.
"Nasaan na tayo..?" tanong ito. Di pa rin nawawala yung inis ko sa kanya kaya di ako sumagot. Nag-inat lang siya ng konti sabay tingin sa bintana. "Malapit na pala tayo sa Balintawak.." sabi nito. Di pa rin ako umimik. Nasa Camachile na ng muli siyang magtanong. "Saan ka bababa..?". Di ako sumagot. "Galit ka ba..?" muli niyang tanong. "Sa West".
"Galit ka..?" tanong niyang muli.
"Lets’ forget it, okey…?"
Nang lumampas kami ng Muñoz, tumayo na ako. Dahil nasa paanan ni Ito ang bag niya, inihakbang ko na lang ang paa ko para makarating ng aisle.
"Bababa ka na?" tanong ni Jane. Tumango lang ako. "Ingat.." sagot ni Jane.
"Ingat Kuya AJ.." si Vivian. Pati sina Lanie at Madz ay nagsabi ng ingat.
Makalampas sa kanila, di na ako lumingon. Nakasabit sa balikat ko ang knapsack na dala ko habang ang isa kong kamay ay bitbit ang supot ng pasalubong. Pagdating ng SM West, dun ako sumenyas sa konduktor na bababa ako. Pagbaba ko, nilingon ko sina Vivian at Madz na nakatingin sa akin mula sa upuan nila sa loob ng bus. Bumuntong hininga na lang ako. "Paalam Ito" bulong ko. Nyek! Mag-drama ba?! Pinigilan ko ang sarili ko pero di ko nagawa; sa huling pagkakataon, sinilip ko ang upuan sa likod nina Vivian upang muling masilayan si Ito. Pero wala ito. Nagulat pa ako ng makitang pababa rin Ito ng bus! Syet!!!

Chapter 7
"Ganun ka ba talaga?! Nang-iiwan…?!". Di ako nakaimik. Di ko man aminin, natakot ako sa kanyang pananalita. Di ko alam pero parang madiin ito. Nagtataka lamang akong nakatingin sa kanya. "O? Hindi ka na nagsalita?". Muli, di ako umiimik. "Akin na nga yan.." sabi niya sabay kuha ng hawak kong supot ng pasalubong.
"Hoy…"
Lumakad na siya papunta sa overpass ng SM nang lumingon. "O? Tara."
"Saan?"
"Nagugutom na ako. Alas-dos na. Mag-lunch tayo."
"Ha?! E di ako nagugutom.."
"Tara na. Kung wala kang pera, ililibre kita..".
"Ayoko ngang kumain e.."
Di na siya sumagot. Tuloy-tuloy siyang umakyat sa overpass. Wala na akong choice kung hindi sumunod dahil bitbit niya ang mga binili kong pasalubong. Nanduon na kami sa shaded area sa harap ng SM ng huminto siya at hinintay akong makahabol.
"Hindi naman ako kakain e. Ikaw na lang. Akin na yang supot ko. You go ahead.." sabi ko.
"Ako na nga ang bumaba dito sa SM para may makasama ka e. Do you know na dapat sa GMA pa ako bababa..?"
Nagulat ako. Aba! At nanunumbat pa! "Umm.. sorry.. pero di ko alam na bababa ka.."
Umiling lang si Ito at muling naglakad. Nakasunod pa rin ako sa kanya. Muli siyang lumingon. "Do you know that you’ve ruined my whole vacation?".
Nagulat ako sa kanyang tinuran. "Excuse me…?" tanong ko.
"You ruined my whole vacation. Nasira ang bakasyon ko sa Vigan because of you.."
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. "Excuse me?!"
"Tara. Kain na tayo.."
"Di nga ako nagugutom e. What do you mean I ruined your vacation? Honestly, you ruined mine!" sagot ko.
Isang tawa lamang ang sinagot niya. "Let’s go" matipid niyang sagot.
"Ayoko ngang kumain e.."
"I said let’s go".
Muli, sumunod na lang ako sa kanya. Sa Chef Donatello’s kami pumunta para kumain. Mabuti na lang at kahit Linggo, hindi masyadong maraming tao sa nasabing kainan. Umakyat kami ng second floor at tinungo ang Chef Donatello’s.
"Paborito ko kasi yung chili and cheese burger nila dito e.." sabi niya ng lumingon. Nakangiti na siya. "Table for two.." sabi niya sa receptionist sa pinto ng kainan.
Nung dinala kami sa table namin, ibinaba niya yung supot ko sa upuan. Uupo na sana ako ng yayain niya akong sumama sa kanya sa counter.
"Paano yung supot ko..?" sabi ko.
"Makikita natin yan duon sa counter. Ano ba?! Tara, mamili ka ng kakainin.."
"Di nga ako nagugutom e.."
"Kakain ka".
"Bakit ba mapilit ka?"
"Kakain ka. Sa ayaw mo’t gusto.."
Pareho na lang ang in-order ko sa kanya. Nagsabi ako na kanya-kanya na lang pero una siyang nag-abot ng pera sa cashier. Pagbalik ng mesa, pupuwesto sana ako sa upuang hiwalay. Yung mesa kasi namin e parang sofa ang upuan. May dalawang separate na upuan sa tapat.
"Tabi na tayo.." si Ito.
"Dito na lang ako.."
"You’re always making it hard.. are you always this stubborn..?"
Umupo ako sa tabi niya para wala ng usapan. "You’re the one who is stubborn, hindi ako" balik kong sagot.
"Lumalaki butas ng ilong mo kapag nagagalit ka.."
"I really need to go.." sagot ko.
"Nope. Pupunta pa tayo sa bahay. Malapit lang naman e. Sa me Tomas Morato.."
"High ka ba..? What’s with you..?". Ngumiti lang si Ito. Magkadikit kami sa sofa. Maya-maya, sumandal siya at inilagay ang braso sa sandalan ng upuan – para tuloy siyang nakaakbay sakin. Medyo nailang ako sa puwesto namin kaya bigla akong tumayo. Nagulat siya ng tumayo ako at nagtatanong ang tingin. "Kukuha lang ako ng catsup at pepper..".
Pagbalik ko, katabi na niya yung plastic bag ko ng pasalubong at sinisilip ang laman nito. Naupo na akong katapat niya.
"Close na talaga tayo noh..?" pang-aasar ko.
Nangingiti niyang inilabas yung keychain sa loob ng supot. Key chain ito na hugis penis. "Para sa’yo..?" nakangisi niyang tanong.
"Pasalubong ko iyan para sa mga officemates ko. Pakialamera?!" sagot ko sabay irap.
"Andami mong pasalubong ha. Parang balikbayan…"
"Lahat na lang pinapansin mo. Di mo ba naisip na baka mamaya, you can offend somebody na..?".
"Am I offending you..?"
"Yes. Kanina pa".
Isang ngiti ang kanyang tinugon. Ngiting parang nahihiya na pakyut. As in. Di ko alam pero parang lumundag ang aking puso sa pakyut na ngiting iyon. Syet!!! This is a Judy Ann moment!
"Will you accept my apology if I do apologize?".
Tumingin ako sa kanya. "As long as you’re sincere, why not..?".
"Sorry.."
Tumnigin ak osa kanya. Nakatingin pa rin siya na animo’y nagpapakyut. Nangingiti akong bumelat sa kanya bilang tugon.
Dumating na yung order namin kaya naputol ang aming pag-uusap. Hinati ko ang burger. Masyado siyang malaki e. Pagkatapos, binudburan ko siya ng garlic powder at paminta. Dun ko napansing nakatingin sakin si Ito.
"What…?"
"Wala. Ang dami mong seremonyas sa pagkain.."
"Hinati ko lang. I can’t eat this all. You’ll finish this other half.."
"Ubusin mo.." si Ito.
"I can’t. Masasayang lang iyan pag pinilit ko..". Kinuha ko yung tinidor at inilipat yung kalahati ng burger sa plato niya. "Di ba sabi mo yung like this burger.. E di ito, ubusin mo..".
Nakangiti siyang nakatingin sa ginawa ko. Maya-maya, kinamay niyang kinuha ang mga fries sa plato niya at inilipat sa plato ko.
"Para fair.." sabi niya.
"No…"
"I’ll finish your burger but you need to finish my fries.." nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko na lang siya. Nagkatinginan kami. Isang kindat lang ang kanyang itinugon sabay kagat muli sa kanyang burger.
"After this, punta tayo sa place ko.." maya-maya, binanggit niyang muli.
"I need to go home. Me pasok pa ako bukas".
"Sandali lang naman e. Para lang malaman mo kung saan ako nakatira.."
"And why do I need to know.."
"Para makadalaw ka.."
"Yeah right. Bakit? Me sakit ka..?"
Ngumiti lang siya. Pagkatapos, muli siyang nagsalita. "I already told you na you ruined my vacation right…?"
"Yeah. Kapal nga e.. You’re the one who ruined mine.."
"Ganun?"
"Yup".
"How..?"
Nabigla ako sa tanong niya. Ummm.. paano nga ba? "Ikaw muna. Why did you say I ruined your vacation..?"
Tumawa muna siya bago nagsalita. Inilagay niya ang kanyang braso sa mesa at inilapit sa akin ang kanyang mukha. Nyek! Serious.
"Because during that two days.. I can’t stop thinking about you.."
Pakingsyet!!! Emote!!! Teka! Baka joke time na naman ito.
"Ugok.."
"O, bakit..? You’re asking me pero nang sumagot ako, di ka naman naniniwala.."
"Because you’re lying.."
"I am not.."
"You are".
"If you’re not willing to sound stupid, you’re not willing to fall in love, right?".
Umiling lang ako bilang tugon.
"Did you contact me..?"
"Ano?" tanong ko.
"Did you try to contact me? You have my number right?"
"You also have my number, remember?"
"Did you? Alam mo naman na patay ang cellphone ko most of the time because of somebody who stole my ever reliable charger.."
"Stole…?" tanong ko.
"Okey. Okey. I misplaced it on the floor and somebody took it, thinking it was his.. Did you?"
Tumingin ako sa kanya. "I did. Pero.. pero.. mangangamusta lang sana ako.."
"I see.." tugon niya. "So, we were thinking of the same thing..". Tumingin ako sa kanya. "I tried borrowing chargers. I even tried buying one para lang maka-charge, thinking that you might call or text.."
"I only tried to call.."
"I even asked Nathan na ilagay ang sim card ko sa cellphone niya to check.. I don’t have your number since sa phone memory nakalagay yung log di ba..?. I waited".
"I only called. Baka mamaya, magmukha akong tanga kung mag-te-text ako e.. Ano naman ang sasabihin ko.. So.. so.. I just checked if your phone is open.. and.. and .. to tell you na baka nawalan ka ng charger.. yun! Tama! Yun pala yun..". Pagtingin ko sa kanya, nakatingin lang siya sa akin, nakangiti.
"Why the grin..?" tanong ko.
"Wala lang.."
"Dali. What’s with the grin..?".
"Kasi, namumula ka e.."
"I am not.."
"Yes you are.." sabi niya sabay abot sakin ng kutsara. Dun, nakita ko ang repleksyon ko. Namumula nga ako. Blush? Feeling!!!
"Mestiso ka pala.." sabi niya.
"Ugok.." sagot ko. Di na siya umimik pero muli, nakatingin lang siya sa akin.
Di ko ma-take ang mood. Kulang na lang, may mag-violin para amging romantic moment na ito.
"I guess fate is against us.." bigla kong sabi.
"I think not. Kasi, it brought me to you. Who would have thought na magkakasabay tayo pag-uwi.."
"Ito.. stop. This is weird.."
"Why? Because its fast.."
"Yeah.. Parang naliliyo yata ako e..".
"Well, di ba, love moves in mysterious ways.."
"Shut up. Ibalik pa ba iyon…?" angal ko.
"Listen. I like you. You being prayerful. You being maalaga. You being impatient sa pang-aasar ko. You snoring.."
"Yabang mo.."
"You singing.. Do you know that when we wentto St Paul.. yung simbahan sa me plaza.. korni man.. but I wished I’d see you again.."
Nagbaba ako ng tingin. Certified Judy Ann na ako ngayon. Feeling bidang artista sa isang feel good romantic movie.
"O, di ka na sumagot.." si Ito.
"You know naman why di ba…?"
"Why..?"
"Because I feel the same way.."
"E bakit pinahihirapan pa natin ang isa’t-isa.."
"Ayokong masaktan e.. You’re too good to be true.."
"Bull. AJ.. I like you.."
Ngumiti na lang ako. Bigla akong me naalala. Inabot ko ang bag ko sabay hagilap sa isa sa mga nakasuot knog pasalubong. Inilabas ko ang isang bracelet na shells na nabili ko sa Pagudpod.
"O, ako naman ang me kornig anecdote.." sabi ko. Nakangiti naman siyang nakikinig. "I bought this one thinking about you.." sabi ko sa kanya sabay abot ng bracelet. "Sigay shells. I have been looknig for this kind of bracelet e. It resembles the one worn by Brian Kenney.. yung characte sa Queer as Folk.."
"Ang layo huh.."
"Resembles nga e.. I just thought na ibibigay ko sa’yo if I’d see you again.." nahihiya kong sagot. Imbes na kunin, ipinatong niya ang kanyang kamay sa mesa, ipinasusuot sa akin ang bracelet. Pagkasuot, kanya itong tiningnan.
"Nice.."
"You like it?".
"Yup. Teka? Ako wala e. You know.. di kasi ako mahilig magpasalubong e.."
"Okey lang.."
"Wait.." sabi niya sabay bukas ng kanyang bag. Siya namang ngayon ang naghanap. Maya-maya, inilabas niya ang isang t-shirt. Iniladlad niya ito sa harap ko. Yung Horny Peter na shirt.
"Ano ‘to..?"
"For you.." sagot niya. "Pasensya na kasi nasuot ko na yan. Atleast, me amoy ko na.. he-he-he.."
"Are you sure binibigay mo sakin ito?"
"Yup. And if you’ll come with me sa bahay ko.. I’ll wore it in front of you. Wearing only this.." sabi ni Ito. Natawa ako sa tinuran niya.
"You know I can’t. I need to go home na" sagot ko.
"Kahit sandali lang. Wala pa yung mga housemates ko. Nasa Vigan pa.." sabi niya, nakangiti, animo’y nag-aanyaya. "Next time" sagot ko.
"Will there be a next time?" tanong niya.
"Ako sigurado. Ewan ko sa’yo.." tugon ko.
"I’m sure".
Napabuntong-hininga ako.
"Tara.." sabi inya sabay tayo. Nagulat ako.
"Hindi nga puwede e.." sagot ko.
"Ihahatid kita.".
"Huwag na".
"I insist. Ngayon pa na nakita kita uli.. di na kita pakakawalan pa.."
Tumayo na kami at tinungo ang Annex kung saan ako sasakay. Habang naglalakad, nagulat ako ng kanya akong akbayan. Napatingin ako sa kanya.
"Okey lang po ba..?" tannog niya, nakangisi.
"Ang alin..?"
"Ang umakbay?"
"Bakit naman hindi? E dun pa lang sa bus, gusto na kitang i-kiss e.." nang-aasar kong tugon.
"Why didn’t you?"
"Baka magalit ka e.."
"If in case you did.. e di humiwalay na tayo sa mga kasama natin nung nakarating tayo ng Vigan.. Bagal mo kasi e..".
"Ako?".
"Yes. You.."
"Ikaw nga itong walang ginawa e.."
"Ako pa.. E puro na nga pang-aasar ang ginawa ko sayo para maging close tayo e.."
Tumingin ako sa kanya. Umiling. "E love moves in mysterious ways di ba..? I guess dito talaga tayo patungo.."
Tumango lang si Ito. "Siguro..".
Nung dumating kami sa parking lot ng Annex para maghintay ng FX na sasakyan ko, kinuha ni Ito ang kamay ko.
"Text me okey..?" sabi niya.
"I will.." tugon ko.
Nagualt ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Sandali lang naman. Pero di ko maipaliwanang ang kilig, sarap at ligayang naramdaman ko ng panahong iyon. Paglayo ng aming mukha, nakangiti siyang nakatingin sakin.
"Why…?" tanong ko.
Inginuso niya ang matandang mag-asawa na nakapila rin sa hintayan ng FX. Napatingin ako at nakita kong nakatingin samin yung matandang babae, nakangiti. Nahihiya akong nagbaba ng tingin. Maya-maya pa, tinawag na kami ng barker para sumakay na sa dumating na FX.
"Ingat.." bulong niya sa akin.
"Ikaw rin.." sabi ko. Sa likuran ako ng FX tumungo para sumakay. Pati yung dalawang matanda, dun na rin umupo. Si Ito na ang nagsara ng pinto habang nakatingin sa akin. Puno na yung gitang upuan, pati yung tabi ng driver.
"Isa na lang.. isa na lang.." sigaw ng barker sa labas. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at sumakay si Ito sa upuan katabi ko.
"O? Sige na. Me sasakay diyan.." sabi ko.
"Ihahatid kita di ba?".
"Ano..?"
"Ihahatid kita hanggang sa Bulacan.."
"Ano..? No. Sige na, bumaba ka na.."
"Shhh.. sabi ko nga sa’yo, di na kita pakakawalan pa.." sabi nito.
Muling bumukas yung pinto ng FX at sumilip yung barker. "Kumpleto na ba..?" tanong nito.
"Oo. Maningil ka na ng makaalis na itong FX.." sagot ng matandang babae sa barker, nakangiting nakatingin sa amin ni Ito.
Ngumiti na lang kami ni Ito. Maya-maya, sumakay na rin yung driver at binuksan ang radyo.
"But still it's a mysteryHow you ever came to meWhich only provesLove moves in mysterious ways.."
Nagkatinginan na lang kami ni Ito. At sabay na tumawa.

End

"Love moves in Mysterious Ways" from the album "Nina Live".
"Di ka na mag-iisa" themesong from the telefantasya "Darna"

4 comments:

Unknown said...

Hahaha! nakakakilig

was this the "7-day-guy"? less than 7 days lang yata ang story.

Corny ka pala at romantico rin. i enjoyed reading naman! keep write more stuff uy, tagal na naman ng last blog mo.

i write stuff, but poems lang kasi di ko kayang magsulat ng ganun ka haba.

xxoo
hush_boi

Anonymous said...

I really loved this story. I always fantasized na may makakatabi ako sa bus, tapos in the end magiging kami. Na-imagine ko nga na nakatabi ko yung crush ko sa work on during a company outing eh. Really loved this one, kaso I think you stopped writing on your blog na eh.

milesDYOSA said...

Ang cute =) .., I read ur stories n salsalisihan sa bol pro d tapos kaya I searched it on google.. And ayun I find u blogsite.., ganda ng mga kwento mo =)

je_zboi said...

Nakakakilig pakshet