Saturday, August 27, 2005

(Story) SI RAF AT SI MIKE
by Jacques Cole



CHAPTER 1
June 18, Friday
9:00 pm. Kakauwi pa lang ni Raf galing sa opisina. Katulad ng nakagawian niya tuwing Biyernes, matapos maligo, nagsimula na siyang maglinis sa kanyang kuwarto. Ayaw na ayaw ni Raf na madumi ang kanyang kuwarto kung kaya't lagi niya itong nililinis kapag araw ng Biyernes. Pinupunasan ang mga gamit, nilalampaso ang sahig, nagpapalit ng kubrekama. Ginagawa niya ito habang nagpapatugtog ng cd. Ngayon, pinakapaborito niya ang bagong kanta ng Angels on Fire, ang "Find Me". May nabili siyang pirated cd nito at ito ang madalas niyang patugtugin sa kuwarto.
"I wish you would find me I’m lost in the dark
I want you to hold me with my broken heart
I journeyed through this world alone
And I hope someday I’ll find my way home
If only you’d find me.."
Pagkatapos, manunuod na siya ng TV. Buti na lang at may cable, palipat-lipat siya ng channel. Habang nanunuod ng TV, sisimulan na naman niya ang pagbubuhat ng weights. Pagkatapos ng Oprah, magbubukas naman siya ng PC para mag-check ng e-mail at magbasa ng mga naka-post sa yahoo group na kaniyang kinaaaniban. Ito ang daigdig na nakasanayan ni Raf. Simple. Ordinaryo. Boring kung titingnan ng iba. Pero sa ganitong daigdig siya masaya.
Sa kabilang banda, kasama ni Mike ang mga kaibigan niya sa Malate. Gimik Friday na naman ito para sa kanya. Ito ang daigdig na nakasanayan ni Mike. Party. Gimik. Happenings. Pagkagaling sa opisina, umuwi muna ng bahay si Mike para magpalit ng damit. Sa Greenbelt sila magkikita ng mga kaibigan bago tumuloy sa Malate. Bar-hopping. Ang attire, aba, dapat body fitting. Dapat, makakakuha ng attention. Yan ang rule na sinusunod ni Mike. Dapat, me hook-up. Di puwedeng wala. Kaya pagpasok pa lang ng bar, naghahanap na. Di naman problema ang makakuha ng ONS. Sa itsura ba naman ni Mike, sino ang makakatanggi. Pagpasok pa lang niya ng bar, nagtitinginan na ang mga ‘guys’. Naghihiwa-hiwalay sila ng mga kaibigan niya pag oras na ng hook-up. Nasa bar siya nuon, tumutugtog ang bagong awit ng Angels on Fire,
"I wish you would find me I’m lost in the dark
I want you to hold me with my broken heart
I journeyed through this world alone
And I hope someday I’ll find my way home
If only you’d find me.."
"Hi.." bati ng isang lalaki kay Mike. Katulad niya, class ang dating nito, nakaporma. Malaki rin ang katawan, halatang nagdyi-gym. Tiningnan ito ni Mike. "You look familiar.." sabi niya sa bagong kakilala. "Maybe you recognize me from TV. Artista ako e.." sabi nito. "Yeah. Dun kita nakita. So, are you with somebody.." pasimula ni Mike. Lumapit ang lalaki sa kanya. Nilapit ang bibig sa tenga ni Mike at bumulong, "I’m alone. And want to have some fun. Can you help me with that..". Dali-dali silang umalis ng bar at tumuloy sa condo ng bago niyang kakilala.

June 19, Saturday
9:00 pm. Pangatlong ulit ng binabasa ni Raf ang bagong Cosmo pocketbook, yung "No Boyfriend Since Birth". Tuwang-tuwa siya rito. Mula nung mabasa niya yung unang pocketbook na nilabas ng Cosmo, yung "Break-up Diaries", sinundan na niya yung iba pang mga pocketbooks na sumunod lumabas. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga insipirasyon niya sa pagsusulat niya ng mga love stories na gay ang tema. Kasi ba naman, wala namang nagsusulat ng mga gay-themed love stories na libro e. Hindi naman yung masyadong seryoso. Nakakatuwa nga yung medyo me pagka-comedy pa. Kaya nga nain-love siya sa mga istoryang gay love stories katulad ng "Bestfriend" at "Seasons of Love" na nadiskubre niya sa yahoo groups. Mag-aalas dose na ng tigilan niya ito, at buksan ang TV para panoorin ang reruns ng Friends at Sex and the City sa cable. Pagkatapos, muli niyang binuksan ang pc niya sa kuwarto para ipagpatuloy ang pagsusulat sa istoryang binubuo niya para i-post sa susunod na mga araw.
Muling nakatambay si Mike sa Malate. Nagcha-chat siya sa cellphone ng me maka-PM siyang isang guy na katulad niya ay nasa Malate rin ng mga oras na yun. Napagkasunduan nilang magkita. Taga-Makati rin pala yung guy na kanyang ka-PM kaya’t nagdesisyon silang pumunta sa bahay ni Mike at dun ipagpatuloy ang kanilang "pag-uusap". Dalawang oras matapos silang makarating ng bahay, umalis na ang bisitang lalaki ni Mike. Di niya nagustuhan ang "performance" ng lalaki kaya naisipan ni Mike na makipag-chat sa pc at baka dun makahanap ng panibagong ka-eye ball. Habang tuloy-tuloy ang pagcha-chat niya, naisipan rin niyang i-check ang yahoo group posting na kinaaaniban niya. Napansin niyang may mga bagong posting na kuwento kung kaya’t binuksan niya ito. Nainis nga lang siya ng magbukas ng isang kuwento ng isa sa mga writer na lagi niyang sinusubaybayan. Ang ikinadismaya niya, kuwentong romatiko na naman ito. Di niya napigilang i-private e-mail ang author at magtanong kung kelan ito gagawa ng panibagong istorya na mahalay ang tema. Di rin nagtagal, nakakilala na naman siya ng mga panibagong kakilala sa chatroom at nagplanong makipagkita sa mga ito sa lalong madaling panahon.
June 20, Sunday
9:00 pm. Habang nanunuod ng programang Will and Grace, sinimulang ayusin ni Raf ang mga damit na kanyang isusuot sa Linggong darating. Pinaplantsa niya ang mga pang-itaas at mga pantalong kanyang isusuot sa opisina. Aayusin niya ang kanyang gamit na dinadala niya sa opisina. Pagkatapos, kaniya namang pipiliin kung ano ang underwear, medyas at panyo ang gagamitin kinabukasan para di na siya maghanap pagkatapos maligo sa umaga. Muli na naman niyang pupunasan ang mga gamit sa kuwarto na may alikabok, muling aayusin ang mga gamit niya sa study table, mga gamit sa bawat drawer, magtatapon ng mga basura at panghuli ay magbubukas ng pc para i-check ang kanyang e-mail at mga postings sa yahoo group. Doon niya nakita ang private e-mail ng isang member. Nagtatanong ito kung anong nangyari sa kanya at bakit pulos love story ang kanyang pino-post. Nangiti si Raf sa nabasa. Binuksan niya ang my doc sa computer at tiningnan ang mga files niya- mga istoryang gay-erotica ang tema pero pulos simula lamang ang nagagawa niya. Idea lamang ang nakasulat. At siya’y nag-isip kung kelan niya ito tatapusin.
Pagkatapos mag-dinner kasama ng mga kaibigan, mag-isang naglibot na naman si Mike sa Greenbelt. Kapansin-pansin ang mga lalaking nagnanakaw ng tingin sa kanya, ang iba naman ay nagpapahiwatig. Habang siya ay nagko-coffee sa isang cafe sa loob ng mall, napansin niya ang isang binatang nakatingin sa kanya at nakangiti. Ngumiti rin si Mike, at di nagtagal, lumapit ang binata at nagtanong kung may kasama siya. "Wala", sagot ni Mike. Maya-maya, niyaya ng binata si Mike sa labas. "Puwede ka ba?" tanong ng binata kay Mike. "Saan?" tanong nito. At makalipas ang ilang oras, nakatapos silang magtalik sa bahay ng lalaking nakilala niya sa mall. Pauwi na siya ng magtext ang lalaki. "Thanks for the wonderful night. Kelan kaya mauulit..?". Ngumiti lang si Mike. At inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Bukas ay simula na naman ng trabaho. Limang araw na naman ng trabaho. Sana weekend na lang parati.

CHAPTER 2
Pink Film Festival.
Plano na ni Raf na manuod ng pelikula ng Pink Festival sa UP. Atleast malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan. Sabado yun kung kaya’t naisipan niyang pumasok sa opisina’t mag-overtime. Bandang alas-tres, nag-prepare na siyang umalis para bumili ng tiket. Siguradong maraming tao, lalo na’t mga estudyante sa UP ang manunuod kaya’t in-expect na niya na siya ay pipila ng matagal.
Kumain muna siya sa Philcoa bago tumungo ng UP Film Center. Medyo nagsisiumla ng umulan ng hapong iyon. Pagdating sa Film Center, katulad ng inaasahan, madami na ngang tao. Pagkatapos makabili ng tiket, naisipan niyang magbasa na lang ng diyaryong dala niya since wala pa namang pila para sa pagpasok. Dun niya napansin ang isang lalaking nakatayo. Guwapong-guwapo ang lalaki. Matangkad, siguro mga nasa 5’10. Mag-isa lamang ito at makikita mong pinagtitinginan ng mga katulad niyang mga mujer at silahistang naroroon para manuod ng pelikula. Natatawang binalikan ni Raf ang pagbabasa. Tama ba namang magtatawag sa cellphone sa gitna ng mga taong ito, sabi ni Raf sa sarili. Nagpapapogi, palibhasa, alam niyang pagtitinginan siya! Pero kahit ganun ang kanyang iniisip, di pa rin mapigilan ni Raf tingnan ang lalaki. Mukhang iritado na ito sa ginagawang pagtawag sa hawak na cellphone. May naisip si Raf. Nagkunwari siyang nagbabasa ng text habang nakatutok ang kanyang cellphone na me camera sa lalaking nakatayo.
Click.
Pinagmasdan niya ang kanyang kuha. Malabo, palibhasa e tuloy-tuloy sa paglakad ang lalaki habang tumatawag. Isa pa uli. Muli siyang nagkunwang nagtetext at ipinorma ang cellphone para makuhanan ang lalaki.
Click.
Pagtingin niya, medyo mas malinaw na ang kanyang kuha sa binata. Subalit napansin niyang nakatingin sa kanya yung isang guy na nakatayo malapit sa kanya. Nakita pala nito ang ginagawa niyang pagkuha ng picture sa lalaki. Pairap na itinago ni Raf ang cellphone sa bulsa at muling binalikan ang pagbabasa ng diyaryo.
Iritado na si Mike sa katatawag sa mga kaibigang dapat niya sanang i-meet dito sa UP para manuod ng pelikula sa Pink Film festival. Usapan nila ay 4 pm magkikita sa may Main Library pero di pa rin sumisipot ang mga ito. Sinubukan niyang tawagan pero di naman sinasagot ang mga telepono. ‘Langhiya’, sabi ni Mike, ‘mukhang ginud time ako ng barkada’. Bago pa uminit ang ulo, bumili na siya ng tiket at nagplanong manuod mag-isa kung sakaling walang darating na barkada niya. Malay natin, dito pa ako makakilala ng good time ko mamayang gabi, bulong niya sa sarili. At ganun nga ang nangyari. Nagsimula na ang pagpila hanggang sa pagpapapasok ng mga manunuod sa sinehan, wala pa rin siyang nakausap mula sa barkada.
---------------
Malakas ang ulan pagkatapos ng pelikula. Maraming tao ang naghihintay ng mga kani-kaniyang sasakyan sa labas ng film center. Alam ni Raf na mahihirapan siyang makipag-agawan ng taxi kung sasabayan niya ang mga taong galing din sa panunuod, kung kaya’t kinuha niya ang kanyang payong sa loob ng bag, at sinimulang maglakad. Plano niyang lumayo ng konti sa mga iba pang nanuod, dun sa lugar na konti ang tao, at mag-abang ng taxi.
Honk! Honk! Honk!
Nabigla si Raf sa biglang pagsulpot ng kotse. Patawid siya ng kalsada ng biglang bumulaga ang kotse! Hahabulin sana niya yung taxi na nasa kabilang kalsada pero napahinto siya sa pagsulpot ng kotse.
Tiningnan ni Raf ang kotse. Sumimangot. "Tama ba? Porke me kotse e apihin na ang mga ordinaryong commuters!" bulong niya sa sarili. Sa pagkakatingin sa loob ng sasakyan, napansin niya na sakay nito yung lalaking kanina e may kausap sa lobby ng film center! BMW! Wow, mayaman! Muli na lang siyang bumalik sa gutter, at pinaraan ang sasakyan. Yabang!, muli niyang bulong. Nilakad niya hanggang College of Music ng makakita siya ng taxi na galing sa me Vanguard. Dali-dali siyang sumakay. Patuloy pa rin ang malakas na ulan. Madilim na ang paligid pero nagdidilim na rin ang kanyang paningin sa gutom. Baka matrapik pa siya kung siya ay lalayo para kumain. "Manong, sa Philcoa ho..".
Medyo iritado pa rin si Mike sa di pagsipot ng mga kaibigan sa UP pero naaliw naman siya sa pelikula. Nasa kalagitnaan ng palabas ng maalala niyang di pa pala siya kumakain. Kaya’t pagkatapos ng palabas, dali-dali siyang lumabas para pumunta ng sasakyan. Natatawa siya dahil may mga matang nakatingin sa kanya sa loob pero di niya pinansin. Nagugutom na talaga siya at ang prospekto ng sex laban sa gutom e di niya kayang tiisin ngayon. Sinara niya ang cellphone niya sa pagsisimula ng palabas. Ngayong nasa sasakyan sa siya, at binuksan ang cellphone dumating ang mga texts ng barkada. Sinisilip niya ang kanyang cellphone ng biglang may tumawid sa kalsada. Dahil maulan, di niya agad ito napansin. Tinahak niya ang Philcoa at nagplanong dun na siya kakain. Nahirapan siyang mag-park kung kaya’t natagalan pa siya sa pagbaba. Sa Jollibee na lamang siya pumasok dahil kahit papaano ay malaki ito kumpara sa ibang kainan. Sigurado siyang may mapupuwestuhan.
Maraming tao na rin sa loob. Natagalan din si Mike sa pagpila. Pero tiniis na niya ito para naman busog siya pagbiyahe niya pabalik sa Makati o di kaya kung gigimik siya sa Malate. Nagyayaya yung isa nilang kabarkada na dun na lang sila magkita, at ite-treat siya nito dahil sa ginawang nilang pang-iindiyan sa kaniya. Makatapos maka-order, marami pa ring tao sa loob. Naisipan na lang niyang maki-share ng table.
CHAPTER 3
"Excuse me.. puwedeng maki-share?" sabi ni Mike. Mula sa pagkakayuko, nagtaas ng tingin si Raf sa nagsalita. "Sure", sabi niya sabay tango. Single lamang ang mesa. Pandalawahan. Kaya medyo inayos ni Raf ang pagkalagay ng pagkain niya sa mesa para maibaba ni Mike ang tray niya sa mesa at isa-isang ibaba ang pagkain. Malakas pa rin ang ulan sa labas at punong-puno ng tao ang Jollibee Philcoa. Kahit nga sa labas ay may mga taong nakatayo, naghihintay ng pagtila ng ulan.
Umupo si Mike sa upuan at nagsimulang kumain. Tahimik ding kumakain si Raf. Pinansin ni Raf ang kumakain. Guwapo. Maputi. Maganda ang katawan. Artistahin. Hay naku, bulong niya sa sarili, katulad ng mga lalaking nagiging "crush" niya pero alam niyang di niya maaangkin. Teka, ito pala yung lalaking tinitingnan ko kanina sa film center e. Yung guwapo na nakikipag-usap sa cellphone sa labas. Shucks! Ang cute, puri ni Raf sa kaharap. Bigla siyang napangiti sa naalala. Di sinasadyang pag-abot niya ng kanyang soft drinks, natabig niya ito at tumulo sa mesa. "Shit.." nasabi ni Raf, sabay kuha ng tissue at ipinatong sa tumapong Coke para huwag na itong magpatuloy sa pagtulo sa mesa. Napansin niyang nakatingin sa kanya yung lalaking nakiupo. "Sorry ha. Natapunan ka ba..?" tanong niya.
"No. Di naman. Ikaw? Okey ka lang..?" tanong ni Mike sa kaharap.
"Yeah.. sorry again.." si Raf, sabay salansan ng mga basang tissue sa bahagi niya ng mesa. Nakakahiya, bulong niya sa kanyang sarili. Minadali niya tuloy ang pagkain ng natitirang spaghetti at hamburger.
"Dahan-dahan lang. Nagmamadali ka ba..?" si Mike. Nagulat si Raf sa tinuran ng kaharap. Napatingin siya rito. "Baka mabulunan ka niyan. Wala ka ng inumin..", sabi nito, sabay turo sa plastic cup niya na wala ng laman. Nakangiti si Mike, na lalong nagpakaba kay Raf.
"Ummm.. ok lang.." si Raf. Medyo nahihirapan siyang lumulon, lalo na sa atensyong ibinibigay nito sa kanya. Nangingiting kinuha ni Mike ang plastic cup ni Raf, sabay sinalinan ng iced tea mula sa plastic cup nito. Nabigla si Raf. Ang cute na, ang bait pa..!
Ngumiti na lang si Raf. "Salamat".
"Okey lang. Marami rin naman e" si Mike.
Inabot ni Raf yung baso at nagsimulang uminom. Biglang nagsalita si Mike. "Were you watching the movie sa film center awhile ago? Parang familiar yung mukha mo?".
"Yup. Were you there?" tanong ni Raf. Siyempre, kahit kabisado na niya ang mukha nito sa pagkakatitig niya kanina, naisip niya na ring magtanong. Para di obvious.
"Yeah. I was supposed to be with some friends, kaso, inindyan nila ako. Rather than masayang yung pagpunta ko rito from Makati, I decided to watch the movie na rin. It was nice naman, di ba?" sabi ni Mike.
"Yeah. Okey na rin. I was kinda expecting more, especially with the reviews na nabasa ko. But still, enjoy naman.." sagot ni Raf.
"Are you a film critic?"
"No.." natatawang sagot ni Raf. "Just a film enthusiast..".
"Oh.. Me, I just like watching films, especially yung mga artistic. Artistic, and gay-themed.. he-he-he.." balik ni Mike. "Nga pala, mag-isa ka lang?" tanong nito muli.
Tumango lang si Raf.
"Aw, shit..", sabi ni Mike, pinunasan ng tissue ang kamay sabay lahad nito sa harap ni Raf. "I'm Mike..".
Nagulat muli si Raf. Pagkatapos ay inabot ang kamay ng kaharap. "Raf..".
"Short for Raphael..?"
"Yup. You, Mike.. short for Michael?" tanong ni Raf.
"No. Short for Michael Angelo Gregorio San Miguel.." sagot nito, sabay ngiti. Tinuloy ni Raf ang pagkain. Nagsisimula na naman siyang mahiya.
"I also read a few reviews about the movies shown in the festival. Sa internet.. yeah, sa internet. Sa yahoo group yata.." tuloy-tuloy na sabi ni Mike.
Tumingin si Raf kay Mike. "I've read some sa newspaper. But I was also able to browse sa internet. Yeah.. sa yahoo groups din..".
"I'm a quiet member of several groups.."
"What do you mean quiet..?" si Raf.
"Kasi, the group that I belong to publishes stories.. tama ba, publish?.. anyway, they post.. tama, post.. stories for the members to read.. some react on stories posted. Ako, wala, nakikibasa lang".
"E di magpost ka rin. Stories? What kind of stories: fiction, adventure, horror..?" si Raf.
Ngumiti si Mike. Medyo nahihiyang sumagot. "Actually, it's a gay group. Obviously. It’s mostly gay erotica. That's what they call them. Yung mga pornographic. He-he-he.."
Nangiti si Raf sa tinuran ng kaharap. "Really? Me too. I'm a member of a group with that nature.."
"Cool. Atleast, we love gay porn. He-he-he.. Literary gay porn.." sagot ni Mike.
"Have you tried writing one?" tanong ni Raf.
"No. I can't. Ano naman ang isusulat ko.. di ako marunong.."
"Anybody can write. Write your own experience. Atleast, madali na yun. Through memory lang, makakatapos ka na ng isang story.."
"I'm not patient in writing e. Mas gusto ko pa yung actual.. he-he-he.. hey, joke lang yun ha.."
"Okey lang yun," si Raf.
"Have you written anything?" balik na tanong ni Mike.
Hindi agad nakasagot si Raf sa tanong. Nag-alangan. "Yup. I did. Before, I was only reading yung mga sinulat nung writer na si Rigortiz.. do you know him? He’s famous sa gay groups. And the rest of his groups' writers.. marami to mention them all...but they are all good. Then I thought of writing a story.. fiction.. I post it sa group and then, I received nice comments. Ayun, tinuloy-tuloy ko na..".
"Really? Wait, Rigortiz? Yeah. I read his stories sa group niya e. Good one. Kaso, I kinda feel na his group is running out of erotic stories. Kasi, madalas, its mostly romance stories.."
"I'm a member of his group. And no, they’re not running out of stories. Di naman ganun kadalas yun e. And I think posting romantic stories are okay for the group. At least, me variety ang nababasa ng members. Meron na ring poetry, opinions..." depensa ni Raf.
"Yeah. But I guess mas maganda kung bumuo na lang ng isang group for the 'sweet dreams' style ng stories..".
"Some group members enjoy the variety. Tsaka you have the option naman to read it or not di ba. Just one click.." namuwestra pa si Raf ng pag-click ng mouse.
"Maybe. To be honest with you, I actually e-mailed one author. Private mail. I liked his stories before, but at present, he had been writing stories na love story. It's kinda boring. I told him to write gay erotica na. Di na siya sumagot..".
Tumango lang si Raf. "Mahirap ang magsulat ha. And he's doing it for free. So be kind..".
"I was," sagot ni Mike.
Binalikan na nila ang pagkain. Muli na namang natahimik. Bigla, nagsalita si Raf.
"Wait! You e-mailed the author? About him writing gay love stories?", napangiti si Raf. "Don't tell me.. you're Aragorn?" tanong ni Raf.
Papainom sana ng iced tea si Mike. Ngunit nagulat siya sa tanong ni Raf kaya bigla siyang nahirinan!
"Ooops.. sori.." biglang sabi ni Raf.
Matapos mahimasmasan, nakangiting nagsalita si Mike. "How..? You're..? No!"
Nakangiti si Raf. "I am".
"So, you're the famous Jacques Cole..?"
"I am Jacques Cole. But not famous.." paglilinaw ni Raf.
"What a small world! Oooops, shit.. did I offend you about my mail..? It was actually blah-blah-blah.. mostly nonsense.."
"Non-sense? E awhile ago, you're constantly repeating na dapat, tigilan na yung pagsusulat ng gay love stories di ba..?" si Raf.
"Well.. umm.. sorry ha".
"It’s ok. I respect your opinion.. So, you liked my stories ei.."
"Yeah. They used to be good".
"Kaso nga, ayaw mo ng love story.. and what do you mean ‘used to’.."
"Di naman sa ayaw.. wait.. we're going in circles e. Our argument, I mean. Akala ko ba you respect my opinion..?" sabi ni Mike.
"I do. Okey, erase..erase.."
"Bakit nga ba hindi ka na nagsusulat ng bastos? Bakit love story na trip mo ngayon..?"
"Ewan. Before kasi, writing gay erotica had been a therapy. My way to compensate for my lack of sex life. Ngayon, writing gay love stories had been my way to compensate for the absence of romance in my life..".
"Ows.. "
"Believe it."
"No boyfriend?"
Tumingin si Raf kay Mike. Tumango. "Well, it's a curse.."
"Ano yon? Nakakatakot naman.."
"Basta. Hayaan mo, to celebrate our meeting - I'll write a story. Bastos. Just for you".
"Talaga?. Wow. A story dedicated to me..". Tinapos nila ang kanilang kinakain. Sabay silang lumabas ng Jollibee. Tumila na ang ulan. Ambon na lang.
"So, where are you going na..?" si Mike.
"I'm going to SM North. Dun ako sasakay pauwi".
"Hatid na kita. Maulan. Baka mahirapan kang sumakay".
"Makati ka pa di ba? Wag na. Malalayo ka pa. Taxi na lang ako..".
"No. I insist. You're doing me a favor by writing me a story. Yun na lang ang magagawa ko.." Ngumiti lang si Raf. Kung anu-ano pa ang kanilang pinag-usapan habang tinatahak ng kotse ang Visayas Avenue papuntang SM North. Dumaan sila sa likod ng SM, papunta sa Quezon City Science, hanggang makarating ng SM Annex.
"Dito na lang ako. Salamat ha. Puwede mo ng diretsuhin yan, tapos kakanan ka. Konti na lang, puwede ka ng mag-U turn".
"Okay. I can manage" sagot ni Mike, nakangiti.
"Nice meeting you", si Raf.
"You too".
Bumaba na si Raf. Pinagmasdan niya ang sasakyan habang ito ay umaandar palayo. Tsk.. di ko man lang nakuha ang cellphone number niya, sabi ni Raf sa sarili. E di naman niya in-offer e. Muli, kanya na lang inisip na ang mga tipo ni Mike ay mga lalaking di niya maaaring maangkin. Mga pangarap lamang.
CHAPTER 4
It was another weekend. Three weeks after manuod si Raf ng movie sa Film Center. Pumunta siya sa Megamall para bumili ng bagong printer para sa bahay. Discounted kasi. Hapon na yun, at bitbit niya ang biniling printer papunta sa Building A para dun sumakay. Malapit sa bilihin ng printer ang sinehan sa Megamall kaya sinilip muna niya ang mga pelikulang palabas ng araw na yun. Wala siyang nagustuhan kung kaya nagplano na siyang umuwi. Bigla niyang napansin ang isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan, nagbabasa ng text. Namukhaan niya ito - si Mike!
"Uyy!" nasabi niya ng magtama ang kanilang paningin. Namukhaan din naman siya nito, at ngumiti.
"Raf di ba..?" balik bati nito.
"Yeah. Kumusta na? Ano ginagawa mo rito? Ang layo ng Makati dito ah.."
"Eto. I'm waiting for somebody e. Dito kami magkikita. Kaso wala pa."
"A, ok," nasabi ni Raf. Muling nag-ring ang cellphone ni Mike. May message. Tiningnan nito ang kanyang cellphone.
"Tsk.." narinig niyang sabi nito.
"Sige, I'll go ahead na. Ingat", maikling sabi ni Raf sabay tapik sa braso ng lalaki.
"Huh? A, sige, ingat na rin.. pa-saan ka na niyan?" tanong nito, sabay tingin sa bitbit niyang kahon ng printer, pagtapos ay nagsimulang magtext.
"Pa-Quezon City na. O, ingat sila sa'yo ha" muling nasabi ni Raf, nakangiti, sabay talikod.
"Sige, pre, ingat din ha.."
Nagsimula ng lumakad papalayo si Raf. Mga ilang hakbang pa lamang siya mula sa kanina ng maisip niyang bumalik. Gusto niyang magtagal pa ang pakikipag-usap niya kay Mike. Pero alam naman niyang may imi-meet ito. Gusto sana niyang hingin ang cellphone number nito pero bigla siyang nag-alangan. Nahiya. Paano kung tumanggi ito? Di bale, bulong niya sa sarili. Atleast, sinubukan niya. Alam naman niyang di siya gusto nito. Pero susubukan na rin niya. Aabutin na niya ang langit niya, kahit alam niyang di ito maaari. Lumingon si Raf sa kanilang kinalulugaran ni Mike. Pero wala na ito.
Muli siyang lumakad papalayo. Destiny siguro na di talaga kami magkakilala.
"Raf! Raf!"
Lumingon siya sa tumawag. Si Mike. Humabol sa kanya.
"O.. bakit..?" tanong ni Raf.
"Pa-QC ka? Sabay ka na sa akin. Pupunta na rin ako ng QC. Me dadaanan ako.."
Nagulat si Raf. Bumilis ang pintig ng puso niya. "Akala ko me imi-meet ka ngayon?" tanong ni Raf dito.
"Wala e. 30 mins na, wala pa rin. Hayaan mo na siya. Tara.." sabi nito sabay abot ng kahong hawak niya.
"A.. no, ako na lang.. nakakahiya naman sayo".
"Okay lang. Mukhang kanina ka pa bigat na bigat diyan e."
"Hindi. Kaya ko pa.." sabi ni Raf.
Kinuha pa rin ni Mike ang kahon. "Ako na", sabi nito sabay abot sa kahon. "Magaan lang naman pala e". Tinahak nila papunta sa parking lot. Andun ang kotseng BMW ng binata. Kulay Gray. Napapikit si Raf. Naaalala pa niya ang unang pagkakataong nakita niya ang kotseng ito sakay ang guwapong-guwapong si Mike. Pagsakay nila, bigla nag-ring ang cellphone ni Mike na nakapatong sa dashboard. Inaayos pa ni Mike ang paglalagay sa printer sa likod ng kotse.
"Pakitingin naman pre.." sabi nito kay Raf.
Inabot ni Raf ang cellphone at tiningnan. 1 message received. "Me message ka bossing.."
"Ok," sabi ni Mike. Sumakay siya sa driver's seat, pagkatapos ay inabot ang cellphone at binasa ang message. Bigla itong natawa. Tumingin naman sa kanya si Raf na nakaupo sa passenger's seat. "Hinahanap ako. Andyan na raw siya kanina pa..", sabi nito. Nakatingin si Mike sa cellphone at malakas na binasa ang text, "I'm so horny right now I need some fucking. Where ka na ba?.." patuloy nitong pagbabasa, tumatawa. "Ang gago, kinakati..".
"You know, ok lang sakin sumakay ng bus to go to QC. Or I can just take a taxi. You have plans.. ayokong masira plano mo.." sabi ni Raf.
Tumingin sa kanya si Mike. "No. Hayaan mo siya. Marami pang araw. I'll fuck him some other day. Let's go" tugon nito.
Habang tinatahak nila ang daan, katahimikan. Maya-maya, binuksan ni Mike ang radyo. Biglang tumunog ang isang pamilyar na kanta.
"I wish you would find me I’m lost in the dark
I want you to hold me with my broken heart
I walked around this world alone
And I hope someday I’ll find my way home
If only you’d find me.."
"You know, I really liked this song.." basag ni Raf sa katahimikan.
"Really? Ako, ok lang. It’s kinda cheesy but okay naman" sagot ni Mike.
Napabuntong-hininga si Raf. Tumingin sa labas. Nasa fly-over na sila ng
Ortigas at mula sa bintana, natatanaw niya ng Our Lady of Edsa.
"You okay?" tanong ni Mike.
Di pa rin inaalis ni Raf ang tingin sa rebulto. "Yup..".
"Sounds that you're not.."
Tumingin si Raf kay Mike. "Shucks..." kinuha niya ang panyo sa bulsa at dali-dali pinunasan ang namuong luha sa mata. "Nyee.. ang korni.. basta.. this is going to be my love song.. di pa rin niya ako nakikita e...".
Ngumiti si Mike. "Maybe its not yet time? For him to find you, I mean..".
"Siguro.."
"Nga pala, I almost forgot. I read na the story dedicated to me. Mike
and Angel ang title. Funny, kasi you situated pa na nag-meet sila sa UP before they did it.. after watching Intermates. He-he-he.."
"It's the least I can do.. hinatid mo ako hanggang SM remember.."
Muling nanaig ang katahimikan sa pagtahak nila ng EDSA. Nang makarating na sila ng North Avenue, pinasok ni Mike ang kotse sa loob ng SM North.
"Wanna eat..?" tanong ni Mike sa katabi.
"No. I'm really tired. And I’ve really taken so much of your time. Sige, dito na lang ako. Ingat ka sa pag-uwi.. or kung saan mo man planong pumunta.." si Raf, pilit ang ngiti.
"Ok. Sige, ingat na lang.."
Pagbaba ng sasakyan, kinuha ni Raf yung kahon ng printer mula sa likod. Pumunta siya sa tabi ng kotse at kinatok ang bintana. Binaba ni Mike ang bintana ng kotse at lumapit sa pinto ng passenger’s seat.
"Salamat uli. Ang laking abala ko sayo.."
"It’s ok. Me pupuntahan pa ako diyan sa Teacher's Village.."
"Sige, ingat uli..".
Aandar na sana ang kotse ng hinabol ito ni Raf at kinatok muli ang bintana.
Binaba ni Mike ang bintana, naghihintay ng sasabihin ni Raf.
Huminga muna ng malalim si Raf bago nagsalita. "Sensya na. I just have
to say this..". Nanginginig ang boses ni Raf nang magpatuloy. "I liked you. A lot. But I'm afraid you might reject me..". Di makatingin ng diretso si Raf sa kausap. Kinakabahang-nahihiya . "I'm sorry I have to say that.. but I just want to know.. ummm.. if… if.. if you feel the same for me?"
Di nakapagsalita agad si Mike. Nakatingin lang ito kay Raf. Parang oras ang lumipas bago narinig ni Raf ang sagot ng binata. "Raf.. I'm .. I'm sorry.. but no..".
Nagbaba ng tingin si Raf. Agad niyang kinuha ang printer, at dali-daling tumawid papasok ng mall. Nagmamadali ring tumalilis ang kotse palayo.
CHAPTER 5
Lunchbreak nuon kaya naisipan ni Raf na sa Greenbelt na mananghali. May research siyang kailangang gawin para sa opisina, at sa library sa AIM niya makukuha ang mga materials na kanyang gagamitin. Pagpasok pa lang niya sa Greenbelt, di pa rin maalis sa isip niya si Mike. Di ba, sa Makati ito nagtatrabaho? tanong niya sa sarili. Kalahati ng isip niya ay umaasam na sana ay magkrus muli ang landas nila ni Mike. Kalahati naman ang nagdarasal na sana ay huwag na silang magkita. Halos apat na Linggo na ang nakakaraan matapos silang magkita sa Megamall at maganap yung pagsasabi niya rito ng kanyang nararamdaman. May kurot pa rin sa puso ang ala-alang tinanggihan siya nito pero, sabi nga niya sa sarili niya, atleast, alam niyang wala siyang pagkukulang. At tuluyan na siyang nag-move on. Napatingin siya sa grupo ng mga empleyadong kumakain sa malapit na table ng bigla niyang matanaw si Mike, kasama ang ilang kaibigan! Mabilis na nagbaba ng tingin si Raf at sinimulang kumain. Alam niyang si Mike ito. At nakita siya nito.
"Raf?" sabi ng tinig ng lalaking lumapit sa kanya.
Nagtaas siya ng tingin. "Mike. Kumusta..?".
Naupo si Mike sa upuang katapat niya sa mesa. "Eto. I was having lunch with my officemates ng makita kita. I was trying to catch your attention pero may iniisip ka yata. Kumusta na..?" sabi nito, nakangiti. Bakit ka pa lumapit, bulong ni Raf sa sarili. Naguwa-guwapuhan na siya dati pa kay Michael pero mas guwapo ito ngayon. Naka-long sleeves na maroon, na lalong nagpatingkad ng kaputian nito. Naka-neck tie.. Aaaaaaaagh?!
"I was doing a research sa AIM. Naisipan ko lang na dito na mag-lunch. Gusto mo..?" alok niya rito ng fries.
"No. I'm ok. Umm.. so, okey ba yung printer..?"
Printer? Bigla niyang naalala. "Yeah. Umaandar naman."
Katahimikan.
Maya-maya, "Raf.. about the last time we met, yung sa Carpark ng SM?".
"It’s all water under the bridge na Mike. Wag na nating balikan.." si Raf.
"Wait. I just want you to listen.. listen to me okay.."
Tumahimik si Raf. Hinanda ang sarili sa maririnig.
"It was not supposed to come out that way? Ummm.. it's not that it means no - I don't like you.. its just that.. its just that.. Di kita kasi makita as a boyfriend material e.. more of a friend.. platonic.."
"Mike, you don't need to explain".
"Ssshhh? I'm not yet finished. I was surprised when you said that.. and I didn't want to hurt your feelings.. so, I tried to be honest at that moment.."
"You were.." madiing tugon ni Raf.
"But I never meant to hurt you. And honestly, I tried looking for you sa mall that day.. night, actually.. I didn't want us to end the day you feeling bad about me.."
"I'm okay na Mike. Please stop.."
"Pero di nga kita nakita. I also tried twice going back to SM North para hanapin ka.. since you said na yun ang madalas na way mo pag-uwi.. pero di kita natitiyempuhan e.."
Tumigil na si Raf sa pagkain. Nakikinig na lang siya.
"And then it dawned on me: I like you. I liked you since that day but .. I don't know.. I've been eyeing other people siguro.. You're nice and I want us to be friends. Dun lang muna.. Am I making sense..?"
Nakatingin lang si Raf sa binata. Di makapagsalita.
"I think I said enough.." huminga si Mike ng malalim. "Could you please say something.. ?"
Humgina ng malalim si Raf. Tumingin kay Mike. "No, Mike. I'm moving on. It was painful but I managed. Please, don't complicate my life anymore.. I really have to go Mike..".
Tumayo na si Raf. Kinuha yung knap sack sa katabing upuan at muling tumingin kay Mike.
"Nice to meet you again.." si Raf.
Tumayo na rin si Mike. "But can I atleast get your cellphone number?".
Napahinto si Raf sa paglakad. Nag-isip. Maya-maya, kinuha niya ang wallet niya. Inabot ang calling card kay Mike. "Here. I also want us to be friends Mike. Pero di pa siguro ngayon. I know you understand".
Kinuha ni Mike ang kamay ni Raf pagkaabot ng calling card. "I'll find
you".

CHAPTER 6
Pagod na pagod na tumihaya si Mike sa kama. Inabot niya ang kumot sa paanan ng kama at tinakip sa kanyang hubad na katawan. Basang-basa ito ng pawis.
"That was great.." sabi nito sa katabi, habang patuloy ang malalim na paghinga. Nakangiti ang kanyang katabi. Nakatihaya na rin sa kama, at nakatingin sa kisame. Ang isang kamay nito ay humahagod sa buhok sa puson ni Mike, nilalaro ng mga daliri.
"Ok ka lang..?" tanong nito.
"Yeah. Grabe. Ang sarap.." sagot ni Mike.
"Ikaw lang e" sagot nito, sabay haplos sa pawisang dibdib ng binata.
"Why did you wait kasi for us to do it this late..?" tanong ni Mike.
"Ako pa ngayon. Ikaw nga e! You wanted us to be platonic! Ayan.. you almost missed it.."
"If I had known sex would be this great, pag-uwi pa lang natin from UP, I would have brought you here", sagot ni Mike.
Umupo na si Raf sa kama. Sumunod na ring maupo si Mike. "Remember, you
were eyeing somebody else.." sabi ni Raf, pinukol ng mataray na tingin si Mike.
"Okay. Okay. My fault. Sorry.." sabay halik sa leeg ng binata.
Isang buwan na ang nakakalipas mula ng huli silang magkita sa Greenbelt.
"I was glad pumayag ka na mag-meet tayo ngayon. I thought you'll turn me down".
"I liked you from the first time I saw you. And I liked you more after the Greenbelt meeting. Kaya mo naman palang maging sweet e" sabi ni Raf, tuloy-tuloy sa paghaplos sa katawan ng binata.
"Iba e. I don't really know what happened. Pero merong iba akong nararamdaman e. I felt I'm losing something. Kaya kita hinabol sa SM nuon. Pero di nga kita nakita. Suddenly, an emptiness came over me. Then.. surprisingly.. nakita kita sa Greenbelt. I asked myself: is this a sign?"
"You were never fatalistic di ba..?"
"Well, with you I am".
Kinurot ni Raf ang pisngi ni Mike. Pagkatapos ay tumayo at lumabas ng kuwarto. Pumasok siya sa banyo at nagsimulang mag-shower.
Tok! Tok! Tok!
Binuksan ni Raf ang pinto.
"Do you really have to close the door?" tanong ni Mike.
Muling bumalik sa shower area si Raf at tinuloy ang paliligo. Mula sa likuran, lumapit si Mike at niyakap sa likod si Raf habang patuloy ang pagbagsak ng tubig. Umikot si Raf upang harapang yakapin si Mike.
"I want you for myself Michael Angelo Gregorio San Miguel. I’m a selfish bitch but I don’t want to lose you again" bulong ni Raf sabay halik sa labi ni Mike.
"I found you, didn't I..?" tugon nito.
"Keep me.." muling bulong nito.
"No. You keep me.." balik-bulong ni Mike.
Tumingin si Raf sa mata ng binata. Ngumiti bago nagsalita. "I wish you would find me I’m lost in the dark.." kanta ni Raf.
"I want you to hold me with my broken heart.." sagot na pag-awit ni Mike.
At habang patuloy ang bagsak ng tubig sa shower, sinabayan nila ng masuyong pagsayaw ang kanilang pag-awit. Magkayakap. Magkadikit.

END

No comments: