Saturday, August 27, 2005

(Story) BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN
by Jacques Cole


Chapter 1
"Kayhirap palang umibig sa di tamang panahon
Kung bakit ngayon ko lang natagpuan ang isang katulad mo
Sana nuon pa kita nakilala
Bakit ngayon pa lang ng ang puso'y di na malaya pang magmahal
Bukas na lang kita mamahalin
Sabay sa paglaya ng ating mga puso
Bukas na lang kita mamahalin.."
Magkatabi sa isang maliit na sofa si Lui at Red, habang sa katapat na sofa naman nakaupo si Benj at Nicos. Nagplano silang mag-dinner sa isang kainan kung saan may mga kuwarto at puwedeng mag-videoke ang mga kumakain. Magkasama sa trabaho sina Red at Nicos. Pareho silang med rep sa isang malaking pharmaceutical company. Syota ni Red si Lui, isang associate professor at researcher sa isang unibersidad, samantalang syota naman ni Nicos si Benj, na nagtatrabaho bilang isang graphic artist.
Si Lui ang kumakanta habang nakatingin sa screen ng TV ang tatlo pa nilang mga kasama. Tuwang-tuwang niloloko ni Red si Lui habang kumakanta ang huli. Palibhasa ay falsetto ang boses na ginagamit ni Lui sa pagkanta at talaga namang abot nito ang mataas na boses na kailangan para kantahin ang awit na ito ni Lani Misalucha.
"O di ba? Birit queen ang honey ko.." biro ni Red sa mga kasama habang animo'y seryosong kumakanta si Lui. Inakbayan pa nito si Lui, habang patuloy na nakangisi sa mga kasama.
"Naks naman, Lui.. abot na abot mo ang nota.." segunda naman ni Nicos, nakangiti. Nakapatong naman ang kamay ni Nicos sa hita ni Benj.
"..Kayhirap palang umibig sa di tamang panahon
Kung bakit ngayon ko lang natagpuan ang isang katulad mo
Sana nuon pa kita nakilala
Sana nuon pa lang ng puso'y na malaya pang magmahal.."
Di pinapansin ni Lui ang mga kaibigan. Pangiti-ngiti lang siya sa mga hinihirit ng mga ito. Kung dati, seryoso siya kapag kumakanta ng mga ganitong awitin sa mga videoke bars na madalas nilang puntahan ni Red dahil sa gusto niyang makakuha ng 100 points tuwing magbibigay ng score na lumalabas pagkatapos mong kumanta, ngayon ay iba. Di man niya aminin pero damang-dama niya ang liriko ng awitin at kung hindi pa siya magpipigil, baka pa siya maluha.
"..Bukas na lang kita mamahalin
Sabay sa paglaya ng ating mga puso
Bukas na lang kita
Bukas na lang kita
Bukas na lang kita mamahalin.."
Tantananan. Animo’y drum roll ang tumugtog bago lumabas ang score. 100. Tumayo pa si Red para pumalakpak, na sinundan naman ni Nicos. Tatawa-tawa ang dalawa habang tuloy-tuloy sa pagpalakpak. Nahihiya namang ngumiti si Lui, at inilapag ang microphone sa mesa. Tahimik namang pumapalakpak si Benj na nanatiling nakaupo sa sofa.
"Ang galing noh.." pagbibida ni Red.
"Sobra. Divang-diva ang dating. Talong-talo si Lani Misalucha.." si Nicos, nakangisi. "Teka", muli nitong sabi, sabay kuha ng libro na naglalaman ng listahan ng mga kanta sa videoke. "Magaling din kumanta si Benj noh.. Honey, ano ba yung madalas mong kantahin..?" sabi nito kay Benj, sabay buklat ng libro.
"Uyyy.. inggit.." tukso ni Red kay Nicos.
"Para itong eng-eng.." sagot naman ni Lui, sabay palo sa hita ni Red, pinipigilan ang pang-aasar nito kay Nicos.
"Ipapakita ko lang na may talent din itong honey ko no.." si Nicos, patuloy sa pagbubuklat ng libro.
"No. Okey lang ako. Huwag na.." si Benj, nahihiyang kinuha ang libro at akmang ilalayo ito kay Nicos.
Tumingin dito si Nicos, sabay hablot ng libro. "Honey, wag ka na mahiya sa kanila.. friends natin sila noh.." si Nicos. Nakatingin lang si Lui sa dalawa. Si Red, nangingiti pang inakbayan si Lui.
"Tingnan natin kung maka-100 din si Benj" sabi nito sabay pisil sa balikat ni Lui.
"Eto! Tama! Di ba ito yung madalas mong kantahin hon..?" si Nicos. Dumikit pa ito sa dibdib ni Benj, animo’y naglalambing. Pinindot niya yung number na nakalagay sa libro. Lumabas sa screen yung titulo ng kanta- Sometimes when we touch. "O, duet na lang tayo para di ka mahiya", sabi nito, sabay abot kay Benj ng isang mikropono. Kinuha rin niya yung isa. "Ako yung boses ng girl ha.." sabi nito.
"Uyy.. makakaya mo ba yung taas ng boses ni Lui.." sabi ni Red kay Nicos, nang-aasar.
"Wait and listen.." sabi nito, nagyayabang, sabay hawak ng kamay ni Benj. Dahil hindi pa rin kinukuha ng huli ang mikropono, inabot ito ni Nicos at inilapit sa bibig ng kasuyo.
Pinagmamasdan lang ni Lui ang pagkanta ng dalawa. Katulad niya, magaling din mag-falsetto ng boses ni Nicos. Ito ang bumibirit ng mga matataas na nota na nakatoka sa singer na babae. Simple lang kung kumanta si Benj, halatang nahihiya. Kung kaya't kadalasan, napapasimangot si Nicos kapag hindi maganda ang rehistro ng boses ni Benj habang kumakanta.
Tantananan, muling tunog ng drum roll: 94. Bumulanghit ng tawa si Red. Madiin namang hinawakan sa hita ni Lui ang kasintahan para pigilan ito sa pagtawa. Nakasimangot na ibinaba ni Nicos ang mikropono. Nakairap. Si Benj naman, tahimik na yumuko.
"O, akala ko ba, wait and listen? E bakit ang baba?" pang-aasar ni Red.
"E sinira ng partner ko e! Teka, isa pa ha.. yung solo.." si Nicos, sabay kuhang muli sa libro at naghanap ng panibagong kanta. Tuloy-tuloy sa pang-aasar si Red. At halata sa mukha ni Nicos na naaapektuhan ito. Napatingin naman si Lui kay Benj, na sakto namang napatingin rin sa kanya. Nahihiyang ngumiti si Benj. Parang nanliliit. Payak na ngumiti rin si Lui. Ngiti na nagpapahiwatig na 'okey lang yun'.
Tuluy-tuloy sa pagtawa si Red. Napapahiga na nga ito sa sofa sa tindi ng paghalakhak. Namumulang binuklat ni Nicos ang libro, naghahanap ng bagong kakantahin. Halata sa paglilipat ng mga pahina ang pagkaasar. Tahimik namang nakaupo sa parehong dulo ng mga sofa sila Lui at Benj, pinagmamasdan ang kani-kanilang mga kasintahan.
Chapter 2
Nakaupo sa lobby ng hotel si Lui. Usapan nila ni Red na magkikita silang dalawa for lunch. Galing ng Davao si Lui for two weeks – may inatenan siyang convention sa UP Mindanao. Kung kaya't pagbalik niya ng Maynila, napagkasunduan nilang magkasintahan na pupuntahan niya si Red sa Sulo Hotel kung saan may training ito, at kumain sa malapit na restaurant. Get-together nila after two weeks na mag-field si Lui. Pumunta siya sa lobby ng hotel at naupo sa may lounge area. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang magtext. Maya-maya, sumagot na si Red.
"W8 lng hon. I'l be der in 5 min" sagot nito. Nangiti naman ni Lui. Medical Representative si Red at may pa-seminar ang kanilang opisina dito sa Sulo Hotel. Sinipat niya ang lobby. Kahit may partner na siya, di pa rin niya napipigilang tumingin at humanga sa mga guys na nasa hotel. Di naman siya unfaithful. Wala namang masama sa humanga di ba? Ang loyalty naman niya ay nasa kanyang kasintahan. Uyy.. me guwapong bellboy ha, bulong niya sa sarili. Hmm.. mukhang cute din itong lobby guard, hinirit niyang muli, kausap pa rin ang sarili. Napatingin rin siya sa isang guy na katulad niya ay nakaupo sa kalapit na sofa. Mukha ring naghihintay. Shucks! Ang pogi rin, kinikilig niyang bulong sa sarili. Parang may kamukhang artista. Kinuha niya ang cellphone. Natatawa niyang naisipang kunan ito ng litrato sa cellphone. Bigla, napatingin siya sa background image ng cellphone: picture nilang dalawa ni Red, magkadikit ang mga mukha habang nakaakbay si Red sa kanya.
Tatlong taon na silang mag-on ni Red. Hmmm.. mas guwapo pa rin si Red, depensa niya. Maputi si Red. Mestiso. At dahil flexible ang oras, madalas itong nakakapunta sa gym. Minsan, isinasama siya nito. Madalas, tumatanggi siya. Tamad na tamad siyang mag-gym. Kesa naman kasi magpunta ng gym, mas gusto pa niyang magbasa ng libro, manuod ng sine o manuod sa cable. Di naman siya mataba. Chubby lang. Si Red, firm ang katawan. Matatawag ngang hunk ang binata. At kahit papaano ay nakakaapekto iyon kay Lui. Minsan, naiisip niyang andami sigurong nagtatanong kung ano ang nagustuhan ni Red sa kanya. Ngumiti siya. Magaling kasi ako, depensa niya. Marahan siyang natawa. Ay! Nakakahiya! Mukha akong lukaret!
------------oOo-------------
Nagsimula silang magkakilala ni Red nung magkita sila sa party ng isang kaibigan. Party iyon ni Betina, orgmate at kaibigan ni Lui nung college at pinuwersa siya nitong pumunta sa party, kasi, baka raw me makilala siyang guys. Di naman niya itinatago sa mga kaibigan ang pagiging binabae niya (mas less offensive kung iyon ang gagamitin). Di naman siya halata. At sa panahong nag-aaral siya sa kolehiyo hanggang sa magsimula na siyang magturo, 'tigang' si Lui sa relasyon. Kahit kailan di pa niya nararanasan ang magkarelasyon. Kung kaya't sa party na iyon, nung makipagkilala sa kanya si Red, di siya makapaniwala. Imagine, isang guwapong binata ang 'pumoporma' sa kanya. Pero siyempre, sa simula, medyo nahihiya pa siya. Di nga kasi siya bihasa sa ganitong karanasan.
Nakipagkilala. Nakipagkuwentuhan. Nagkagaanan ng loob. Hindi bagito si Red sa mga ganito. Sa itsura at tikas nito, maalam na rin ito sa ganitong kalakaran. Hanggang sa magpalitan sila ng number. Naging madalas ang kanilang pagte-text sa isa't-isa hanggang sa magdesisyon silang mag-date. Sa unang date nila, inihatid ni Red si Lui sa apartment niya. Mag-isa lang si Lui sa apartment na inuupahan niya. Sa bahay, kuwentuhan. Kulitan. Hanggang sa wala sa hinagap na siya'y nagtanong kung gusto ng binata na sa apartment magpalipas ng magdamag. Di naman siya nabigo. Magdamag silang nagkulitan hanggang sa matulog silang magkatabi sa kama. Paggising niya, nagulat pa siya ng pagdilat niya ng mata, bigla siya nitong hinalikan sa labi. Smack.
"Uy! Ano yun?" tanong ni Lui, nakangiti. Sa totoo lang, muntik na siyang himatayin sa ginawa nitong pag-smack sa kanya.
"Good morning kiss. Bakit? Ayaw mo..?" nakangiti nitong tugon. Itinukod pa nito ang braso sa kama at ipinatong ang ulo sa kamay. Nakatingin ito sa kanya.
"Sweet naman.." tukso ni Lui, itinago ang mukha sa kumot.
"Di lang yan ang kaya kong gawin para maging sweet.." biro ni Red sa kanya.
"Talaga lang ha..?" sagot niya.
"Oo. Pag mahal ko, marami akong sorpresang ginagawa para sa kanya.."
"Suwerte naman niya.." balik ni Lui.
"Ano? Gusto mo, tayo na?" tanong ni Red.
Mula sa pagkakahiga, napaupo si Lui. Tumingin siya kay Red, nakaarko ang kilay. "Ayoko ng ganyan. Don't start with me. I told you - I'm a neophyte pa sa mga ganyan-ganyan.."
"And what's that supposed to mean? I'm asking you a question: tayo na?" muling tanong ni Red.
"Ganun lang? Wala ng ligaw..?" nangingiting tukso ni Lui.
Naupo na rin si Red sa kama. Inakbayan si Lui. "Wala na. Di na uso yun. Ligaw-ligaw pa.. If you happen to like me, you'll say yes.." sabi ni Red sabay upo sa dulo ng kama. Nagsimula na itong isuot ang sapatos na nasa sahig. Nakatingin lang si Lui sa kanya. Maya-maya, tumayo na si Red at tinungo ang pintuan ng kuwarto. Inayos nito ang damit na kahit papano ay nagusot na sa pagkakahiga. Lumingon ito kay Lui. "So??"
Di pa rin sumasagot si Lui. Ngumiti lang si Red. Nagkibit-balikat. "Ok. Ingat na lang. I'll go ahead.." sabi nito, sabay labas ng kuwarto. Narinig ni Lui ang pagbukas ng lock ng pinto ng apartment. Paalis na ang guwapong lalaking nakasama niya sa buong magdamag. Ang lalaking humihingi ng pagkakataong buksan niya ang kanyang birheng puso.
"YES!!!" sigaw ni Lui mula sa kuwarto, pagkatapos ay kinikilig na bumagsak sa kama at tinakpan ng unan ang mukha. Patakbong bumalik si Red sa kuwarto, sabay talon sa kama. Tawanan .
------------oOo-------------
Maya-maya ay nakita na ni Lui si Red. Ang guwapo talaga ng mahal ko, bulong ni Lui sa sarili. Naka-long sleeves itong kulay maroon. Kasabay nitong lumabas ang isa pang lalaki. Si Nicos. Kilala na niya si Nicos. Two years ago, lumipat si Red ng kumpanya. Kinuha siya ng isa pang pharmaceutical company mula sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Sa bagong kumpanya nagtatrabaho si Nicos. Naging magkasama ang dalawa, at ito ang naging kaibigan ni Red sa kumpanyang iyon. Madalas, kasa-kasama nila ito sa mga lakaran. Kung kaya't kahit paano, naging kaibigan na rin niya ito. Nung una, nagseselos siya rito. Paano ba nanam, katulad ni Red e guwapo rin si Nicos. Matipuno rin ang katawan. Maputi. Pero lagi naman siyang ina-assure ni Red na siya pa rin ang nag-iisang honey nito.
"Sorry.. antagal magpalabas. Me pinapatapos pang activity e.." bungad ni Red. Kinuha nito ang kamay niya at inilapit sa labi.
"Okey lang. So, ano..? Kain na tayo.." tanong ni Lui.
"Sorry hon, pero mukhang overtime kami. Working break ang mangyayari e. Di ako makaaalis.." si Red.
"Ha?" sabi ni Lui, nakasimangot.
"O, wag ka na magalit.." sagot ni Red. Inakbayan nito si Lui.
"Sana kasi, kinansel mo na lang para di na ako pumunta rito at di na naghintay.." sabi niya, patuloy na nakasimangot.
Maya-maya, lumapit na si Nicos, kasama yung lalaking kanina e nakaupo rin sa kalapit na sofa. "Guys.." bungad nito.
Tumingin sina Lui at Red. Pinilit ngumiti ni Lui para di mahalata ni Nicos na nag-aaway silang dalawa ni Red.
"Guys, this is Benj, my boyfriend.. " pakilala nito sa binatang kasama.
Tumango na lang si Red at Lui. "Babes, this is Red, yung kasama ko sa work. Tapos, this is Lui, partner ni Red..". Nakipagkamay si Red kay Benj. Pagkatapos ay nakipagkamay rin si Lui sa binata. "So, ano ang plano niyo..?" tanong ni Nicos kay Red.
"I just told him I can't go.." si Red.
"Ewan ko ba naman kasi sa mga trainors na yan kung bakit may alam pa silang mga working break-working break e.." si Nicos.
Ngumiti lang si Lui. "So.. umm... I think I'll go back na lang sa school," paalam ni Lui sa mga kaharap. Hinawakan ni Red si Lui sa likod.
"Sorry talaga hon.." masuyong sabi ni Red kay Lui.
"Sorry Lui ha. Di namin alam na magiging ganito.." si Nicos. Ngumiti lang si Lui. Napansin ni Lui na nakatingin lang si Benj, tahimik rin.
Kinuha na ni Lui yung mga folders niya na nakapatong sa coffee table, pati na rin ang kanyang bag. "I guess I'll go ahead na.." paalam niya sa mga kasama.
"Wait. Benj and I were also planning to have lunch e. Then this came up.. Lui, is it okay if kayo na lang ni Benj ang mag-lunch.." suhestiyon nito.
Nagulat si Lui sa ideya ni Nicos. Ano to? sa isip-isip niya. Kahit si Benj ay mukhang nagulat din.
"No, I'm ok. Sa school na lang ako magla-lunch".
"No. I insist. Darling, would you like to have lunch na lang with Lui.." tanong nito sa kasuyo.
"Ha? E baka me lakad pa si Lui.." nalilito nitong sagot.
"No. Ako rin, I would still want you two to go. Dapat sana, tayong apat ang magla-lunch e.." si Red. Tiningnan ni Lui si Red, nagpalaki ng mata. Ayaw sana niyang makipag-lunch sa taong di niya kakilala.
"Lui, mabait si Benj. Go and have lunch. Darling," tawag nito sabay abot ng susi ng kotse, "use my car. Have lunch. Sorry talaga darling.." sabi nito kay Benj, sabay halik sa pisngi nito.
Di na nakipagtalo si Benj. Kinuha ang susi ng kotse ni Nicos. Tumingin ito kay Lui, animo'y nagyayaya.
"Umm.. okay. So, shall we..?" tanong nito kay Lui.
Ngumiti na lang si Lui. Tumingin kay Red, na nakangiti naman sa kanya.
"Sorry talaga hon.." sabi nito sabay akbay kay Lui. "I'll make it up tonight. Puntahan kita sa apartment mo, okey..?" bulong nito kay Lui.
Humalik na lang si Lui sa pisngi ng kasuyo. "Sige, I'll see you tonight.."

Chapter 3
Sa Kamay Kainan na lang pumunta sina Lui at Benj. Sa sasakyan, tahimik lang ang dalawa. Isang tanong, isang sagot lang ang kanilang naging usapan. Kumuha sila ng mesa. Nag-abot kanina ng pera si Nicos kay Benj, i-treat na raw ng huli si Lui. Ayaw sana itong tanggapin ni Benj pero naging mapilit si Nicos. Hanggang sa pagsakay nila ng kotse ay pilit pa ring inaabot ni Nicos ang pera kay Benj, at talaga namang tinatanggihan rin ng huli, hanggang sa ihagis na lang ni Nicos ang pera sa likod na upuan ng kotse at nagtatatawang tumakbo papasok muli sa lobby ng hotel. Nangingiti namang tiningnan ni Red ang pag-alis ng kotse bago ito bumalik sa loob.
Naisip ng dalawa na "eat all you can" na lang ang kanilang kunin. Babawiin nila ang oras na kanilang hinintay sa pagkain. Tutal naman libre ito ni Nicos. Pero nagsabi si Benj na ibabalik niya ang pera kay Nicos. Nangiti naman sa inasal ni Benj si Lui.
"So, KKB na lang. Tutal naman pala, ibabalik mo kay Nicos yung pera e.." si Lui.
"No. This is my treat. I've heard so much about you and I guess we should enjoy this lunch, don't you think?" nakangiti nitong tugon.
Di na umimik si Lui. Uy! Gentleman, sabi niya sa sarili.
Kanya-kanya silang kuha ng pagkain. Pagbalik ng mesa, pinansin ni Benj ang kinuhang pagkain ni Lui.
"O, bakit yan lang ang kinuha mo.." tanong ni Benj.
"Hah..?"
"Ang konti.." tugon ni Benj.
"Nagpapapayat.." nakangiting tugon ni Lui.
Ngumiti si Benj. "Bakit? Gusto ba ni Red, payat..?"
"Di naman. Ako ang gustong pumayat" sagot ni Lui.
"Di ka naman mataba e.."
"Etchos!" tugon ni Lui. Natutuwa siya na kahit papano e nag-uusap na sila ni Benj. "I don't have a body like Red, Nicos or yours..".
Ngumiti si Benj. Tiningnan ang pagkain sa plato niya. "A body like mine? E andami ko ngang ulam dito.." sagot ni Benj.
"Ayaw mo nun! Amazing nga e, kasi kahit ganyan, you still have a nice built.." si Lui. Ooops! Feeling close.
"I love to eat. Kaya nga andalas ko sa gym para ma-maintain ko ito..".
"And I guess you're successful.." sagot ni Lui. "Why? Gusto ba ni Nicos ng slim.." hirit naman ni Lui.
Ngumiti si Benj. "Don't they all?"
Tumango na lang si Lui. "I seldom go to the gym. Kaya ako na lang ang nagli-limit sa kinakain ko. I do exercise. Sa bahay. Tamad akong mag-gym e..".
"Ako kasi, if I have free time. Sayang naman kasi yung life time membership ko sa gym.."
Nagsimula na silang kumain. Maya-maya, nagbigay na ng drinks ang waiter.
Napansin ni Benj na sumimangot si Lui kaya nagtanong ito kung bakit.
"Ayoko kasi ng iced tea e. I prefer soft drinks.." sagot ni Lui.
"Diet ka di ba? You should avoid softdrinks.." sagot ni Benj.
"Addict ako sa softdrinks e. Kahit di ako kumain, basta me softdrinks. Weird noh?" tugon ni Lui.
"Dapat, you shouldn't drink softdrinks na.."
"No. Lalo na pag maraming pagkain. Kasi, yung softdrinks help na magkaroon ng hangin ang tyan or else mapupuno agad. Kaya siguro they don't serve softdrinks sa ‘eat all you can’. Kasi, mabubusog ka agad pag uminom ka ng iced tea.." eksplika ni Lui.
"Pati yun, napapansin mo..?" si Benj.
Ngumiti na lang si Lui. "Its social economics kasi e.." pakli ni Lui.
Muling nangiti si Benj. Inalok siya ng pagkain nito sa plato.
"No. Ok lang ako.." si Lui.
"Bakit kasi yan lang ang kinuha mo? Masasayang pala sa iyo ang pera dahil ang konti mo kumain. Suwerte ni Red, kasi, malaki natitipid niya sa iyo.." si Benj.
"E nile-lessen ko na nga ang pagkain di ba? Tsaka I choose foods na minsan ko lang nakakain. Yung dito lang makakain. Yang crispy pata, yung liempo, chicken at yang iba pa, andalas ko na yang ulamin sa canteen.." sagot ni Lui.
"Gusto mo ikuha kita ng pusit? Or shrimp..?"
"Okey lang ako. Kumain ka na".
"Aside from eating, I love to cook.." pagbibida ni Benj.
Napatingin si Lui sa kaharap. "Talaga?".
"Yup. Wala ba sa itsura? Minsan nga, pinagluluto ko si Nicos, tapos sa bahay na lang niya kami nagdi-dinner".
"Sweet naman" sagot ni Lui.
"Thanks. Kaso, andalas naman na mas preferred ni Nicos kumain sa labas. He prefers to go bar-hopping at uminom".
"I've known Nicos for a couple of years, and yes, I think he loves that lifestyle.." si Lui.
"Well, that will change soon. I'm learning new recipes para magustuhan niya ang mag-diner na lang kami sa bahay kesa lumabas".
Tiningnan ni Lui si Benj. Sa tindig at panlabas na itsura nito, di niya aakalaing ito yung tipo ng lalaki na homebody, marunong magluto at sweet sa kasuyo. At parang base sa naririnig niya, parang magkaiba ng personalidad ang dalawa. Well, sabi nga, opposite attracts! "So, can I ask you a question?".
"Sure" sagot ni Benj.
"Kelan pa kayo ni Nicos? Di ako updated since di na kami masyado nakakapag-usap. I've been busy kasi with university projects and researches e.."
"Mga 2 months pa lang".
"So, may I ask how you met..?"
"Well, it was in a convention. Graphic artist ako, and we were doing some presentation for a company. He was there representing their product. Nagkakuwentuhan. Hanggang sa he ask for my contact number. Baka raw kailanganin ng company nila ng graphic artists.." sabi nito, sabay tawa. "Then, he asked for us to go on a date.."
"Really? He asked you that directly?"
"Yeah. I knew he had been interested. You know naman us. We know if the other is interested. Body languange."
"What do you mean ‘us’?"
"Us. Us gays..? Korni mo ha.."
"E maraming levels ang pagiging gay e.." si Lui muli.
Napasimangot si Benj. "Basta gay.."
Nangiti si Lui. "Okey.."
Muling nagpatuloy si Benj. "We had dinner. Then, we went to a bar. We got drunk. We slept together".
"Ambilis huh?"
"As if there are other things being done when two gay guys are together?"
Ngumiti lang si Lui bilang tugon. Yeah. Most gay friends he knew, nakikipag-sex na agad on first dates. Pero iba naman kasi yung sa kanila ni Red. Tsaring!
"Di pa nga e. After that, we began texting each other more. In another date, he asked if I'm open for a relationship. I said sure" muling kuwento ni Benj.
"So, you've been together for two months?" tanong muli ni Lui.
"Yup. And I'm hoping it'll be longer..".
Tumahimik si Lui. "Do you ever have problems with his work? I mean I do. With Red. Yung time. Yung availability.."
"I don't want to nag him. I'm taking everything there is about him slowly. And hopefully, I can cope up or he will initiate changes. I want us to meet eye to eye. And I want this to work".
"Good for you".
"How about you and Red?"
"Red is wonderful. We've been together for three years. He is my first.." si Lui.
"I heard".
"He used to make up for lost time especially when were not able to spend it together".
"Wait - used to..?" banat ni Benj, nakangisi.
"Huh? No, I mean he makes an effort to make up. Shucks! I didn't mean it that way.." depensa ni Lui.
Nangalumbaba si Benj sa mesa. "Di ba, sa Psychology, that's what they call subconscious response.. yung mga slip-ups na ganyan"
"Di ako psychologist kaya di ko alam", sagot ni Lui, medyo nataranta sa slip-up na nasabi niya.
"Okay. I'm sorry. Joke lang".
Ngumiti lang si Lui. Muli nilang itinuloy ang pagkain. Binalikan na rin ni Benj ang pagtapos sa kinakain nito.
"Three years is a long time. And I guess there are things that changes in that span of time.." si Benj, animo'y kausap ang sarili.
"Yeah.." matamlay na sagot ni Lui.
"Hey.. I hope you're not bothered by that. You and Red seems to have a strong relationship. Work on that, okey..?" si Benj.
"We are. Honestly, I know I'm somewhat a nag.." si Lui.
"We all are. Kasi we love the other person. Kaya we have expectations. We have wants. And when we communicate those expectations, they tend to think its nagging na..".
"I only want a piece of his time Benj. Konti lang. Minsan nga, kausap ko ang sarili ko sa salamin. I’m acting out a conversation with him. At dun, magmamakaawa ako na sana, he''l give me more time.."
"You don't have to explain. I know the feeling. Funny but sometimes I wish Nicos would nag me.. kasi, dun ko mararamdaman na uy! Hinahanap niya ako..".
Natahimik sila pareho. Binalikan na lang nila ang pagkain. Pagkatapos kumain, si Benj nga ang nagbayad ng bill. Pinilit ni Lui na mag-chip-in pero matigas talaga itong tumanggi. Maya-maya, sabay silang lumabas ng restaurant. Nagpaalam na si Lui kay Benj na magtataxi na lang pabalik ng university pero mapilit ang huli na ihatid na siya.
"Wag na. Its okey. Malapit lang naman ang UP dito e," si Lui, habang papalakad ng parking lot.
"Ano ka ba? Puro ka tanggi. Okey lang" si Benj.
"Ayokong maging pabigat. Okey lang naman ako.." si Lui.
"At sino naman ang may sabing pabigat ka? Ako na nga ang namimilit e. Ayokong magalit samin ni Nicos si Red.. sabihing pinabayaan kita.." sabi nito, nakangiti.
Ngumiwi si Lui. "Sige na nga.." sabi niya kay Benj. Lumabas ang sasakyan sa parking lot at tinahak ang daan papuntang Philcoa.
"So, professor ka dun..?" tanong ni Benj.
"Yup.."
"Anong subject..?"
"Sociology".
"Ano yun..?"
Ngumiti si Lui. "It's the study of society.. a person in his social environment.. especially his interaction with another indivudual.."
Tahimik si Benj.
"Ako kasi, I teach Social Psychology.. so its partly psychology pero the main thesis is an individual in his social environment.."
"I see.." tanging nasabi ni Benj.
"I guess I'm boring you na.." si Lui.
"No. Its just that its new.."
"Its not new. It's a social science na related to Psychology. But I guess Psychology ang mas kilala. Kaya nga siya quota course sa UP e.." nakangiti niyang sagot kay Benj. Napansin niyang di umiimik si Benj. "I think its time for me to shut up.. Korni na yung joke ko e.." si Lui.
"Joke na ba yun..?" sagot ni Benj.
"Ganun..? Joke namin yun sa department e. As if ikaw, you made a joke na the whole time we were having lunch..?" tukso ni Lui.
"Green jokes ang alam ko e. Baka mamaya ma-offend kita.." si Benj.
"Naku, ako pa ang babanatan mo ng green jokes! Baka ikaw ang sumuko sa akin.." si Lui.
"Ano yun? Nakakatakot.." si Benj.
Ngumiti lang si Lui bilang tugon. Pagdating sa Faculty Center, nagpababa na si Lui sa malapit na waiting shed. Kinuha niya ang mga gamit na nakalagay sa dash board.
"Thanks sa paghahatid ha.." si Lui.
"My pleasure. I enjoy this lunch, if you’d care to know.." sagot ni Benj.
"Pareho kayo ni Nicos, eklatero.."
"Eklatero..? Bakit..?"
"Puro kayo bola. Bagay talaga kayo."
"Di ako nambobola. Really".
"Well, thanks Benj. Hayaan mo, sa susunod na we’ll be stuck with each other again dahil di na naman puwede yung dalawa, ako naman ang magti-treat.."
"Promise?"
"Definitely. Sige, I’m keeping you na from your plans.."
"Sige. I might go back sa hotel to return the car. Tapos, balik na lang ako ng office. Ikaw..?"
Napatingin si Lui kay Benj. Close..? Ngumiti na lang siya bago sumagot. "I have to do some research pa this afternoon. Maybe I’ll see Red tonight na lang".
"Sweet. O, hinay-hinay lang ha.."
"Saan..?" si Lui.
"Yeah right. Dahan-dahan lang kasi me trabaho pa kayo ni Red bukas.." nakangising tugon ni Benj.
"Two weeks na kaming di nagkita noh. I don’t think kailangang maghinay-hinay pa. It will be brutal. It will be dirty. It will be x-rated.." nakangising tugon ni Lui. Napansin niya ang pagbabago ng mukha ni Benj. Na-awkward yata. "Hoy! Joke yun!.." biglang banat ni Lui.
Biglang tumawa si Benj. "Sabi ko na nga ba, nakakatakot ka e.." tugon nito.
"Sabi ko sayo, ikaw ang susuko e. Sige, thanks again at ingat ha.." sabi ni Lui, sabay labas ng kotse.
Paandar na ang sasakyan ng bigla itong huminto. Lumapit si Lui sa kotse at sumilip sa loob. Ibinaba ni Benj ang salamin.
"What’s wrong..?" tanong ni Lui.
"Okey lang ba kung i-ask ko ang number mo? You know, para naman me bago akong textmate..?"
Medyo nagulat si Lui sa tinuran ng kaharap, pero bago ito mahalata ni Benj, kinuha niya ang wallet niya at naglabas ang calling card.
"Here," sabi ni Lui sabay abot ng card.
"Thanks. Text na lang kita…" sabay kindat. Tumayo sa gilid ng gutter si Lui habang umalis ang kotse papalayo.
Hinintay ni Lui si Red buong gabi pero hindi ito dumating. Kinabukasan na ng magtext ito at mag-sorry sa di nito pagdating. Busy diumano sa presentation para sa pagtatapos ng kanilang seminar. Katulad ng dati, pilit inintindi ni Lui si Red. Ayaw niyang mag-away sila. Pero kahit papano ay masakit sa kanya ang ginagawa nitong di pagtupad sa mga pangako. Hindi ito katulad ng dati. Nuon kasi, kahit gaano man ito ka-busy sa trabaho, nagagawa pa nitong dumaan sa apartment niya kahit sandali lang. Isa ito sa nagustuhan ni Lui sa kasintahan. Imagine, kahit alas-dose na ng hatinggabi, dadaan ito sa bahay para lang wag masira sa pangako. Hanggang sa dumalas na nga ang di nila pagkikita dahil sa trabaho ng binata. Nag-away na sila minsan tungkol dito. Dalawang linggong di sila nag-usap. Hanggang sa siya na rin ang sumuko. Sinikap na lang niyang palawakin ang kanyang pang-unawa sa kasintahan at huwag ng magtanong. Sabi ni Lui sa sarili, magtitiis na lang siya sa kung ano ang kayang ibigay ni Red. Umaasa siyang darating ang panahong makikita nito ang kakulangan nito sa kanya at sana, magbago. Pero parang lalong lumalaki ang kanilang pagkakaiba. Nagbabago na. Dahil ito ang unang pagkakataon ni Lui sa isang relasyon, iintindihin niya. Nabasa na niya sa mga magasin at sa mga nobela ang mga ganitong karanasan ng mga karakter. Nagbabago pagdaan ng panahon. Pero okey pa rin. Busy lang talaga siguro sa trabaho. Inabot ng tatlong araw bago tuluyang nakadalaw si Red sa bahay ni Lui. Nagpaliwanag. Nagyaya si Red na kumain sila sa labas. Sumama siya.
Mahigit isang buwan ang lumipas ng magplanong muli si Nicos at Red na lumabas silang apat – kasama si Benj. Naisipan nilang sa Music 21 sila pumunta para masaya. Atleast, para naman lalong magkakilala ang dalawang pares, ikanga ni Nicos. Kahit naman papano e naging constant textmate na rin ni Lui si Benj. Pero madalas naman e forwarded messages lang ito. Kahit ganun, ikinatuwa na rin ni Lui yung effort ni Benj na magtext sa kanya.
Two months ang lumipas ng sinabi sa kanya ni Red na me conference/symposium silang aatenan sa Singapore. Magkasama sila ni Nicos. Nagselos siya. Pero sinarili na lang niya ito. Ayaw niyang pabigatin pa ang trabaho ng kanyang kasintahan. Sinabihan siya ni Red na huwag na siyang maghatid pero mapilit siya. Kung kaya’t dalawa silang pares nung tumungo sa airport. Hinatid rin kasi ni Benj si Nicos. Kotse na lang ni Nicos ang kanilang ginamit, tutal naman e hindi marunong magmaneho si Lui. Gabi ang flight nina Red at Nicos. Nagyaya si Benj na mag-dinner sila ni Lui ng makaalis na ang eroplano nina Nicos at Red, pero tumanggi na ang huli. Pagod na rin naman siya at gusto na lang niyang magpahinga. Two weeks ang conference sa Singapore. Two weeks ding hindi sila magkikita ni Red.

Chapter 4
"Thanks for this ha.. " bungad ni Benj. Mga alas-dos yun ng hapon, Sabado. Nung nagdaang gabi nagtext sa kanya si Benj. Nagtanong kung puwede raw ba itong makigamit ng kusina niya. Hah?, bukod-tangi niyang nasagot sa text message nito. Dun na nag-explain si Benj. Dahil nga sa almost two weeks sa Singapore sila Red at Nicos at pauwi na ang dalawa ng gabing iyon, naisipan ni Benj na sorpresahin si Nicos ng isang dinner sa apartment nito. Bukod-tanging "ok" ang kanyang sinagot. Sinabi sa kanya ni Benj na after lunch na ito darating. Maliit lang naman ang apartment ni Lui. One-bedroom apartment lang ito. Inilabas na lang niya sa kanyang maliit na living room ang kanyang mga paper works sa school, yung mga exam ng kanyang mga estudyante na kailangan niyang i-check, para naman me ginagawa siya habang nandito sa bahay si Benj. Napaka-awkward naman kung magtitigil siya sa kuwarto habang me bisita siya sa bahay. E napakaliit naman ng kanyang kusina para mag-extend siya ng tulong.
"Sus! Okey lang. As long as patitikimin mo ako ng kung ano man specialty na gagawin mo ha.." tukso niya kay Benj.
"He-he.. Simple lang to. Wala na akong masyadong oras para mag-isip pa ng kung-ano-ano.."
"Pasensya ka na at maliit ang kusina ko ha.." si Lui, habang inabot na niya ang ibang plastic bag na hawak ni Benj.
"No. Ok lang.." sagot ni Benj. "Anywhere is better than my brother’s kitchen. Imagine, dalawa yung pamangkin kong makukulit. Ang hirap magluto pag nandun yung mga yun. Secondly, ang layo rin naman ng Pasay kung dun ako manggagaling to set this up, tapos dadalhin ko sa Cubao para pagdating ni Nicos.. dyaran! Dinner!" nakangiti nitong sabi.
"Wow! Ang sweet ha!" si Lui, sumunod na ito kay Benj sa kusina.
"Ang kyut naman ng kusina mo e.."
"Ano ba?! Papaalisin kita dito.. Anyway, all you need are here," sabay turo sa kabuuan ng kusina. "Sa liit naman nito, makikita mo na lahat ng kailangan mo, at lahat ng wala ako. Diyan sa baba yung mga kawali. If you’ll need anything else at nakikita mo na diyan, go ahead ang use it.." sabi ni Lui.
"Nakakahiya naman. Ok lang. I brought na lahat ng kailangan ko.."
"In case nga lang.. ano ba..? O, Chef Benjamin, I’ll leave yo here na. I’ll check some of my student’s paper e. Dun lang naman ako.." sabay nguso sa sala.
"Okey. Sandali, I forgot something.." sabay silip sa isa sa mga bitbit niyang plastic bag. Dun at kinuha nito ang isang plastic ng Jollibee. "Here.."
"Ano ito?" tanong ni Lui.
"Pagkain" sagot ni Benj.
"Ang eng-eng nito. You don’t have to.."
"I insist. Sensya na ha, Jollibee lang. Yan lang kasi yung malapit dun sa grocery e" pagpapaliwanang ni Benj.
"Sus! Ang arte. Nakakahiya naman.."
"Ikaw itong maarte e. Diet ka naman, di ba?"
"Korek! Anyway, thanks ha" sabay silip ni Lui sa loob ng plastic bag. Hamburger at spaghetti. "Wow! Para naman akong bata.."
"Di ko alam kung ano gusto mo e.. sensya na ha.." sagot ni Benj, sabay kamot sa ulo.
"No. Okey lang. Ito naman. Gusto ko nga ito e. Honest. Di ko pinagsasawaan ang hamburger ng Jollibee.."
"Yeah right. Dapat nga, bibilhin ko na lang e Jolly Kiddie Meal e. Para me laruan ka pa.. he-he-he.."
"O, sana yun na lang.."
"Okey na yan. Me softdrinks namang kasama e.. Sabi mo,nga, softdrinks lang, okey ka na e.." nakangiting pang-aasar ni Benj.
"He-he.. tapos, naka-orange shirt ka pa! Para ka ngang taga-Jollibee.."
"Wala akong magagawa. Yan ang pinakamalapit na fast food sa grocery.." ulit ni Benj.
"Endorser ka ba ng Jollibee? Teka, oo nga no, me kamukha ka.."
Ngumiti si Benj. "Sino, si Aga Muhlach..?" sabay pose.
"Hindi. Si Jollibee! Ha! Ha! Ha!" sagot ni Lui sabay tawa. Tumawa rin si Benj. Kinuha ni Lui ang Jollibee. "Dun na ako. Baka maistorbo kita. Sarapan mo ha. Dapat, extra ordinary para lalong maging mainit ang inyong pagkikita mamaya.. uy!!!".
"E kayo ni Red, ano plano nyo?" muling tanong ni Benj.
Tumingin sa kanya si Lui. "Kung di pa siya pagod, pupunta siya dito para mangamusta. Pero lately kasi, madaling mapagod yun e. Baka umuwi na lang at dun magpahinga. Bukas na lang siguro kami lalabas.."
Tumahimik si Benj. Hinarap ang pag-aalis sa mga karne sa plastic at inilagay ito sa isang container. Pupunta na sana si Lui sa sala ng biglang magsalita si Benj.
"I hope you don’t mind my asking.. are you guys okey..?"
"What do you mean..?"
"Wala. Parang.. no. Wala. Okey na." sagot ni Benj.
"There are good days, there are bad days. And its okey. Lahat dumadaan sa ganun. As long as we continue to love one another, we’ll be okay".
"Sure. Hoy, don’t get me wrong ha. I’m not fishing or anything. Napapansin ko lang".
"No need to explain. You’re a friend. Sige na. Trabaho na".
Nagsisimula ng magluto si Benj sa kusina. Naririnig pa niya ang pagsipol-sipol nito habang nagluluto. Binuksan ni Lui ang cd player. "Benj, okay lang bang magpatugtog..?" sigaw niya mula sa sala.
"Sure. Di ko naman bahay ito e.." sagot nito mula sa kusina.
"Anong gusto mo pagtugtugin..? Any preferred music?" muli niyang tanong.
"John Meyer?" sagot nito.
"Wala ako nun.."
"Josh Groban?"
"Wala rin ako dun".
Nagulat pa siya ng biglang lumitaw si Benj sa tabi niya, hawak ang isang kaserola na may lamang tubig at mga itlog. "Ano bang meron ka..?" tanong nito sa kanya.
"Demanding!" sagot niya sabay irap.
"E ikaw itong nagtatanong e. Puro ka naman wala.."
"Regine. Regine. At Regine.."
"Wala ng iba?"
"Eto, mga soundtrack. Ni Regine. Pangako ikaw lang. Kailangan ko’y ikaw. Do-re-mi.." nakangisi niyang sagot.
"Di obyus na Regine fan ka.."
"Hay naku, mag-radyo na lang tayo.." sagot ni Lui sabay, sabay klik ng radyo, at bumalik sa sofa.
Ibinaba ni Benj ang kawali sabay tingin sa mga cd ni Lui. Maya-maya, sinimulan na nitong magpatugtog ng cd.
"I like this song.." si Benj. Pinatugtog nito yung kantang "Bakit Ngayon Ka lang" na kinanta ni Jaya sa soundtrack ng Pangako Ikaw Lang.
"Maganda yung version ng Freestyle kasama si Pops.." hirit ni Lui.
"But I liked Ogie’s version. Iba na ang original.." sagot ni Benj.
"Uyy.. relate..?" si Lui.
Tumingin si Benj kay Lui. Ngumiti. "Kasi, lahat naman tayo, we’ve been looking right? Na sana, yung makikita natin at makakasama ngayon, siya na talaga. Para walang nasayang na panahon..". Tumango lang si Lui. "It doesn’t mean that if I liked the song, I’m thinking of someone else.. Ibahin natin yung point of view nung phrase na ‘bakit ngayon ka lang’.. Isipin mo na lang na ang sakin, you’ve already found the person, and wish na nakita mo na siya nung una pa lang.. para less heartbreaks.. less pain.." sunod-sunod na sagot ni Benj. Muli, tango lang ang sagot ni Lui. "Ako nga, I’m envious of you and Red, kasi, you said he’s your first.. and possibly the last. Sana, ganun na lang di ba.."
"I guess I’m lucky.." si Lui.
"Ofcourse you are.. kasi you were able to skip the heartbreak.."
"Pero di ba, mas mahirap yun. Kasi, I’ll never know the sweetness of love not until I taste the bitterness of it.."
Ngumiti si Benj. "Parang nabasa ko sa text yun e. Just think that you’re one of the lucky few. Its worth the experience, but if you’ll ask most people, they’ll rather have what you have right now.." sabi ni Benj bago tuluyang tumuloy sa kusina.
Pinakinggan ni Lui ang kanta. Kung pakikinggan, di angkop ang liriko ng kanta sa sentimyentong pinagsasabi ni Benj. Pero ang nakakatuwa, pareho sila ng iniisip ni Benj. Kung gusto niya ang kanta, inaalis niya ang orihinal na point of view nito para lang umakma sa kanya. Tama. Bakit ngayon ka lang. Kung lahat nga naman e mahahanap na sa simula pa alng yung para sa kanila, walang problema. Walang sakit. Walang panghihinayang. Pero teka. Malay ba niya. E iisa pa nga lang ang lalaki sa buhay niya e. Anong alam niya.
Naisip niya si Red. Di niya akalain na magkaka-boyfriend ng katulad nito. Guwapo. Simpatiko. Macho. Ha! Ha! Ha!, natatawa niyang bulong sa sarili. Pero iba ang pakiramdam niya. Di na sila madalas magkita ni Red. Di na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nasisira ito sa pangakong pagpunta sa apartment niya. Siguro, busy lang talaga sa trabaho. Siguro, andaming kliyenteng dapat harapin. Siguro, maraming kailangang ayusing personal. Di rin naman kasi siya demanding kaya okey lang. Ang mahalaga, mahal siya nito, paglilinaw ni Lui sa sarili. Siya lang at wala ng iba, muling pagpapaalala ni Lui.
Tinapos na rin ni Lui yung hamburger at spaghetti bago muling hinarap yung mga papers ng estudyante niya. Maya-maya, pumunta siya sa kusina para itapon sa basurahan yung styropor at plastic cup. May ilang itlog na binabalatan ni Benj at inilalagay ito sa isang tupperware. Sa isa namang container nakalagay ang ground pork na naka-marinate. Di na niya ito inistorbo. Agad siyang bumalik sa sala.
Three years. Andaming magagandang alaala, sabi ni Lui. Yung pagpunta nila ng Baguio. Yung pagpunta nila sa Puerto Galera. Yung mga paglabas-labas nila. Yung mga gabing magkasama sila magdamag. Kinurot ang puso ni Lui ng maalalang matagal-tagal na rin pala ang mga sweet moments nila ni Red. Well, siguro, dapat na siyang masanay sa mga ganyang pagbabago. Dahil na rin siguro sa sobrang tagal, minsan, nawawala na yung spark. Pero di ibig sabihin nun na di na nila mahal ang isa’t-isa. Aaa, pagbalik ni Red, ipapakita niya dito kung gaano siya ka-sweet. Ibabalik niya ang dati, pangako ni Lui sa sarili. May bahagi ng puso niya na biglang na-miss si Red. Syet! Bakit ganun?! Ngayon ko lang ba siya naisip, sa dalawang linggong wala siya dito sa Pilipinas! Tama ba ito? tanong ni Lui sa sarili.
"Puwedeng magpatulong..". Nabigla si Lui sa biglang pagsulpot ng ulo ni Benj sa may pasilyong naghihiwalay sa sala at kusina. Mabilis na tumayo si Lui, at iniling ang ulo. Ano ba ito? Puro imagination ang nangyayari sa akin. Para akong luka-luka, tukso niya sa sarili, habang tumuloy na siya sa kusina.
"Yup.." sabi niya.
May nakasalang na kawali sa gas stove, habang hinahalo ni Benj ng kamay ang naka-marinate na ground pork. Sa mesa naman nakapatong ang kaserolang may nilagang itlog.
"Puwedeng patulong magbalat ng itlog. Pine-prepare ko pa itong baboy e.." si Benj.
"Ano ba itong lulutuin mo..?" tanong ni Lui, habang naupo na siya sa silya sa tabi ng mesa.
"Egg surpise.."
"Ano..?"
"Egg surprise" muling sagot ni Benj.
"Ang arte naman ng pangalan. E parang tortang itlog lang naman ito.." banat ni Lui.
"Di no. Yang itlog na yan, ibabalot sa ground pork. Tapos, ipa-fry. After niyan, lalagyan yan ng cheese sauce na me mashed potato sa ibabaw. Puwede pa sanang I-bake kaso wala akong oven e..." paliwanag ni Benj.
"Naks! Nakakagutom naman. Siguraduhin mo lang na mag-iiwan ka para hapunan ko ha.." si Lui.
"Yun lang pala e. Tatlo pa".
"Talaga. Uy! Magseselos si Nicos niyan. Tatlo para I love you..?" nakangising tanong ni Lui.
"Hindi ah. Thank you po.." nakangiting sagot ni Benj.
"Ambilis sumagot! Bagay nga kayo ni Nicos! He-he-he.."
Sinimulan na ni Lui na balatan ang boiled aggs. Inilalapag niya sa mesa ang itlog at pagugulungin. Kapag nag-crack na ang balat, tsaka niya aalisin.
"Bago yan ha.." nakangiting bati ni Benj sa ginagawa niya.
"He-he-he.. mas madali kasi.." sagot ni Lui. Kapag nabalatan na, inilalagay niya ito sa katabing plato. Narinig niya ang pagsisimula ni Benj ng pagpiprito. Maya-maya, umupo na rin si Benj sa mesa at nagsimulang mag-grate ng keso.
"Teka! Teka!" biglang sabi ni Lui. Tumingin kay Lui ang binata, nagtatanong ang mata. "E yumayanig naman kasi ang buong mesa sa ginagawa mo e..".
"Ay sori. Nape-pressure na kasi ako e. Baka mamaya, di ako umabot mamayang gabi e.."
"Sus! Kaya mo yan! O, tapos na to. Ano pa ang kailangan mong ipagawa sa akin. Okey lang.."
"Sensya na ha. Nakakahiya naman sa’yo.."
"Okey nga lang e.." sagot ni Lui, sabay kuha ng knoting grated cheese sa lalagyan ni Benj at isinubo.
"Sige. Pakitingnan na lang yung piniprito ko.."
Tumayo si Lui para tingnan yung piniprito. "Babaliktarin ko na ha..?" sabi niya kay Benj.
"Sige lang. Gets mo na naman yung idea e.." sagot naman ni Benj.
Habang binabantayan ang piniprito, kinuha naman ni Benj ang kaserolang pinaglagyan ng nilagang itlog at inilagay ang mga patatas. Nilagyan niya ito ng tubig sabay patong sa gas stove.
"Buti na lang, dalawa yung burner ko.." pang-aasar ni Lui.
"Kaya nga e. Salamat ha".
"Hay naku, sayang sa Shellane itong ginagawa nating ito.." muling pag-aasar ni Lui.
Tumawa si Benj. "Hayaan mo, babayaran ko kung magkano’ng mauubos ko sa LPG mo.."
Alas-sais pasado na ng matapos nina Lui at Benj ang niluluto. Nailagay na sa isang baking pan ang mga egg surprise na may cheese sauce na at mashed potato. Pinatungan na lang ito ng foil sa ibabaw para sa pagdadala ni Benj sa bahay ni Nicos. Alas-nuwebe pa ng gabi ang dating ng eroplano nina Nicos. Sa isang mangkok naman nakalagay ang tatlong egg surpise na hapunan ni Lui.
"O, iwan mo na yan. Ako na maghuhugas niyan.." suhestiyon ni Lui.
"Pasensya na. Alam ko, napakalaking abala ko na talaga.."
"Alam mo, napakaarte mo talaga. Buti natitiis ni Nicos yang kaartehan mong iyan.."
"Di naman maarte. Nahihiya nga ako e.."
Inirapan na lang ni Lui si Benj, sabay punta sa lababo para isalansan ang mga kubyertos, kaserola at iba pang nagamit sa pagluluto. Nahugasan na rin naman ni Benj yung mga naunang nagamit. Napansin ni Lui na pawisan ang t-shirt na suot ni Benj. Bukod duon, e puno pa ito ng mantsa.
"Aalis ka ng ganyan..?" si Lui.
"Hah?" sabay tingin sa suot na damit. "Ang dugyot no?".
"Oo nga. Gusto mo humiram ng damit?" suhestiyon ni Lui.
"Hindi. Okey lang. Me dala ako. Sige, magpapalit na nga ako.." sabay silip sa isa sa mga plastic bag na nakapatong sa silya. Inilabas nito ang isang polo. Bigla nitong inalis ang suot na t-shirt at tumambad kay Lui ang hubad na katawan ni Benj. Wala sa sariling napatalikod si Lui sa kaibigan. Syet! Ang ganda, bulong niya sa sarili. Ay! Manyak! Bigla naman segunda ng isip niya. Di nakalampas kay Lui ang magandang katawan ng kaibigan, pati na rin ang makinis nitong kalamnan, at ang buhok mula sa puson nito pababa. Prrt!!! Ambastos! Tama na. Tama bang sa loob lang ng isang segundo e natanim na yun sa isip niya! Manyak! Manyak!
"Magbibihis ka na? Mag-shower ka kaya muna. Teka kukuha kita ng tuwalya". Di pa man niya naririnig ang sagot ni Benj, nagmamadali siyang pumasok ng kuwarto at naghagilap ng malinis ng tuwalya. Paglabas niya, naabutan niyang sinisipat ni Benj ang tinanggal na t-shirt. Nakahubad pa rin.
"Eto o. Mag-shower ka muna. Dyosme. E amoy kusina ka pa noh. Paano kung bigla kang yakapin ni Nicos. Amoy sibuyas ka.."
"Thanks. Tol, anlaking abala na talaga pero di na ako mahihiya.." si Benj, inabot ang tuwalya sabay pasok sa banyo.
Naiiling na nilapitan ni Lui ang lababo. Nagsimula na siyang maghugas at pilit iwinawaksi ang kagagahang ginawa. Nakakahiya kay Nicos, ano ba? sumbat ng kanyang konsensya. Pag pumunta bukas si Red, hahalikan ko siya agad at rereypin. Pagsasasaan ko ang kanyang katawan. Siya ang soyta ko. Siya ang dapat na pinagpapantasyahan ko.
Bihis na ng lumabas si Benj ng banyo.
"So, una na ako.." sabi nito, sabay kuha ng mga gamit. Kinuha na rin ni Lui ang ibang mga plastic bag.
"Tulungan na kita" sagot ni Lui. Dinala nila lahat ang mga gamit ni Benj sa kotse na naka-park ng medyo kalayuan sa compuond. "Buti me dala kang kotse".
"Nahiram ko sa kapatid ko. Kaya nga madalas, driver ako ni Nicos, kasi wala akong sariling sasakyan. Pero plano ko na ring bumili" sagot ni Benj.
"O, ingat na lang ha.." si Lui, nakasilip sa bintana, habang inaayos ni Benj ang sarili sa driver’s seat.
"Again, pasensya na ha. Ang laking abala ko. Hayaan mo, next time, babawi ako.." sagot ni Benj.
Ngumiti lang si Lui. "Text mo ako ng details about your dinner ha. Naks! Ang sweet..".
Kindat lang ang sagot ni Benj, bago ito umalis.
Alas-diyes ng subukan ni Lui na tawagan si Red sa bahay. Walang sumasagot. Sinubukan rin niyang tumawag sa cellphone nito pero naka-off. Mga past eleven na ng gabi ng maisipan ni Lui na i-text si Benj at mangamusta. Pero hindi rin ito sumagot. Natigilan si Lui.
Bakit parang nanahimik ang lahat? Kinabukasan, hinintay ni Lui na tawagan siya ni Lui pero hindi ito nagparamdam. Buong araw siyang naghintay pero wala talaga. Di niya napigil ang sarili na magtext. Nagtatanong kung ano na ang nangyari, kung bakit wala itong sagot sa mga text niya nung nagdaang gabi. Gabi na ng mag-text ito at humingi ng dispensa. Tumuloy raw sila ng mga kasama sa trabaho sa Tagaytay, inimbita sila ng kanilang boss na dun mag-stay pagkagaling nila sa Singapore. Nakakagulat man, pero biglang pumasok sa isip niya si Benj at ang inihanda nitong dinner. Kahit masama ang loob, nagawa pa ni Lui’ng magtext kay Red at tanungin kung kasama nito si Nicos. Di na ito sumagot. Tinawagan niya ang number ni Benj. Tulad ng kay Red, di nito sinasagot ang tawag.
Ano ba? Bakit ganito ang nangyayari? Pinagtutulungan ba ako ng mga ito? Sa inis, pinatay ni Lui ang cellphone at maagang natulog.
Chapter 5
"I'm breaking up with Nicos, Lui.." umpisa ni Benj. Nasa sala sila ng apartment ni Lui. Hapon na ng magtext si Benj kay Lui. Nasa office pa ang huli ng matanggap niya ang text message ng kaibigan. Kung puwede raw itong dumaan sa apartment niya. Me ihihinga lang sanang problema. Agad namang pumayag su Lui. Medyo kabado siya ng sabihin nitong
me problema itong gustong ihinga.
Isang buwan ang nakalipas mula ng Singapore trip nina Red at Nicos. Nagtataka man, ipinagkibit-balikat na lang ni Lui ang di pagsagot ni Benj sa mga texts niya at tawag. Marahil, me problema, sa isip-isip niya. Mula sa Tagaytay, diretsang pumunta sa bahay si Red. Di itinago ni Lui ang sama ng loob sa kasuyo. Imagine, two days din siyang naghintay bago ito dumalaw sa kanya. Katulad ng dati, punung-puno ng pagpapaliwanag si Red. Brainstorming daw, order sa kanila ng kanilang boss. Kailangang mag-prepare ng action plan para sa presentation sa kanilang mga boss, kaya’t from Singapore, dumiretso ang grupo sa Tagaytay. E bakit wala ka man lang tawag o text, sumbat niya. Nagloko diumano ang cellphone nito at hindi magbukas. Di naman daw nito kabisado ang number niya kaya di siya makontak. Wala naman daw number si Lui kay Nicos. Nabura daw nung mag-reformat ito ng memory. E bakit hindi nagtanong kay Benj, tutal alam ni Nicos ang number ni Benj, balik niyang banat. May tampuhan diumano yung dalawa at ayaw ni Red na makialam sa away ng dalawa.
Tumahimik na lang si Lui. Ganyan naman talaga si Red e. Parating me paliwanag sa lahat ng tanong niya. Kung siya e matanong, si Red naman e maraming palusot. Kaya’t kung hindi siya magbibigay, parating hahantong sila sa away. Dumating na si Lui sa puntong ayaw na niyang humaba pa ang mga diskusyon kung kaya’t kung anuman ang paliwanag ni Red, tinatanggap na lang niya. Kung siya ay nasasaktan, tinatago na lang niya. Kung siya ay nagagalit, kinikimkim na lang niya.
"The last time we talked, its about your surprised dinner. After nun, wala na. Ano bang nangyari..?" simula ni Lui.
"Di siya umuwi. Pumunta ng Tagaytay. Nasayang lang pinaghirapan natin. We met the next day. Pero something was different. Basta. Ibang klase. I never thought he’d do this to me.." nakayukong pahayag ni Benj.
"Bakit..?" mahinahong tanong ni Lui kay Benj.
"It's impossible e. I don't want to go to details. But... ibang klase.." pilit na pagsasalita ni Benj. Nakalaylay ang balikat ng bisita, habang nakaupo sa sofa.
"Ayokong makialam. Pero baka naman you still can work it out.." suhestiyon ni Lui.
Tumingin si Benj sa kaibigan. "There are things na di ko mai-explain Lui. But it really has to end".
Di alam ni Lui kung ano pa ang sasabihin. Gusto niyang maging mabuting kaibigan, kung kaya't gusto niyang magkaayos ang dalawa. Pero sa loob-loob niya, baka sinasaktan lang ni Nicos si Benj, kung kaya't mas mabuting tapusin na nila ang kanilang relasyon.
Hinawakan niya ang kamay ni Benj. "You're the only person who knows kung tama ba o hindi ang ginawa mo. All I can say is that as long as you're happy with your decision, then go.."
Ngumiti is Benj. Hinawakan din ang kamay ni Lui. "I'm leaving for Cebu for a month. Me trabaho akong aasikasuhin dun. Atleast, malalyo na rin ako kay Nicos for sometime..".
Pinigilan ni Lui ang maluha. Dito ka na lang muna, gusto niyang sabihin. Pero di iyon dapat dahil kaibigan rin niya si Nicos. "I understand.." tugon niya kay Benj.
"Thanks for being a friend Lui. Iba ka. Red is lucky to have you.." sabi ni Benj sa kanya.
"Ano ka ba? Para kang mamamatay. Babalik ka rin di ba..?" si Lui.
"I don't know.."
"Benj, basta always remember that you can count on me whatever happens with you and Nicos, okey? Friends pa rin tayo. Promise..?" si Lui.
"Ofcourse. And thank you kasi you consider me as your friend.." pagsasalita ni Benj.
"Because you've been a good friend to me too.." sagot ni Lui.
Kinuha ni Benj ang kamay ni Lui. Hinalikan ito. Nataranta si Lui sa inasal ng bisita pero di siya nagpahalata. Mali ito. Magagalit si Red. Nakakahiya kay Nicos. Di ito dapat. Pero sa puso niya, di niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Pagkatapos nito, di na niya makikita si Benj. Ito na ang huling pagkakataon.
Chapter 6
Dalawang araw matapos ang pagpunta ni Benj sa bahay, dinalaw siya ng Red. Hindi na rin siya nagtanong kung ano ang nangyari sa pagitan ni Benj at Nicos. Ayaw niyang ipahalata na nagpunta si Benj sa bahay para sabihin sa kanya ang paghihiwalay nila ni Nicos at ang plano nitong paglayo. Hihintayin na lang niya na ito ang magkuwento sa kanya. Sabado iyon. Hapon na ng dumating si Red mula daw sa pakikipagkita sa isang kliyente. May dala pa itong meryenda para kainin daw nila. Pagkatapos nilang magmeryenda, naisipan ni Red na maligo muna. May mga bihisan na rin naman siya sa apartment ni Lui. Pagkakuha ng pamalit, dumiretso si Red sa banyo.
Hinugasan ni Lui ang kanilang pinagkainan. Pumunta ng sala si Lui para sinupin ang anumang kalat na nagawa nila ni Red. Maya-maya, sinilip niya ang kuwarto at nakita ang nakakalat na pantalong pinaghubaran ni Red. Kinuha niya ito sa sahig at inilapag sa kama ng mahulog ang cellphone ni Red sa kama. Napansin niyang umiilaw ito, may tumatawag. Tiningnan niya ang screen at naka-register ang pangalan ni Nicos. Naka-mute ito. Nicos calling.
Sasagutin na niya sana ang telepono ng biglang natapos itong mag-ring. Napansin niyang 3 missed calls na ito. Pinindot niya ito at nalamang ang tatlong missed calls ay galing lahat kay Nicos. Pupunta na sana siya ng banyo para ibigay kay Red ang cellphone ng di sinasadyang mapindot niya yung ‘show’ sa mga messages na na-receive. Nabigla siya sa unang message na nabasa. Galing kay Nicos.
"Wer k n? I nid u hir. Alis ka na diyan. I’m so jealous of Lui pag andyan ka".
Di alam ni Lui ang gagawin. Animo’y huminto ang oras. Parang hinatak palabas ng kanyang katawan ang kanyang kaluluwa. Parang may kamay na humablot ang kanyang puso at piniga ito hanggang sa tumigil na ang pagtibok. Putangina!
Tiningan niya ang iba pang messages na di pa nabubuksan.
"Nka-mute k b? Answr mo nman pls. I nid to talk to you. I want u hir na. Alis ka na dyan and come here".
"Red, I’m going crazy hir. Sbi mo sandali k lng dyan. Dnt do dis to me".
"Wat we hav is special 2 me. Ur special 2 me. I luv u".
"Wat do u want 4 diner? Me? Hahaha! I’l 8 4 u hir".
Napaupo si Lui sa kama. Nahihirapan siyang huminga. Naibaba niya ang cellphone sa kama, at blangkong napatingin sa tokador kung saan diretso siyang nakaharap sa salamin. Kitang-kita niya ang kanyang repleksyon. Namumula. Sa ganung siya naabutan ni Red. Pumasok ito ng kuwarto at isinuot ang pantalon.
"Hon, kailangan kong umalis agad.. magkikita kami nung pinsan ko-"
Tiningnan ni Lui si Red mula sa pagkakatayo ng huli sa pintuan. Di nakalampas sa kanya ang pagkakatingin ni Red sa cellphone nito na nakapatong sa kama.
"Are you having an affair with Nicos..?" diretsahan niyang tanong.
"Wh-hhat? Ano ka ba? You’re acting crazy again..?"
"Red, please. Are you and Nicos more than friends?"
"Lui.. ano ba? Pumunta na nga ako dito, tapos, gaganyanin mo pa ako.."
"Red, answer me. I’ve read his texts. And its obvious. I only want to hear it from you". Di sumagot si Red. Tumayo ng kama si Lui. Hinarap si Red. "We promised. You promised – that if times like this will happen to us, we will be honest. Redentor, I need you to be honest once and for all. Are you and Nicos more than friends?".
"Di ka ba nagtitiwala sa akin..?" tanong ni Red sa kanya. Di umimik si Lui. "Hon, after three year, di kapa rin nagtitiwala sa akin.."
"Redentor, I’ve read the text. And it as clear as daylight kung ano ang nangyayari. You know I’ll find out later so tell me now.. Are you and Nicos more than friends..?!"
Katahimikan. Maya-maya, tumango si Red. Nagsimulang manginig ang kamay ni Lui. Pero di niya ito ipinahalata.
"Kelan pa..?"
"Lui, it was never planned. Something happened pero I planned na tigilan na yun. Once lang yun. But he was persistent. Until one thing led to another.. I never meant to hurt you.."
"They always say that Redentor. They always say that they never mean to hurt the other.."
"Kilala mo ako. I will never hurt you.."
"But you did. Do you still love me..?"
Muli, natigilan si Red. Parang sinampal sa mukha si Lui. Mas masakit pa kumpara sa pisikal na sampal.
"Do you love him?" muling pagtatanong ni Lui.
"Hindi ko alam Lui. Sorry" naiiling na tugon ni Red.
Huminga ng malalim si Lui. Napaupo si Lui sa kama. Nag-isip. Maya-maya, dahan-dahang siyang tumayo at lumapit kay Red. Hinawakan niya ang mukha nito ng dalawa niyang kamay at hinalikan sa labi ang kasuyo.
Walang apoy. Walang init. Walang kilig. Tama lang. Tama na.
"Goodbye Red". Dahan-dahang inakay ni Lui si Red palabas ng pinto ng kuwarto. "Please leave. Close the door when you leave. I don’t want to see you anymore.."
"Please Lui.."
"No Red. Wag mo na akong saktan pa. I will be okey. Habang me respeto pa ako for you, let’s call it quits. You know I’m willing to give up everything. I don’t deserve this. I’ve tried to make things work. We have a problem but I never picture that you’ll do this.. Please go".
"Lui naman. Do you still love me..?"
"I do. And to be honest, it was constantly diminishing. Now its gone. Flicker na nga lang yung magic e. But you have to blow it away.." si Lui, habang unti-unting napupuno ng luha ang mata.
"Hon.."
"No. Plesase Red, make it easy for me.. Leave".
"I’ll try to call you later okey.."
Tiningnan ni Lui si Red. "What for?" at isinara ang pinto ng kuwarto. Maya-maya, narinig niya ang pagsara ng pinto ng apartment. Umalis na si Red. Napaupo siya sa kama at dun inilabas ang kanyang mga luha. Tahimik siyang lumuha sa loob ng kanyang silid. Ang sakit-sakit. Pero pipi ang mga dingding sa kanyang hinaing. Hanggang sa makatulugan niya ang kanyang pagluha.
Chapter 7
Umaga iyon. Lunes. Mabigat ang pakiramdam ni Lui pero kailangan niyang pumasok sa school. Di rin niya naging gawi ang umabsent sa klase. Nakakahiya sa mga estudyante. 10 am pa naman ang klase niya. Kaya pasado alas-nuebe na nung siya ay dumating. Dumiretso sya sa department para mag-in. Buti na lang at walang masyadong tao. Ayaw rin naman niya kasing makipag-usap sa mga ito. Wala siya sa mood. Matapos pumirma sa attendance, sinilip niya ang kanyang pigeon hole kung saan inilalagay ng staff ng department ang mga papers at iba pang documents na iniiwan ng mga estudyante para sa kanya. Nagulat siya ng may nakalagay na isang brown paper bag sa loob.
"Ano 'to?" tanong niya kay Boyet, isa sa mga aide sa department.
Lumingon si Boyet sa kanya. "Sir, me nagpalagay po diyan. Kilala niyo raw po siya. Para sa inyo raw po..?".
Kinuha niya ang brown paper bag at binuklatnagulat sa nakita. Isang plastic container kung saan me laman - egg surprise. May nakakabit na note sa ulam. Kanya itong binuklat. "Will" ang bukod tanging nakasulat duon. 'Will"? Ano ang ibig sabihin nito? Pangalan? Nagtatakang tinupi ni Lui ang sulat. Isang tao lang ang kilala niyang nagluluto ng egg surprise. Si Benj!
"Anong oras ito dumating dito..?" baling ni Lui kay Boyet.
"Sir.. kanina pa pong mga 8:30. Naghihintay nga po siya diyan sa lobby, kasi late na kami nakapagbukas. Nilagay ko na lang po diyan. Alam ko naman pong me klase kayo ng 10 e.." sagot nito sa kanya.
"Anong itsura ng nagbigay..?"
"Sir, siguro mga kasing-tangkad niyo. Magandang lalaki. Maputi. Di ko lang naitanong ang pangalan. Kilala niyo ba sir..?" si Boyet.
"Hah?! A e baka.. sana itinanong mo ang pangalan.." sagot ko.
"Hayaan niyo, sa susunod, kung babalik, itatanong ko na po.." sagot ni Boyet.
Di mapakali si Lui. Me susunod pa nga kaya? Ibig sabihin, nandito na sa Maynila si Benj. Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung huli silang magkita nito. Pero ang tanong, bakit siya biglang nagparamdam? Ano ang plano niya?
Kinabukasan, 10 am uli ang klase ni Lui. Sinubukan niyang dumating ng bago mag-alas otso dahil me kailangan pa siyang i-encode sa computer niya sa loob ng kuwarto niya sa FC. Saktong alas-diyes ng umakyat siya sa Palma Hall para sa kanyang klase. Pagbalik niya ng department, agad siyang binati ni Boyet.
"Sir.. me nagpaiwan na naman po diyan sa pigeon hole niyo..?" si Boyet.
Nagmamadaling tinungo ni Lui ang pigeon hoel at muling nakakita ng brown paper bag. Dali-dali rin niyang binuklat ang laman nito, kung kaya't nahulog sa sahig ang nakaipit na papel. Pinulot niya ito at binasa. 'you'. Hah? Ano na naman ito..? "Will you..?" bulong niya sa sarili. Will you..? Marry me..? Syet! Ang jologs! Napakapakyut! Erase. Erase. Erase.
"Anong oras ito dumating.." muli niyang tanong kay Boyet.
"Mga 11:00 sir.. Nagmamadali nga yung nagdala e." tugon nito sa kanya. Muling tinitigan ni Lui ang hawak na ulam. "Tsaka sir," muling singit ni Boyet, "Aga daw po ang pangalan niya.." hirit nito.
Aga? Syet! Ikaw nga yun Benjamin. "Sige.. sige.. mauna na ako," sabi na lang niya kay Boyet. Dinala na niya sa FC room niya yung ulam at dito na niya ito kinain.
Miyerkules, walang klase si Lui. Pero dala ng mga pasikretong pagpapadala ng ulam, naisip niyang tumungo na rin sa department. Langhiya naman o, Benjamin, magpakita ka na! Nagulat pa nga ang mga tao sa department dahil tumuloy siya ng department. Kadalasan kasi e research day niya ang Miyerkules. Pagpasok niya ng department, napansin niya agad si Boyet. Nagkibit-balikat ito, nagpapahiwatig na wala pang nagpapalagay sa kanyang pigeon hole. Wala pa ang kanyang misteryosong egg surprise. Dumiretso siya sa kitchen nook, para kunwari e may hinahanap siyang kubyertos niya. Paglabas niya, napansin niyang nakatingin sa kanya si Jo, isa niyang kasama sa department na pareho rin niyang professor. Nakangiti ito sa kanya. Nagtaas siya ng kilay, nagtatanong ang mga mata.
"Wala pa noh?" tanong nito sa kanya.
"Alin?" sagot ni Lui.
"Yung secret admirer mo?"
"Hah? Sinong..? Anong..?"
"Tsaring! Itago pa ba yung secret admirer mo sa amin..?" balik ni Jo.
"Di ko alam ang sinasabi mo noh..?" sagot ni Lui, na sa nerbyos e napaupo sa isa sa mga computer at nagkunwaring me hinahanap na file. Lumapit si Jo at tumayo sa likod ni Lui na nakaupo na ngayon. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at bumulong.
"Bakla, alam naming me secret admirer ka na nagpapadala ng ulam noh? Anong masama dun? Dalaga ka naman. Sana binata yan ha..".
Nilingon ni Lui si Jo. "Parang gaga ito. Wala yun".
"Anong wala e ang guwapo raw nung nagdadala nun sa’yo. Bakit ba napakalihim mo Luisito.." sabi ng tinig sa likod ng mga steel cabinet. Mula sa likod e tumayo si Ma’am Nadia, ang kanilang department chair.
"Po…" nagulat na sagot ni Lui.
"Alam namin na me guwapong nagdadala sa iyo ng ulam. Masarap ba..?" si Ma’am Nadia uli.
"Siguro, masarap kasi di mo kami binibigyan. Madamot.." tukso ni Jo.
"Wala po iyon.." muling sagot ni Lui.
"E bakit ka nandito ngayon? Dati naman, hapon ka lang dumadaan dito pag Miyerkules e.. hinihintay mo no?" muling balik ni Jo.
Tiningnan na niya ng matalim si Jo. Plano na niya sana itong kurutin kung di nga lang nakatingin din si Ma’am Nadia.
"Okey lang iyon, Lui. Its time to collect and collect then select. After niyo ni Red, tama lang na maghanap ng iba. Ipakita mo sa kanya that it’s his lost..." si Ma’am Nadia. Natuwa naman siya sa matanda. Kahit may edad na ito, okey pa rin itong makisama sa kanila at walang judgements tungkol sa buhay-buhay nilang mga empleyado. Kahit matanda, groovy pa rin ito. Alam nito ang istorya nila ni Red, pati na rin ang kanilang paghihiwalay.
"Ma’am, pupunta na po ako ng BA library.." paalam ni Lui kay Ma’am Nadia.
"O, bakit? Eto naman, na-trauma na. Hintayin mo na dito.." si Ma’am Nadia.
"Di po. Okey lang po.." si Lui.
"Text na lang kita pag dumating, okey..?" si Jo, patuloy na nakangisi sa kanya.
Nagmamadaling umalis si Lui palabas ng FC. Sa labas, di niya alam kung saan siya pupunta. Masyadong malayo ang Business Ad building. Paano kung dumating nga at anlayo niya? Nakakaloka naman kung tatakbuhin niya mula BA pabalik ng FC. Dun na nagdesisiyon si Lui na sa Main library na lang siya pumunta. Past lunch time na nung siya e maka-receive ng text. Galing kay Ma’am Nadia, nagsasabing pumunta siya ng department. Dali-daling sinalansan ni Lui ang mga nagkalat na photocopies na nakalatag sa mesa at nagmamadaling tinungo ang FC. Pagbukas niya ng department, natigilan si Lui pagpasok ng pinto.
Animo’y isang picture taking ang nagaganap dahil karamihan sa kanyang mga kasama sa department e nakatayo at nakapaligid sa coffee table sa loob ng department habang sa gitna ng mesa ay nakalatag ang kanyang mahiwagang brown paper bag. Halos lahat ay animong hinihintay siya at nakangisi. Ugghh.. kakatakot! Mula sa pagkakatayo sa pinto e dahan-dahan siyang lumapit sa mesa.
"O, dumating na ang tanghalian mo.." sabi ni Ma’am Nadia.
"Akin po ba ito..?" tanong niya, patuloy na kinakabahan sa ginagawa ng mga kasamahan.
Inabot niya ang paper bag at akmang lalayo ng biglang nagsalitang muli si Ma’am Nadia.
"O? Saan mo dadalhin yan? Buksan mo na.." sabi nito, nakangiti sa kanya.
"A e wag na po. Sa kuwarto ko na lang po.." sagot ni Lui.
"Mag-inarte! Buksan mo na at ng matikman! Ang guwapo nung Aga ha.." singhal ni Jo. Biglang lumingon si Lui kay Jo. Aba’t nauna pa nitong makita si Benj kaysa sa kanya.
"Oo nga. Napakasuwerte mo naman Luisito.." sabat naman ni Sarah, isa ring propesor na kasama niya sa department.
Di nakagalaw si Lui. Napansin yun ni Ma’am Nadia kung kaya’t lumapit ito sa kanya. "No. Inabot yan kay Boyet sa lobby. Di siya nakarating dito. Eto talagang mga ito. Sige na, buksan mo na yan.." sabi nito sa kanya habang humagikgik naman sa katatawa ang dalawang propesora. Di pa natatapos ni Lui’ng ilabas ang plastic container ng bigla itong hilahin nila Sarah at mag-unahan sa pagbukas nito. Si Lui na lang ang nakapansin sa lumipad na papel mula sa paper bag. Di na niya inalintana kung maubos ng mga ito ang ulam. Dali-dali niyang pinulot ang papel at binasa. "Be". Will you be – ano?
"Ang sarap. Lui, kung meron pang susunod, pahingi uli ha!" hirit ni Sarah.
"Oo nga. Lui, sagutin mo na. Grabe. Kung siya ang papa ko, ibibigay ko na ang Bataan.." segunda naman ni Jo, sabay subo ng ulam. Di naman marami ang ulam kaya konti-konti lang ang pagkuha ng mga kasamahan niya. Pati si Ma’am Nadia ay naki-tinidor na rin sa ulam.
"Ay! Ubos na. Di niyo man lang tinirhan si Lui.." si Jo.
Ngumiti na lang si Lui bilang tugon. Inayos niya ang mga bitbit na gamit at sumenyas na kay Ma’am Nadia na mauuna na siya. Lumapit sa kanya ang huli.
"I’m happy for you. Basta, be happy, okey?" bulong nito sa kanya, nakangiti.
Tumango lang si Lui bilang tugon bago lumabas ng department.
Huwebes. Katulad ng nakagawian niya, pumasok muna siya ng department bago tunguhin ang kanyang klase nung araw na yun. Dahil alam na ng department ang nagaganap sa kanya at sa kanyang secret admirer, pagpasok pa lang ay sinabi na agad ni Sarah na wala pang dumarating na ‘package’. Ala-una ang kanyang consultation para sa mga estudyante kung kaya’t matapos ang klase niya ng ala-una, dumiretso na siya sa FC room niya. Pagdating niya, may tatlong estudyanteng nakaupo sa sahig sa labas ng kanyang FC room.
"Kanina pa kayo?" tanong niya sa mga ito habang inilalabas ang susi sa kanyang bulsa.
"Yes sir.." sagot ng mga ito.
Pagbukas ng kuwarto, di na niya isinara ang pinto at pinapasok ang mga estudyante.
"Ano yun..?" tanong ni Lui sa mga ito.
"Sir, yung group report namin next week, me itatanong lang.." sagot nung isa.
"Teka lang ha. Upo muna kayo" sagot niya sa mga ito sabay labas ng room at tinungo ang department. Nakasara pa ang window ng counter pero tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Nakasalubong niya si Boyet.
"Wala pa sir e.." sagot nito sa nagtatanong niyang itsura.
Tumango lang si Lui, sabay labas. Syet! Benjamin ha! Tama ba itong ginagawa mo sakin! Pagpasok niya ng FC room niya, napatingin ang tatlong estudyante sa kanya. Dun niya napansin na ang isa sa mga ito ay may bitbit na brown paper bag. Napansin ito ng estudyante, at animo'y may biglang naalala.
"Ay sir! Pinaiwan nga pala ito sa inyo kanina nung guy.." sabi ng isa sa mga estudyante, sabay abot ng paper bag.
Kinuha niya ang paper bag mula dito at ipinatong sa mesa. Gusto sana niyang magtanong pero minabuti na lang niyang wag na pahabain pa at baka mag-isip ng iba ang mga bata. Gustong-gusto rin niya sanang buksan ito pero nahihiya siya sa mga estudyante.
"Umm.. So, ano nga uli yung report niyo..?" si Lui. Di naman umiimik ang mga ito. Waring naghihintay. "Bakit..?" tanong ni Lui.
"Buksan niyo muna sir.. baka importante.."
"No. Okey lang. Mamaya na. Kayo, ano yung kailngan niyo sakin..?" sabi niya.
Di pa rin nagsalita ang mga ito. Parang hinihintay ang pagbubukas niya ng paper bag.
"Ano yun..?" bigla niyang nasabi.
Nagbungisngisan ang mga ito. "Sir, buksan niyo na po.."
"Di nga yun importante e.."
"Sir, alam naman po sa org yung tungkol sa secret admirer niyo e.." tukso nung isa.
Nagulat si Lui. Aba’t mukhang magagalit na ako ha, bulong niya sa sarili. Mabait si Lui sa kanyang mga estudyante. Minsan nga, parang magkakabarkada na lang ang trato nito sa kanya, at okey lang sa kanya yun. Pero paanong pati ito e nalaman nila.
"Si Ma’am Sarah po ang nagkuwento.." sagot nung isa.
At ang gagang Sarah! I-tsinitsismis pa ako sa mga estudyante. "No, let’s go to your report. Kayo talaga, pati yang mga tsismis na yan, pinapatulan niyo.." sabi niya. Di na nagpumilit ang mga bata. Pagkatapos ng kanilang konsultasyon, patuloy ang pamimilit ng mga ito na buksan na nila ang kanyang paper bag pero malumanay niyang pinalabas ang mga ito. Paglabas ng mga bata, dali-dali niyang binuksan ang paper bag. Muli, isa na namang egg surprise. At naka-scotch tape na rito ang isa na namang note. "Mine". Sa ilalim ng salamin ng kanyang mesa nakaipit ang naunang tatlong note na kasama lagi ng kanyang egg surprise. Will you be mine. Yes! Yes Benjamin, bulong ni Lui sa sarili. Ano ba ang plano mo Benj? Di na nagawang kainin ni Lui ang ulam. Sumasakit ang ulo niya kakaisip kung ano ang plano ni Benj. Pangalawa, kailangan pa niyang pumunta sa susunod niyang klase.
Chapter 8
Biyernes. Kagabi pa nagpapaikot-ikot sa isip ni Lui ang naganap buong Linggo. Will you be mine. Syet!!! Pagkatapos ng maraming taon with Red, never niyang naisip na may ganitong karanasan na namang magaganap sa buhay niya. Di ba’t si Benj pa ang nagsabing ang suwerte niya, dahil di na niya kinailangang maranasan ang heart aches ng paghahanap dahil natagpuan na niya si Red. Yun ang akala nila pareho. Yun pala, di rin siya suwerte. Di niya alam kung may kasunod pa sa pagpaparamdam na ito ni Benj. Ni hindi nga niya alam kung alam ni Benj ang nangyari sa kanya at kay Red.
Kahit may klase, sinikap ni Lui na dumaan-daan sa department para silipin kung me ‘package’ na siyang dumating. Ang nakakatawa, parang lahat na lang yata sa department ay naghihintay rin sa mangyayari. Bawat pasok niya, agad me sumesenyas na wala pa, mula kay Boyet, sa mga ibang propesor pati na rin kay Ma’am Nadia. Nung papunta naman siya sa Palma Hall para sa kanyang klase, pati na yung mga estudyante niya na nasa tambayan ay nagtatanong rin kung dumating na ba ang kanyang ‘package’. May iba pa nga na nagsabing wala pa. Di niya alam kung maiinis siya, matutuwa o maloloka sa nangyayaring pakikialam ng mga tao sa kanyang pribadong buhay. Pero wala siyang magagawa. Ganyan siguro talaga kung ikaw e sikat. Etchos! Palakaibigan pala. Lahat ay aastang nakikiramay o interesado sa buhay mo. Natapos na ang klase niya, dumaan na ang lunch break, pati meryenda, wala pa ring dumarating. Natatawa siya ng mukhang lahat sa department e kinakabahan na.
"Bakit wala pa?" tanong ni Jo.
"Oo nga.." segunda naman ni Arnold, isa ring propesor. Nakatingin ang mga ito sa kanya, pagpasok niya after lunch.
"Malay ko.." pakaswal niyang sagot.
"Baka naman me ibang plano..?" singit muli ni Jo.
"Anong plano..?" tanong ni Lui.
"Baka ngayon na yung day of reveleation. O my God! Luisito! Baka ngayon na magpo-propose!" tili ni Jo.
"Ssshhh.. tumigil ka nga. Quiet…" sabi ni Lui.
"Oo nga naman. Baka ang plano niya e one week na magparamdam. Wala ng pasok bukas kaya baka naman ngayon na siya magpapakita.." singit ni Ma’am Nadia, palapit sa kanila.
Tumingin si Lui kay Ma’am Nadia, simpleng ngiti lamang ang sinagot. Maya-maya pa, lumabas nalang si Lui at tumungo sa FC Room niya. May klase siya ng 2:30 hanggang 4:00. Matapos ang klase, dumiretso siyang muli sa FC room niya. Ayaw na niyang kulitin tungkol sa kanyang package. Kinuha niya ang lata ng Skyflakes at nagsimulang kumain. Tsk! Sayang. Wala pa naman akong pagkain. Akala ko, meron ako uling ulam e, bulong ni Lui sa sarili. Alam naman niyang kung meron man siyang ‘package’, kanina pa nagkagulo sa department at pinatawag na siya. Biglang nag’’ting!’sa isip niya yung sinabi ni Ma’am Nadia: ngayon daw yung huling araw ng pagpaparamdam. Kinabahan si Lui. Ano nga’t magkatotoo yung sinabi ni Ma’am Nadia. What if? Inalis niya yung mga nakapatong sa kanyang mesa at tiningnan yung mga notes na nakasingit sa salamin ng kanyang mesa: Will you be mine. Syet!
Tok. Tok. Tok.
Nagulat pa si Lui sa narinig na katok sa pinto.
Tok. Tok. Tok.
Lumapit siya sa pinto at dahan-dahang sinilip ang nasa kabila. Pigil hininga. Syet na malagkit! Pagbukas, si Boyet lang pala.
"Yup..?" tanong niya.
"Sir, pinapatanong po ni Ma’am Nadia kung kumain na kayo..?"
"Hah? A e ok lang ako. Busog pa ako.." sagot niya.
"Me pagkain po kasi sa department. Baka gusto niyo raw.." si Boyet.
"Okey lang. Busog ako.." sagot niyang muli.
Pag-alis ni Boyet, napaupo na lang si Lui sa maliit na sofa sa loob ng kanyang FC room. Anak ng tokwa! Ano ba itong nangyayari sa akin. Akong gumagawa ng sarili kong pantasya, tapos ako itong kakabahan ng ganito, galit niyang banat sa sarili. Sa inis, kinuha niya yung mga librong nasa side table niya, mga librong hiniram niya sa library at nagpasyang isoli na ang mga ito para makalabas siya ng FC at makapagpahangin.
Pasado alas-sais na ng siya ay makalabas ng library. Maraming mga estudyante ang nagkalat pa rin sa campus, karamihan ay naghihintay ng sasakyan pauwi. Mula sa Main library, naisipan na lang niyang lakarin mula sa Main Library papuntang Faculty Center. Kadalasan kasi e sa loob ng Palma Hall siya lumalakad papuntang library.
Nang malapit na siya sa Faculty Center, may isang pigura na dagling nakakuha ng kanyang atensiyon, bagkus maraming mga tao roon, lalo na yung mga estudyanteng naghihintay ng jeep palabas ng campus. Nakatayo ito sa kalsada, animo’y may malalim na iniisip. Nakatingin ang lalaki sa parte ng UP Lagoon kung kaya’t nakatalikod ito sa kanya. Hindi mawari ni Lui subalit kilala niya ang lalaking nakatayo kahit pa ito nakatalikod. Nakamaong itong kupas at naka-t-shirt. Napansin rin niyang nakasindi pa ang sigarilyo nito sa kanang kamay habang may hawak ito sa kabilang kamay: isang brown paper bag. Si Benj.
Di malaman ni Lui kung lalapit o lalayo. Isang parte ng utak niya ang gustong tumakbo at yakapin ito (Nyek! Parang leading lady sa pelikula!) samantalang sa kabilang banda, di niya alam pero me parte na nahihiya siya at gustong tumakbo papuntang FC at hintayin na lang ang pag-iwan nito ng kanyang egg surprise sa pigeon hole niya sa department.
Huminga ng malalim si Lui bago tuluyang lumapit sa lalaki. This is it! sabi niya sa sarili. Now or never.
"B-benj.." sabi niya ng medyo dalawang metro lang ang layo niya sa lalaki. Bigla itong lumingon sa kanya. Medyo pumayat si Benj kumpara sa huli niya itong makita. Pero mas lalong gumuwapo. Pagkita sa kanya, pinilit niyang itago ang pagtawa nung para itong nataranta.
"Lui.." sagot nito, sabay tago sa likod ng brown paper bag.
"Umm.. bakit ka nandito.." pasimple niyang tanong.
"Ummm.. Nahuli mo na ako e. Ano pa ba ang gagawin ko dito..?" sabi nito, nahihiyang ngumiti.
"E ano nga ang ginagawa mo dito..?" si Lui.
Ngumiti na si Benj. Inabot ang hawak sa kanya. Kanya itong kinuha. At binuksan. Tama nga. Egg surprise.
"Kumain ka na ba..? Sensya na at na-late.." si Benj.
Ngumiti rin si Lui. "Why Benj..?".
"I heard about you and Red. I guess alam mo na kung ano yung sinabi ko sa’yong dahilan why Nicos and I broke up. Sorry..". Nanatiling nakatingin lang si Lui. "Ayokong manghimasok. Kaya kahit alam ko na, di ako nagsalita. I was hoping Red will choose you.."
Mapaklang ngumiti si Lui. "We fell out of love. Funny but it was not that painful. I guess alam ko na, but I refused to read the signs. We both deserve to be happy. And I can’t be happy with the person I have lost the feelings..".
"Sorry.." si Benj.
"Bakit? Ikaw ba ang dahilan. Di naman, di ba? I guess it’s the perfect timing.."
"Are you still hurting..?"
Di sinagot ni Lui ang tanong ni Benj. "Why Benj? What’s going on..?" tanong ni Lui.
"Are you still hurting?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko..?" si Lui.
"Ako ang unang nagtanong. Answer me first, then I’ll answer your question.." si Benj.
"No. Not anymore. I moved on. And I guess me kasalanan din ako kay Red. I fell out of love with him and fall in love with somebody new..".
Tumango lang si Benj. "I see.."
"So, why all these? What’s up.."
"Di na kailangan. I can see you moved on na."
"Benjamin, why?! You need to answer me".
"I’m in love with you Lui" sabi nito, nakatingin ng diretso sa kanya. Di alam ni Lui kung hihimatayin o maglulupasay sa tuwa. He loves me!!! Yehey!!! Pero siyempre, di niya ito pinahalata. "I was hoping I can replace Red sa buhay mo. Try our chance together. But I guess I’m too late.." nakayukong pahayag ni Benj.
"I don’t understand.."
"Sa oras na pinagsamahan nating dalawa, you made a difference sa buhay ko. Unfortunately, kinailangan ko pang sa Cebu malaman yun. I was able to moved on thinking that it could be possible with us.. When I learned about Nicos and Red, I felt betrayed. Kaya ako pumunta sa’yo. I plan to tell you. But you were so understanding. So supporitve for me and Nicos to work things through. I didn’t have the balls to hurt you. While in Cebu, I always think of you. You knowing whats happening with Nicos and Red. You hurting. You depressed. Pero ayokong manghimasok. What if hindi naman pala. I want you so bad it hurts. Then, nalaman kong naghiwalay kayo. I don’t want you to think this is like a rebound. But if I could have a chance to be with you, I would..".
"Everything worked out the way it should be Benj. Wala na akong balita sa kanila. And I don’t want to know. It had been two-three months. But I moved on. And I don’t want to look back" si Lui.
"Yeah. I know. But I’m late. Shit!"
"Late? Anong late?" pagkaklaro ni Lui.
"Nevermind".
"Ano ba Benjamin?! Lagi mo bang hindi tatapusin ang sentence mo? Kung ganyan ka ng ganyan, di talaga tayo magki-click.."
Napatingin si Benj kay Lui. "You already have someone new.."
Ngumiti si Lui. "I’m in love with you Benj. I don’t know when it happened, where it happened, how it happened," sabi ni Lui sabay hinga ng malalim, "but I was hoping we will also have our chance.."
Maluwag na ngumiti si Benj. "You mean..?"
"O tapusin mo.."
"You mean you’re willing to give us a chance?"
"Definitely".
Hinawakan ni Benj ang kamay ni Lui. Animo’y bagong taon dahil parang sangkatutka na luces ang umilaw sa kanilang paligid. Maya-maya, may narining silang busina.
Beep. Beep. Beep.
Pagtingin ni Lui, si Ma’am Nadia, nagda-drive ng kotse nito habang nakasakay si Jo at Sarah. Huminto ang sasakyan sa tapat ng dalawa.
"Siya ba..? Siya ba..?" si Sarah, nakadungaw pa ang ulo sa bintana na nasa likod ng kotse.
"Lui, guwapo ha! Sagutin mo na!" sigaw naman ni Jo.
"Baka naman maghalikan pa kayo diyan sa kalsada. Pumasok na kayo sa loob at dun niyo ituloy!" tukso naman ni Ma’am Nadia.
Namula ang mukha ng dalawa. Nung umalis na ang kotse, inaya ni Lui si Benj sa FC room niya. Pagdaan nila ng FC walk, may mga estudyante siyang Socio majors na nakasalubong niya.
"Uyy sir, boyfriend niyo..?" tanong nung isa.
Ngumiti lang si Benj ng marinig ito samantalang kinuha ni Lui ang kamay nito sabay sagot ng "Oo".
Pagpasok nila ng room ni Lui, umupo ang dalawa sa maliit na sofa at binuklat ni Lui ang egg surprise. Umakbay pa sa kanya si Benj. "O, bakit wala ng note?" sabi niya kay Benj.
"Anong note?" sagot ni Benj, nakangisi.
Tumayo si Lui at lumapit sa mesa. Kinuha niya ang mga nakaipit na note sa ilalim ng kanyang mesa, at ipinakita ito kay Benj.
"Will you be mine. Mali, kasi statement na siya? Walang question mark..?" si Lui.
"Pati yun, talaga namang pinansin mo ha".
"Siyempre".
"Eto ang kasunod niyan e – " sabi ni Benj sabay tayo. Sa t-shirt ni Benj, nakasulat ang salitang forever, pagkatapos, ay tumalikod ito para ipakitaang logo ng kanyang pantalon na question mark. "Gets?" Ngumiti lang si Lui. Si Benj naman, pabagsak na naupo sa sofa sabay kuha ng kamay ni Lui. "Will you be mine forever?" halos pabulong na nitong tanong, sabay halik ng mabilis sa labi ni Lui.
Nangiti si Lui sa ginawa ni Benj. "And if forever’s not enough for me to love you, I’d spent another lifetime baby.." sagot nito kay Benj, sabay halik muli sa labi ng binata.

END

No comments: