Saturday, August 27, 2005

(Story) BECAUSE OF YOU
by Jacques Cole



(Cellphone ringing)
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring.."
Kahit alam ko na magri-ring ang cellphone ko, medyo nagulat pa rin ako, bago ko ito kinuha mula sa pagkakapatong sa mesa at tiningnan ang screen.
"1 missed call"
Pinindot ko ang keypad at lumabas ang kanyang pangalan. "Charles".
Ibababa ko na sana ang phone ko muli sa mesa ng makita kong may naka-register akong isang message.
"Almost der. Pls w8"
Galing kay Charles. Tsk. Di ko alam kung bakit ako pumayag sa ganitong usapan. First time naming magkikita ni Charles. Ang usapan, 1:00 pm. Dito sa McDonald’s sa Glorietta. Dahil malayo pa ang panggagalingan ko, maaga akong umalis ng bahay. Ayoko kasing matrapik at nahihiya akong mahuli. Nakagawian ko na yun. Di namin alam ang itsura ng bawat isa. Basta ang usapan, sa loob ng McDo. Dahil sa walang trapik sa express at sa EDSA ng araw na iyon, 11:00 pa lang ng umaga e nakarating na ako ng Makati. Imagine, 2 hours pa ako maghihintay. Kaya’t naglakad-lakad at nagwindow shopping muna ako sa loob ng mall. 12:30 ng mapagpasyahan kong pumunta na sa McDo, kumain at maghintay.
Paano kami magkikita? Korni, pero dahil di namin alam ang itsura ng bawat isa, nag-isip kami ng kakaibang paraan. Well, ang usapan, pagdating ng 1 pm, at pareho kaming nandun na sa McDo, he’ll ring my cellphone. Sabi ko sa kanya na ang ringtone ko e "Because of You". So, pagnarinig niya yun, that’s me. Ganun kasimple.
Di ako sanay na naghihintay. Madalas na di maganda ang experiences ko sa first time eyeball, at kanina ko pa pinagdarasal na sana ay wag na siyang dumating. Kaya dinarasal ko na sana e mag-ala-una na para pagdating ng 1:05, makakaalis na ako at magmumukhang di ako nang-indiyan. Tumingin ako sa relo ko. 12:55. Tsk.. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Shit! What if di niya ako magustuhan? What if di ko siya magustuhan? Paano namin gagawing masaya ang aming first meeting?
Maya-maya, me papasok na guy sa loob ng McDo. O my God! Is it him? Siya na kaya yan? Siguro, mga 5’8 etong guy. Ka-height ko. Maputi at mukhang tsinito. Syet! Siya na kaya ito?! Medyo buffed ang katawan, lalo pa’t naka-sleeveless na black shirt. Nagpalinga-linga yung guy sa loob ng fast food, ng biglang ngumiti, habang nakatingin sa akin. Shucks?! Nataranta tuloy ako kaya bigla akong yumuko at tumingin sa cellphone ko. Papalapit na yun guy, kaya nag-isip na ako ng sasabihin.
Kaso, bigla siyang lumampas at umupo dun sa mesa sa likod ko, kasama yung mga magkakabarkadang kanina pa maiingay sa likuran ko.
Shit naman o, sabi ko sa sarili ko. E bakit ka ba naman kasi nag-e-expect na guwapo siya, e makikipagkita nga sayo e, sermon ko sa sarili ko. Maya-maya pa, me nakita na naman akong guy sa me pintuan. Guwapo. Siguro nasa 5’11 ang taas. Maputi. Medyo mahaba ang buhok. Nakaputi siyang t-shirt, yung usong bench shirt na me print na "Bench ko ‘to" na lalong nagpaguwapo sa kanya. Hapit ito sa kanyang katawan kaya kita ang katawan niyang banat sa gym! Nakamaong pants at rubber shoes. May hawak itong cellphone at mukhang me hinahanap. Palinga-linga itong naghahanap.
"Bakit ba naman kasi di ako humingi ng info kahit na yung isusuot lang niya ng di ako ganitong parang naghihintay sa wala!", muli kong bulong sa sarili ko, na nagsisimula ng mairita!
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring.."
Nataranta akong muli ng marinig ko yung ringtone na yun. Dagli kong inabot ang aking cellphone, pero wala namang naka-register na tawag.
"Anak ng.." sabi ko, sabay hanap kung kaninong cellphone yung nagri-ring. Napalingon ako sa likod ko nang makita kong yung isa sa magkakabarkada sa likuran ko ang may hawak ng cellphone at nakipag-usap sa kabilang linya. Pano ito, baka sandamakmak pala ang me ringtone na ganun, lalupa’t uso ngayon ang kantang iyon! "Shit.." bulong ko sa sarili ko. Titingnan ko sana yung guy na nasa pinto ng biglang ..
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring.."
Muli, nagulat ako sa pag-ring ng cellphone. Ngayon, sigurado akong akin na yon! Tiningnan ko ang phone ko at sa screen, nakasulat "Charles calling". Akmang sasagutin ko ang aking cellphone nang pag-angat ko ng mukha ko, nasa tabi ko na yung "bench ko ‘to" guy na kanina e papasok pa lang ng fastfood. Nakadikit sa kanyang tenga yung kanyang cellphone. Nakatingin siya sa akin, nakangiti, sabay sabing, "Charlie?"
------oOo------
Dalawang buwan na mula ng magkakilala kami ni Charles. Bago pa lang ako nuon nag-eexplore sa internet nang maging member ako ng isang yahoo group kung saan puwede kang sumulat ng kuwento at i-post para sa mga members. Gay erotica ang concept ng yahoo group kung kaya’t na-engganyo akong magsulat ng mga stories at i-post dun. Mga lampas sampu na rin ang nasusulat ko para sa group ng biglang isang araw, makatanggap ako ng isang e-mail mula sa isang "Charles".
Kapo-post ko pa lang nuon ng isa kong story, yung "Kangkangerang Kuba". Sabi niya sa e-mail, "Congrats. Pre, it was a riot! You were able to combine sex and humor. You’re good". Siyempre, nagulat ako, aside from natuwa dahil me nag-react sa istorya ko. E sa dinami-dami ng mga na-post kong istorya, suwerte mo na kung me isa o dalawang mag-comment o mag-appreciate sa story mo (except kung kilala kang good writer sa group). So, sumagot ako, "Thanks. Atleast somebody appreciated my work". The next day, muli akong may natanggap na e-mail niya: "You mean to tell me nobody is commending your work? You’re good, believe me. I’ve checked the message board for stories you posted before and they were all amazing. Keep it up".
Di ako makapagsalita. Nanloloko lang ba ito o nang-aasar? E-mail uli ako: "Di ko alam kung nang-aasar ka o nang-iinsulto. Thanks anyways". I opened my other e-mails after sending him my reply, ng bigla, after going back to my inbox, aba at me sagot na siya agad!
"I’m not kidding. I admire you for being able to write good stories. You’re amazing". Shit! sabi ko sa sarili ko. Di ako makapaniwala sa sinasabi ng mokong na ito. Di na ako sumagot.
Di ko maalis ang sinabi niya. "You’re amazing". Di ko mapigilang ngumiti pag naaalala ko iyon. Imagine having someone tell you you’re amazing! Days passed nang muli akong magbukas ng e-mail. Meron na naman siyang message para sa akin. Kabado ko itong binuksan.
"Why didn’t you respond? Did I offend you or something? Tell me. Here’s my number just in case". May ibinigay siyang cellphone number. Shit ka talaga?! Why are you making this difficult for me? sabi ko sa sarili ko. Honestly, I’m beginning to be intrigued.
Maya-maya, tiningnan ko ang pangalan sa sender: Charles. Hmmm. Code kaya ito o tunay niyang pangalan? Baka naman fan siya ni Prince Charles? Imagine, almost the same pa ang aming mga pangalan. Siya Charles, ako Charlie? What a coincidence? Kung totoong pangalan, supposedly me apelyido sana. Pagkatapos, pinagbalingan ko naman ang kanyang e-mail address: toodamnsexy69. Too damn sexy? Sexy nga kaya siya o baka naman kabaligtaran? Napaka-self-righteous kaya niya o pa-impress. 69? Ano kaya iyon? 69 kaya yon na bastos yung meaning, o 69 as in 1969 siya ipinanganak? Sa totoo lang, di ko magawang i-delete yung mga nauna niyang message kaya isa-isa ko itong in-open para muling basahin. Hmmm. Inglesero. Kadalasan sa message niya, English? Baka kaya mayaman, coño at sosyal? Duon sa una niyang e-mail, gumamit siya ng "Pre". Purposely kaya niya iyon ginamit para magmukhang siyang macho o natural lang niya itong ginagamit sa pakikipag-usap. Mostly, sa mga bading na kilala ko, di sila marunong gumamit ng mga word na pare, tol, brod, except kung purposely e nagpapamukha silang macho. Sa totoo lang sumasakit ang ulo ko sa analysis na pinaggagagawa ko.
Kinopya ko ang number niya sa cellphone ko. Di ko napigilang pindutin yung ‘call’. Nag-ring ang cell niya! Dali-dali kong in-off ang cell ko sa sobrang kaba! Ano ba ang iniisip ko? Inabot siguro ako ng mga 20 minutes bago ko in-on muli ang cellphone ko ng may mag-register na message.
"Hu r u?" text sa akin ni Charles.
Ayokong maging bastos (kahit bastos na yung ginawa ko kanina) kaya sinagot ko siya. "Hi. Hope im nt disturbing. Dis is Charlie".
"Charlie d writer?" text back niya.
"Yup. Me iba p b?" sagot ko.
Dun na nagsimula ang frequent exchanges namin ng texts. Nung una, puro basic personal informations lang. Hanggang sa pati na yung mga personal experiences e napag-usapan na namin. Dun ko nalamang he’s 35 years old (sabi na nga ba, 1969 siya ipinanganak e and he’s 11 years older than me). He is an Architect and lives and works in Makati. He just came from a previous relationship three months ago with a guy he’d been with for two years. He now lives alone in his pad and is searching for a possible relationship.
Dahil na rin sa di ko alam kung totoo ang sinasabi sa akin ni "Charles", I also gave some personal information about me na di ko naman ikakasira kung sakali ngang later on e gago pala ito. The urge to lie came up, but I somehow felt his sincerity, so I told him basically the truth about me. Well, I hid some facts. Okey na yung magtago, kesa magsinungaling.
There came a point na we had phone sex before we sleep. Nag-umpisa yun ng mag-forward siya ng bastos na text message. Sinagot ko yun by forwarding him another text message na bastos rin ang content. Mula nuon, nagsimula na kaming mag-exchange ng mga bastos na text messages – mga gagawin namin sa isa’t-isa kung kami ay magkikita. Sa isang linngo, three or four times a week namin yun ginagawa. Nakasanayan na namin na kapag gabi na, at magsimula siya o ako na magtext ng bastos, yun na ang susunod naming gagawin.
Since then, I never initiatied for us to meet. I liked the idea that I have a friend who I don’t have any idea or image of, but I can trust and rely on pag kailangan ko ng kaibigan. I didn’t even ask for his picture, para atleast di na rin siya hihingi ng picture ko, which he did. I’ve met guys through the net (or cellphones) and when they see you in person, they’ll immediately reject you (as if they look better!). I’ve had my share of rejections, and this relationship with Charles is better this way than have him reject me. I’d rather continue this flirting and friendship in an anonymous way.
Kaso, after two months, he dropped the bomb. "Can we mit?" text niya sa akin isang umaga. Nagulat ako. I thought our relationship is beyond meeting! Sumagot ako: "Why?". "Wat do u mean y? We’v bin friends 4 2 mos & we’ve nvr seen each other? Cmon. I’d lyk to mit u", text back niya. Inunahan ko na. "U won’t lyk me wen u see me. Pangit ako. Sobra".
"So? I don’t care abt looks. Besyds, panget din ako" sagot niya. What? Panget din siya? Is this another panget to panget moment? Ok. I admit, Im also a face person. Pero di naman mataas ang standards ko. As long as acceptable. I’ve met guys na napaka-feeling, pero in person, no words are there to describe ang kanilang face value!
So, I texted back "Wen & wer?". At dun napagkasunduan: McDo Glorietta. 1:00 pm. Saturday.
------oOo------
"Charlie?"
Tumingala ako para salubungin ang kanyang ngiti. Nakalahad din ang kanyang kamay para sa pakikipagkamay. Di ako agad nakapagsalita. Syeeeet… ang pogi……!
"Charles…?" sabi ko sabay kuha ng kamay niya para i-hand shake.
"Pasensya na, muntik pa akong mahuli. Nahirapan akong mag-park e. Have you eaten?" sabi niya sabay tingin sa nagkalat na balot ng mga kinain ko kanina.
"Yeah. Yeah.." sabi ko sabay salansan ng mga pinagbalutan. "Alam mo na, ang layo pa ng pinanggalingan ko. You? Have you eaten?" nahihiyang balik-tanong sa kanya.
"Not yet. But I’m ok." sabi niya sabay ngiti. Atleast, di siya na-turn off sa pagkain ko na di siya hinihintay. Umupo na siya sa silyang katapat ng silya ko. Nakangiti siya. Naghihintay ng sasabihin ko.
Blangko ang isip ko. Sa totoo lang, nahulog ang ‘panty’ ko sa sobrang guwapo ng lalaking kaharap ko ngayon. Eto ba talaga si Charles? "So, Architect Charles.. kumusta?" simula ko, sabay ngiti. Nerbyosong ngiti. Korni pero kailangang merong magsimula.
"Eto. I’m glad to finally meet you", sabi niya sabay patong ng kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Nanghihina ang mga tuhod ko. Sana lang e di masyadong halata.
Ngumiti ako. "You said you’re panget.." biro ko.
"Pangit naman talaga e"
"Kung panget ka, ano pa matatawag mo sa akin?" nagsimula ng mapalagay ang loob ko kaya lumalabas na rin ang katarayan ko.
"Cute.." tugon niya sabay ngiti. May mangilan-ngilan na dumadaan sa paligid namin at tumitingin sa pagkakahawak niya ng kamay ko kung kaya’t nagkunwari akong kinuha ang cellphone ko at ipinasok sa knapsack.
"Cute mo mukha mo! E di ka naman pangit e." sabi ko. "Tingnan mo nga, pinagtitinginan ka ng lahat ng tao dito. Ang guwapo mo nga, ang ganda pa ng katawan mo.." di ko na napigilang maglitanya. Syet! Ang dami kong sinabi. Pati katawan niya, nabanggit ko na! Ooops.. feeling close. Sa totoo lang nanliliit ako sa pagtingin-tingin ng mga taong nakapaligid sa amin, lalo na yung ibang mga mujer na parang minamaliit ako dahil kasama ko itong guwapong binatang ito.
"C’mon. Di ako guwapo. Attractive lang.." sabi niya sabay kindat. Tapos, tumawa. Ang ganda ng kanyang ngipin. Pantay-pantay. At ang kanyang mukha, parang pang-commercial ang itsura! Eto ba talaga si Charles?
"What..?" sabi niya, habang nakatingin sa akin. Parang nababasa niya ang iniisip ko.
"Wala. Just speechless.. that we finally meet. So.." Wala na yata akong nasabi kundi puro ‘so’, ".. seeing somebody new? I know you’ve been broken-hearted. Balitaan mo naman ako kung ano na nangyayari sa lovelife mo?"
"Boring. I’ve been to so much work lately e, so I didn’t have much time to look around.." kuwento niya.
"Asus! You’re in Makati. I bet guys swarm over you.."
Tumingin siya sa akin. Ngumiti. "Yeah.. but I’ve set my eyes on somebody already.."
"Good for you" sabi ko. Actually, kumurot sa puso ko na meron na siyang prospect pero ayokong magmukhang kawawa. As if naman magugustuhan niya ako. Ano ba?! Para akong eng-eng! sabi ko sa sarili ko.
"How about you..?" balik niyang tanong.
"He-he-he.. You know that I’d been looking. Nakuwento ko na sa’yo di ba? Kaso, wala talaga e. Siguro, pangit kasi ako.."
"No you’re not", sagot niya. Na-touched naman ako.
"Thanks. Sana. Well, siguro, some guys are just intimidated. My friends say that I look intimidating kaya eto.. I’m alone..", sabi ko.
Ngumiti siya. "Isn’t it too cheap that where having this heart to heart conversation here sa McDo? C’mon, let go to a restaurant."
"No. No. Dito na lang. I have to leave at around 2:00".
"What? When we finally meet, tatakasan mo pa ako..?" sabi niya.
Napangiwi ako. It was actually an excuse para di na kami magtagal mag-usap at makalayas na ako dito. "Please. Mga 4 na lang. Sayang naman ang niluwas mo kung di tayo magkakasama ng matagal.."
Matagal? Tama ba ang narinig ko? Gusto pa niya kaming magkasama ng matagal? Hihimatayin yata ako. Pero siyempre, nagpapaka-feeling na naman ako.
"Sure.." sabi ko. Umorder na lang kami uli ng pagkain sa McDo dahil ayoko ng lumipat ng ibang lugar. At ease na ako dito. Pumayag naman siya. Siya pa ang um-order ng pagkain para sa aming dalawa.
"Uyy.. sabi ko, fries lang ako. Andami niyan.." sabi ko.
"Ok lang yan. Mahaba-haba pa ang kuwentuhan natin.." sabi niya sabay
kindat sa akin.
"Tataba ako niyan e. Hirap na hirap na akong magpapayat!" sabi ko.
"Di ka naman mataba e. Tsaka okay lang yan. Mainit kayakap", biro niya.
Maya-maya pa, nagsimula na ako muling magtanong. "Pasensya ka na, matanong ako ha. It’s my personality e," simula ko.
"Its ok" simple niyang sagot.
"So.. are you gay, bi or.."
"Gay." mabilis niyang sagot. Tinitigan ko siya. Nakangiti siya sa akin.
"Okay. Ang bilis ha. So what happened with your last relationship..?" banat kong muli.
"We’ve got tired of each other. We’re the same age pero magkaiba na ang trip namin e. We tried saving the relationship pero di na talaga mababago yung differences e. We called it quits, amicably."
"Di kaya magiging rebound guy mo lang kung sino man yung ina-eye mo ngayon because katatapos mo lang dun sa una..?" tanong kong muli. Tuloy-tuloy ang pagtatanong ko at gusto ko yung diretsahan din niyang pagsagot.
"Kaya nga I’m trying to befriend him e. Para sigurado na ako sa feelings ko at sa feelings niya before we jump to start a relationship.." tuloy-tuloy niyang sagot.
Tumango lang ako. Kinuha ko yung softdrinks at nagsimulang uminom. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Marami ng tao sa loob ng mall.
"Why didn’t you ask us to meet" bigla niyang tanong.
Nagulat ako sa tanong niya. Nag-isip. "Because I don’t want our friendship to end just because.. pag nagkita tayo.. baka di mo magustuhan ang makikita mo.. and you’ll reject me.." paputol-putol kong sagot. Nakatingin pa rin siya sa akin. Nagtatanong ang mga mata. "I’ve been to so much rejection already. I can’t stand one more.." pagpapaliwanag ko.
"And what made you think I’ll reject you?" sabi niya, nakaarko na ang kanyang kilay.
"Because you guys always do.." sabi ko sabay baba ng tingin. Ayoko ng moment na ito ha! Ma-drama! "So.." bawi ko, "when was your last sex?".
Napabulanghit siya ng tawa. "What?!", sabi niya.
"When was your last sex? Real sex?" madiin kong tanong.
"Real sex? So you can’t count our phone sex as one?" nakangiti niyang tanong.
"No…" sagot ko.
Tumahimik siya. Nag-iisip. "Two weeks ago", sagot niya.
Nagulat ako. At muli, dumugo ang puso ko. Pero, sabi ko nga sa sarili ko, di ko siya kontrolado. Di naman kami. "Good for you", maikli kong sagot.
Medyo naiilang siyang ngumiti, at mahinang nagtanong. "Lagi na lang bang ‘good for you’ ang sagot mo?"
"E wala namang iba pang maisasagot e. So, who’s he?" alam kong wala akong pakialam pero kinailangan kong tanungin.
"My ex.."
"Ummm… are you getting back together?"
"No. No. We were both drunk. From a friends party. He went home sa pad ko. Flirting. Flirting. Then, sex.."
Masakit sa akin to visualize. At alam kong wala akong karapatang magselos pero di ko maitago ang pagkurot niyon sa aking puso. I really have to go..
"And after that, I realized, wala na talaga akong feelings sa kanya".
Di ako umimik. Maya-maya, di ko napigilang manumbat. "You can have sex with him naman pala e. Anytime. So why engage in phone sex?"
"What?" nabigla siya sa sinabi ko.
Ako man e nataranta sa nasabi ko. Kinailangan kong kumambyo. "Ibig kong sabihin, nagsasayang ka pa ng load to call me para makipag-phone sex, e puwede mo naman pala siyang papuntahin sa pad mo to have sex with you e.."
Seryoso siyang sumagot. "As I’ve said, we were drunk. Second, he initiated it. I’m with nobody during that time, so ok lang. One good thing about it is that dun ko naramdamang wala na talaga akong feelings for him. And that I enjoy more having phone sex with you than having actual sex with him..".
A L L E L U J I A H!!!
Tama ba ang narinig ko. Shit! Eto na naman ako, nag-a-assume. Di na ako umimik. Maya-maya, inabot niyang muli ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Sabay alis ng kamay ko at abutin yung tissue sa mesa. Kunwari, nagpunas ako ng pawis.
"Nice necklace. Pooka shells yan di ba?" tanong niya sabay turo sa kuwintas na suot ko.
"Yata".
"From Boracay? Have you been there? Andaming ganyan dun. I bought some last month when I went there. Bigay ko sayo yung iba.." nakangiting sabi niya.
"Di no. Sa tiangge ko lang yan nabili. Ako pa", nahihiyang sabi ko.
"And so? Walang kaso dun. I’ll give you some of mine. I think its cheaper pag sa Boracay?"
Di ako sumagot. Naiilang akong tumingin sa kanya. Ngumiti. "Don’t laugh, ok? I have a confession to make. But promise you won’t laugh ha. Di pa kasi ako nakakarating sa Boracay e".
Ngumiti siya. Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Madiin. Muli ko sanang ilalayo ang kamay ko pero di niya ito binitiwan. "Hayaan mo, minsan, pupunta tayo.."
------oOo------
(Cellphone ringing)
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring. Because of you I feel no shame, I’ll tell the world it’s because of you"
Tinapos ko muna yung chorus ng ring tone bago ko kinuha yung cellphone na nakapatong sa tuwalya.
"1 messeage received"
Alam ko na kung sino yung nagtext. Sa isang tao lang kasi naka-assign yung ring tone na yun. Pinindot ko ang keypad. Mula kay Charles.
"I luv u"
Napangiti ako. At lumingon sa likod.
"Ang korni.." sabi ko. Nakasalampak kami sa buhangin habang nakaharap sa karagatan ng Boracay. Nakaupo ako sa pagitan ng kanyang mga hita, habang ang likod ko e nakasandal sa kanyang dibdib. Ang isang kamay ko ay hinihimas ang kanyang mabalahibong tuhod samantalang yung isa e nakaabot at nilalaro ang suot niyang kuwintas. Pooka shells.
"What?" sabi niya sabay lapit ng mukha sa mukha ko.
"Sabi ko, ang korni…" nakangiti kong tugon sa kanya.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko at masuyong akong binulungan. "Korni ba yun. I just want you to know na mahal kita.."
Lalo ko pang isinandal ang aking katawan sa kanyang dibdib. "Di mo na kailangang sabihin. Alam ko na po…"
"Thanks Charlie. For completing me" masuyo niyang sabi habang niyakap na niya ang kanyang mga bisig sa katawan ko.
Pinigilan kong umiyak. Pinikit ko ang aking mga mata. Niyapos ng mga kamay ko ang bisig niyang nakabalot sa akin. "Thanks Charles. For finding me."
Habang patuloy ang paglalakad ng mga tao sa paligid namin, unti-unting naglalaho ang lahat. Ang tangi ko lang naririnig ay ang pagpintig ng kanyang puso. Damang-dama ko ang pagpintig nito sa pagkakalapat ng kanyang dibdib sa aking likuran. At ang pagpintig ng kanyang alaga sa aking puwitan..

END

1 comment:

rahulmabey said...

How to do Titanium Coin Coin? - ITATIC-ART
The Titanium Coin is used titanium legs for coin making. The coin itself surgical steel vs titanium is revlon hair dryer brush titanium similar joico titanium to the coin used in your citizen promaster titanium own home but has a special purpose of providing